CHAPTER SIXTEEN

1.3K 56 0
                                    

"Jessica!!"

"Waaaah!!"

Napaatras na lang ako ng talunin ako ng yakap ng dalawa na todo umiyak. Ang dalawang ito talaga. Hinaplos ko ang mga ulo nila kaya lalo silang yumakap sa akin.

"Nakakagaan naman ng pakiramdam yan." Mahinang sabi ni Anne Jhelika.

"Gusto ko ang ganitong pakiramdam." Sang ayon naman ni Jherselle. "Pero . . . "

"A-araayyy . . " napahawak ako sa aking noo at napaatras ng bigla na lang iyong pinitik ni Jherselle. Nakanguso ako ng tumingin sa kanila.

"Ano naman sa tingin mo ang ginawa mo?" Taas kilay niyang sabi.

"Oo nga. Hindi pa ako natakot ng ganoon sa tanang buhay ko. Bakit mo ginawa iyon ha?" Napapikit naman ako ng pinisil ni Anne Jhelika ang aking ilong. Agad ko iyong hinawakan pagkabitaw niya.

"Nakakasakit na ka- huh? Teka nga, kanina pa ba ganyan ang suot niyong dalawa? Pareho pala kayo ng damit." Ngayon ko lang napansin ang suot nila.

"Ito ba?" Umiikot pang sabi ni Jherselle.

"Ito talaga ang kasuotan ng mga Arthians na gaya namin ni Jherselle. Ang ganda diba?" Halatang gustong gusto nila kaya natutuwa ako. Pinagmasdan ko ang damit nila.

May kwelyong long sleeve na may butas sa magkabilang shoulder at may design na butas butas sa kamay, may parang tatlong layer ng panyo sa leeg na parang pang maharlika, at tinernohan ng isang palda na hanggang gitna ng hita.

May kahabaan ang damit pero hindi nakabutones hanggang sa ilalim kaya kitang kita ang palda sa harapan. Mayroon din silang itim na medyas na hanggang sa hita at parang boots na hinde.

Magkaiba ang kulay pero parehong pareho ang disenyo. Asul kay Jherselle at pula naman kay Anne Jhelika. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"Ang ganda. Bagay sa inyong dalawa." Mukhang natuwa sila sa sinabi ko kaya nagningning ang mga mata nila.

"Ang totoo ay ngayon lang nila sinuot ang mga iyan kaya tuwang tuwa sila." Tumabi sa akin si Altaire na nakatingin din pala sa dalawa.

"Master naman." Nakagusong reklamo ni Anne Jhelika at bumagsak naman ang balikat ni Jherselle. Napatawa ako sa reaksyon nila. Nagsimula nanaman silang mag-away kung sino ang may kasalanan at nabuking sila.

Parang walang bakas ng paglalaban kung titignan silang dalawa.

"Halika na." H-ha? Hinila na lang ako ni Altaire at naramdaman ko nanaman ang pagbagal ng segundo ng humakbang ako. "Nakabalik na tayo."

N-nasa amin na nga kami. P-pero-

"Akala ko kapangyarihan iyon ng isang bampira kanina." Nagtataka kong baling sa kanya.

"Incantation lang iyon. Wala talaga silang kapangyarihan dahil ordinaryo lang silang bampira."

Nagsimulang maglakad si Altaire kaya wala akong nagawa kundi sundan siya. Madami pa akong gustong itanong.

"Pati iyong paggaya nila sa magpinsan?"

"Hm. Illusion." Kaya pala nakaramdam ako ng kaba noon. Pero akala ko ba ordinaryo lang silang bampira? Sa kanila ba talaga galing ang kilabot na naramdaman ko kanina?

"T-teka, papano ang magpinsan? Naiwan sila doon!" Nagsisimula na akong magpanic pero agad natigil ng nadinig ko siyang tumawa ng mahina. P-pinagtatawanan niya ako?!

"Nakadating sila doon ng walang tulong galing sa akin kaya kaya din nilang umalis ng sila lang."

"Pero hindi mo naman ako kailangang pagtawanan." Kasalanan ko bang nag-alala ako?

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now