CHAPTER THIRTY ONE

1.7K 69 19
                                    

(Update for you guys esp. chum ^^)

Dahan-dahan kong idinilat ang mata. Papadilim na. Pumikit pikit ako para luminaw ang paningin ko.

Puro mga puno. Papalubog na ang araw. Nasaan . . . ba ako?

Natigilan na lang ako ng maramdamang may taling pumipigil sa akin para makaalis sa pagkakasandal sa isang puno. Pilit pa din akong nagpumiglas. Hanggang may nadinig akong umungol.

Gulat akong napalingon sa aking kanan para lang makita ang kuya kong nakatali din. Bakit pati siya dinala dito? Hindi dapat madamay ang kuya ko.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at ng makitang walang ibang tao ay pilit kong sinagi si kuya para magising.

"Kuya gising! Gumising ka na!" Kahit nahihirapan ay hindi ko ininda para lang gisingin siya. Nagising naman siya ngunit parang wala sa sarili.

"Nasaan ba tayo? Natutulog pa ako eh." Napabuntong hininga na lang ako dahil parang hindi niya pa ramdam ang pagkakatali niya at ang nangyayari.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan kuya. Wala ka ng malay pagbalik ko. Ano bang nangyari?"

Kunot noo siyang humarap sa akin bago pinagmasdan ang ayos ko.

"Bakit nakatali ka?" Mariin akong napapikit dahil parang hindi pa din siya gising. Nasaan ba ang utak ni kuya kapag bagong gising?

"May kumuha sa atin at nakatali ka din. Kuya naman."

"Ako? Nakata-- anong-- sinong gumawa nito?! Ano bang nangyayari?" Salamat naman at gising na siya.

"Sinong nagpatulog sa iyo pagkaalis ko?"

"Sa akin? Ah, yung dalawang babaeng kakaiba ang damit kagaya nung wirdong babae? Hindi ko matandaan kung paano nila ako napatulog." Kunot na kunot ang noong sabi niya.

Malamang hindi niya iyon nakita dahil sa sobrang bilis. Kailangan kong balaan si kuya para hindi siya mabigla sa mga makikita niya.

"Kinausap ka ba nila bago ka pinatulog kuya?" Nag-isip pa si kuya bago muling humarap sa akin.

"Tinanong lang nila kung doon ka nakatira at kaano ano kita. Kilala mo ba sila?" Napakagat ako sa labi dahil sa tanong niya. Alam ko namang hindi agad maniniwala si kuya kaya paano ko ipapaliwanag na maiintindihan at maniniwala siya? Bahala na.

"Bampira sila."

Umaasa akong tumingin kay kuya pero inirapan niya lang ako. Sabi na eh.

"Jess, ganito na nga ang sitwasyon natin nagagawa mo pang magsabi ng ganyan?"

"Nagsasabi ako ng totoo! Kapatid siya ni Altaire at taga ibang mundo sila."

"Si Altaire? Kung ganoon, bampira din ba ang dalawang babaeng kasama niya?" Huh? Maniniwala ba siya?

"Nakita mo na ang magpinsang bantay ni Altaire?"

"Bantay? Bakit maharlika ba siya?" Parang natatawa pa niyang sabi.

"Prinsipe siya kuya." Nanlalaki ang matang tumingin sa akin si kuya. Tumango tango pa ako para ipaalam na hindi ako nagsisinungaling.

"Ang sabi mo uuwi lang siya dahil may problema ang pamilya niya?"

"Totoo naman. Ito ang problema ng pamilya nila. Tungkol sa magmamana ng trono."

"Hindi mo naman sinabing ganito kalala! Sabihin mo nga sa akin, kelan mo pa nilalagay ang sarili mo sa kapahamakan ah?"

Napayuko ako sa sinabi ni kuya dahil alam ko naman na totoo iyon.

"Tayo na lang dalawa ang naiiwan sa bahay pero nagawa mo pang ilihim sa akin ang ganito kalaking bagay Jess. Hangga't hindi ako nadadamay, hindi mo sasabihin sa akin?"

My Vampire PrinceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang