CHAPTER THIRTEEN

1.3K 60 0
                                    

"Nangako ka sa akin. Paano nangyari ito?"

Kaninong boses iyon? Bakit pakiramdam ko . . namamanhid ang katawan ko? Nasaan ba ako?

"Hindi ako sumira sa usapan natin."

Altaire? Bakit nadidinig ko ang boses niya? At sino ang kausap niya? Bakit pamilyar din ang boses?

"Paano mo ipapaliwanag iyan? Ikaw lang naman ang nagdala kay Jessica sa clinic kaya ikaw ang kasama niya ng mangyari iyon."

Yuki? Bakit sila nag-uusap ni Altaire?

"Nangyari iyon dahil iniiwasan ko siya. Iyon ang pinagkasunduan natin diba? Iiwasan ko siya at kapalit ay hindi ka aalis sa tabi niya."

A-ano?

"Anong gusto mong sabihin? Na ako ang may kasalanan?"

"Oo."

"Anong sabi mo?"

"Ikaw ang may kasalanan."

"Bawiin mo iyan. Kahit kelan ay hindi ko ginustong masaktan si Jessica."

"Bakit? Tingin mo hindi mo pa siya nasaktan ng sinabi mong iiwasan mo siya?"

Altaire . . . papano niya nalaman iyon? Ang alam ko sinabi ko lang na si Yuki ang hinahanap ko. Hindi ko naman sinabi ang dahilan ah?

"Ang papiliin sa isang matagal ng kaibigan at gustong kaibiganin pa lang. Kung sayo kaya gawin iyon?"

"Ano?"

"Sabagay, hindi naman ikaw siya para malaman kung anong naramdaman niya noon."

"Sinasabi mo bang winalang bahala ko ang damdamin niya?" Dinig sa boses ni Yuki ang hindi pagkagusto.

"Hindi ba?"

"Kung makapagsalita ka parang kilala mo kami."

"Hindi kita kilala. Pero siya, kahit sino maiintindihan ang kabutihan niya. Hindi naman siguro, inuna mo ang nararamdaman mo?"

"Tumigil ka na! Huwag ka ng lalapit pa kay Jessica!" Yuki!

"Bitiwan mo ko. Ikaw ang nagkulang dito hindi ako. Nung mga araw na hinahabol niya ako, nasaan ka para pigilan siya?"

"Ikaw!" Galit na ang boses ni Yuki.

"Ang pagkakamali ko lang, ay pumayag akong magpagamit sayo."

"S-sinong sinasabi mong n-nanggamit? Ako? Unang una, hindi naman dapat nangyari ito kung iniwasan at tinigilan mo na siya!"

"Hindi ba . . . siya ang lumalapit sa akin?" Tama naman si Altaire. Ako lang naman ang makulit na laging lumalapit. Pero si Yuki . . . hindi ako makapaniwalang ginawa niya iyon.

"Pinagyayabang mo ba iyon sa akin?"

"Tapos na ako dito. Kung nasasaktan lang siya sa pag-iwas ko, hindi na ako aalis sa tabi niya. At wala ka ng magagawa doon."

Nadinig ko na lang ang mga yabag at pag bukas sara ng pinto. Doon ko dahan-dahang idinilat ang mga mata ko. Ang kisame ng clinic ang nabungaran ko.

"Yuki . . . " tawag ko sa kanya pero pabulong ko lang iyong nadinig. Nakita ko sa gilid ng mata ko na natigilan siya at kuyom ang kamao na yumuko.

Alam niyang nadinig ko ang pinag-usapan nila ni Altaire. Ang totoo, hindi ko alam kung anong dapat ireact o sabihin.

Ang mga ganitong bagay, ay hindi ko inaasahang magagawa ni Yuki. Pero ayoko siyang husgahan dahil kaibigan ko siya.

Isa pa, hindi ko alam ang dahilan at nararamdaman niya. Naguguluhan ako. Ang alam ko ay hindi ako ang gusto niya. Nagsinungaling ba siya?

Pinilit kong umupo pero hindi ko din kinaya kaya hinayaan ko na lang. Naalala ko na. Bumagsak nga pala ako sa isang shelf ng mga libro.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now