CHAPTER THREE

2.3K 92 0
                                    


"May nangyari ba kay Rina?" Napatingin ako sa katabi ko dahil sa tanong niya.

"Huh?" Kunwaring pagtatanong ko.

"Tingin ko matamlay siya. Namumula din ang mga mata niya. Umiyak ba siya?"

Bumaling ako sa direksyon ni Rina. Nakayuko lang siya at nasa desk ang magka-hawak na kamay. Napayuko na lang ako.

Kung sanang nalaman ko agad na kinausap siya nila Nikka nung pumunta siya sa cr, sana nalaman ko na may pinoproblema siya.

"Baka dahil nahihiya siya sa katabi niya?" Napa-angat ako ng tingin ng madinig ang bulong ni Clint. Nasa tabi na siya ni Yuki ngayon.

"Iba ang tingin ko." Sagot ni Yuki kaya nagtaka si Clint. Napakurap naman ako ng sa akin siya tumingin.

"Alam mo diba? Kung bakit matamlay ngayon si Rina?"

"H-ha? Papano mo nasabing . . ?"

"Alam ko Jess. Dahil kung wala kang alam ay siguradong hinila mo na siya palabas ng klase para tanungin. Pero dahil wala kang ginagawa, ibig sabihin alam mo."

"Gaya ng inaasahan kay Yuki." Nakangiti namang sabi ni Clint. "Pero ano nga bang problema niya?"

"Sasabihin ko mamayang lunch." Pagtatapos ko ng usapan kaya wala na silang nagawa.

Ang teddy bear na binigay namin ni Suzy sa kanya. Pinag-ipunan namin iyon ni Suzy dahil gusto iyon ni Rina.

Kaklase ko na si Suzy mula pa nung elementary. Nakilala naman namin si Rina nung grade 7. Tahimik lang siya kaya binubully siya nila Nikka at ng grupo nito. Magkakaklase pa noon kami.

Hindi na namin kinaya ang hindi niya pagpansin sa mga ginagawa sa kanya kaya kinaibigan namin siya ni Suzy.

Naging madaldal siya at natutong lumaban dahil na din kay Suzy. Kaming dalawa ni Suzy ang backup niya sa tuwing inaaway siya. Pero kinaya na niya dahil lumalaban na siya.

Natigil ang pagbubully nila kay Rina lalo na ng maalis sila sa first section nung grade 8. Mula noon ay hindi na siya ulit ginulo. Ngayon na lang. At naiinis ako dahil hindi ko man lang napansin.

Anong klasing kaibigan ako kung may problema na pala ang kaibigan ko pero wala pa din akong kaalam-alam.

*******

"Anu bang nangyare? Bakit ang lungkot ni Rina?" Tanong ni Suzy habang kumakain.

Ng tignan ko si Rina ay tahimik lang siyang nakayuko at nasa hita ang baunan. Napabuntong hininga ako bago sila hinarap.

"Kinausap siya nila Nikka kahapon sa girl's cr." Simula ko.

"Yun yung nambully sa kanya dati diba?" Takang tanong ni Jonas.

"Ano?! Kinausap ka nila? At bakit hindi mo sinabi sa amin? Ginugulo ka nanaman ba nila??"

Marahas na tumayo si Suzy at bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Rina na mukhang nakita ni Clint kaya agad niyang hinila sa braso si Suzy paupo.

"Kahit ako hindi ko sasabihin iyon sayo dahil siguradong ganyan ang magiging reaksyon mo. Kumalma ka nga okay?" Pagsesermon nito sa kanya. Nakasimangot namang umayos ng upo si Suzy.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Ang totoo ay nag-aalala din ako sa gagawin niya. Si Suzy kasi ay masyadong palaban at walang inuurungan. Mabuti nandito si Clint.

"Mas mabuti kung pakinggan muna natin lahat bago tayo gumawa ng aksyon." Mahinahong sabi ni Yuki.

"Tama tama." Sang-ayon ni Jonas. Nagpatuloy ako sa pagkwento.

My Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon