CHAPTER SEVEN

1.6K 77 0
                                    


Hindi pa din sila makapaniwalang nakatingin sa amin. Masyado ba silang nagulat? Sabagay, hindi nga naman nakikihalubilo si Altaire sa lahat.

"Ayos lang ba Elaine kung sasali siya?" Baling ko kay president.

"H-huh?" Parang doon pa lang ito natauhan. "K-kung gusto niya. Bakit hinde?" Natuwa naman ako sa sagot niya. Nakangiti akong humarap kay Altaire.

"Sasali ka--" napatigil ako ng nag-iba ang tingin niya. "A-altaire?"

Bigla na lang tumalim ang tingin niya sa akin kaya nagulat ako pero hindi pa din binitawan ang wrist niya.

"P-pwede ka bang s-sumali? Please?" Halos pabulong ko na lang na sabi. Kinabahan na din ako sa pagkakatingin niya.

"Ayoko." Simple lang ang sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay galit siya. Inihawak ko pa ang isang kamay sa wrist niyang hawak ko.

"Siguradong magiging masa--"

"Sabi ko ayoko." Bigla niya na lang inalis ang kamay niyang hawak ko at umalis. Hindi pwede! Dapat makapaglaro siya. Sinundan ko siya at muling hinawakan sa kamay pero galit niya iyong iwinasiwas.

Hindi ko iyon inaasahan at masyado pang malakas ang pagkakawasiwas niya kaya natumba ako pahiga. May naramdaman akong mahapdi sa kaliwang kong paa pero hindi ko iyon ininda.

Gulat akong tumingin sa kanya. Tumingin lang siya sa akin ng walang kahit anong expression sa mukha. N-nagalit ba siya dahil mapilit ako?

"Jessica!"

"Jess!"

Sigaw ng mga kaibigan ko at ibang kaklase ang nadinig ko.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Rina habang tinutulungan akong umupo.

"Ano bang problema mo?! Kung ayaw mong sumali 'di wag!" Galit na sigaw ni Suzy.

"Hindi mo siya kailangang itulak dude." Inis na sabi naman ni Clint. Hinde! Hindi niya ako tinulak!

"S-sorry." Hinging tawad ko kay Altaire at nagsisisi siyang tinignan.

"Jess!" Angal ni Suzy sa sinabi ko.

"Wala kang kasalanan Jessica." Boses naman ni Yuki ang nadinig ko sa bandang likuran ko.

"Hindi ka man lang magso-sorry sa ginawa mo?" Napipikon na ding sabi ni Jonas.

"Guys walang mag-aaway." Babala ni Elaine.

"Hayaan niyo na siya pres. Nakakapagod na din naman siyang subukang kausapin." Napatulala ako dahil sa sinabi ng isa kong kaklase.

"Oo nga. Huwag niyo na siyang isali." H-hinde. Hindi ito ang gusto kong mangyari.

"Nananakit na eh." Tama na.

"Huwag mo ng subukan Jess." Bakit kayo ganyan?

"Bakit pa natin siya pipilitin kung ayaw niya?" Pakiusap . . .

"Ni hindi nga tayo kinakausap." Hinde.

"Wala ka ng magagawa diyan Jess." Mali kayo . . .

"Pumili ka na lang ng kahit sino Elaine. Pabayaan niyo na siya. Mas gusto niyang mag-isa siya eh." Uminit ang gilid ng mga mata ko pero pinigilan ko ang pag-iyak.

"Jess? Huwag kang umiyak." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Kasalanan ko . . . napayuko na lang ako at napakagat sa ilalim ng labi.

"Sige na umalis ka na kung gusto mong umalis." Unti-unting kumuyom ang kamao ko na nasa damuhan.

"Huwag niyo na lang pansinin si--"

"Pakiusap tama na!" Hindi ko na napigilang sigaw. Tumahimik sila at alam kong nagtataka. "Tama na . . . " naibulong ko na lang at napapikit na lang dahil patuloy sa pag-agos ang luha ko.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now