CHAPTER TWENTY FOUR

1.1K 51 0
                                    

"Anong sasabihin ko sa kanya? Na ako ang dahilan kaya madaming taon siyang nalungkot at umiyak?"

Lagi silang nag-aaway pero hindi maikakailang mahal nila ang isa't-isa.

"Nasaksihan ko kung gaano siya naging masaya mula ng makilala niya ang prinsipe. Tingin mo ba mapapatawad pa niya ako?"

Walang tanong. Sigurado iyon. At sa tingin ko kung maganda ang mga mangyayari ay si Kianzen mismo ang magsasabi kay Anne Jhelika ngayon.

"Oo nga pala, may gusto sana akong itanong. Sino ba ang babaeng nagngangalang Euricca? Anong relasyon niya kay Altaire?"

Binuksan ko ang pinto ng library at dumiretyo sa bintana. Ini-slide ko iyon pabukas at tumuntong doon.

Umakyat ako sa bubong at nakita ang magandang tanawin. Ang kabuuan ng aming lugar. Hindi ko alam na ganito pala kataas dito.

Pero hindi iyon ang ipinunta ko. Inilagay ko ang dalawang kamay sa likod at ipinaghawak ang mga iyon. Mabagal akong lumakad papunta sa taong nakaupo patalikod sa akin.

"Hindi pa bumabalik sina Anne Jhelika." Pagpapaalam ko. Hindi siya lumingon ni kumibo kaya umupo ako sa tabi niya.

"Alam mo ba? Nakakatulong ang magandang tanawin para makapag-isip ka ng maayos." Tumanaw din ako sa mga bahay.

"Ngayon alam ko na." Hindi ako magtatanong. Hihintayin kong siya mismo ang magsabi ng lahat.

"Pasensya na."

"Para saan?" Napaka presko naman ng hangin dito. Sana nga may kapangyarihan ang hangin na tangayin ang mga problema natin.

"Itinago ko ang totoong pangalan ko." Ngumiti ako at pumikit para damhin ang hangin. Parang walang problema. Napaka payapa.

"Wala iyon. Natural lang iyong ginagawa ng mga taong nagtatago. Pero . . . babalik ka na ba?" Dumilat ako at tumingin sa kanya. Na nagkataong nakatingin din pala sa akin.

"Saan?"

"Sa mundo mo. Sa Zetsen."

"Gusto mo bang bumalik ako?" Ngumiti ako sa kanya.

"Tinatanong mo ba ang opinyon ko?" Hinaluan ko iyon ng biro dahil ayoko ng topic namin. Na ako naman ang nagpasimula.

"Oo. Tinatanong kita--"

"Huwag. Huwag mo akong tanungin. Ayokong maging makasarili. Ikaw dapat ang magdisisyon."

"Alam mo na?" Yumuko ako sa mga tuhod ko at ipinaikot doon ang dalawang kamay. Marahan akong tumango.

"Mahalaga siya sa iyo. Sila. Kahit ako . . . hindi alam ang dapat gawin. Pero ikaw, alam kong kaya mong magdisisyon para sa lahat."

"Sobra ang tiwala mo sa akin kung ganoon." Tipid akong ngumiti. Walang duda doon. Masyado nga akong tiwala kay Altaire.

"Dapat ba Rendell na din ang tawag ko sayo? O mahal na prinsipe?"

"Mas gusto ko ang Altaire. Mula ng tinawag mo ako ng ganoon, nagustuhan ko na iyon." Maang ako tumingin sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. "Huwag kang mag-alala, hindi ako aalis."

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now