O84(√)

3.4K 124 0
                                    

Kabanata 84

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

"Mr.Kim.."

"Neo?.."

"Kuya?.."

Napatingin ako kay Yuan tapos kay Katherine,napunta naman yung mata ko kay Mr.Kim na halatang gulat din.

"Mr.Kim..ba't nandito ka?" tanong ko at dahan dahan siyang naglakad papunta saken. Hindi siya makatingin ng diritso sa mata ko.Panay sulyap niya kay Yuan at kay Katherine.

"Nabalitaan ko yung nangyari sa'yo.Sinabi saken ni Yuan kanina." giit niya..Teka..magka ano ano ba talaga ng dalawang to

"Talaga bang close kayo ni Yuan? tapos tinawag ka pa niyang kuya?" giit ko at nagkatinginan silang dalawa.

"Tara na Archa.Umuwi na tayo." sabag hila saken ni Katherine.

"Teka Kath,magkaka kilala kayo ni Mr.Kim?" nagtatakang tanong ko at nagkatinginan rin silang dalawa.Na weweirduhan na talaga ako sa mga kinikilos ng mga to.

"A-ah..Oo..diba artista siya? S-sino namang hindi makakilala sakanya?" hindi naman ako satisfy sa answer niya.I smell something fishy hayst.

Napasulyap ulit ako kay Mr.Kim.Hindi rin siya makatingin saken.Ano bang kalokohan ito?

"Sige mauna na ako." giit ni Yuan at mukhang nagmamadali ring umalis.

"Teka Yuan." napatigil naman siya pero nakatalikod parin "Mag iingat ka." tumingin siya saken saka ngumiti.

"Ihahatid ko na kayo." volunteer ni Mr.Kim pero halata sa kasama ko na ayaw niya.Eh kasi sobrang higpit ng pagka kapit niya saken.

"Wag na Mr.Kim--" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko bigla niya akong niyakap.Sobrang higpit ng pagkayakap niya na para bang ayaw niya na akong pakawalan.

"Mr.Kim.."

"Sorry..sorry napabayaan na naman kita." giit niya.Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito ramdam na ramdam ko ang nararamdaman ni Mr.Kim.Alam ko na hahantung sa ganito ang relasyon namin dahil sabi nga niya..ang dami naming priorities.

"Okay lang ano ka ba.Wala namang nangyaring masama saken diba?"

"Kahit na.Hindi rin ako yung unang pumunta sa'yo dito." hindi parin siya bumitaw sa pagka yakap "Ang sama ko."

"Ehemm" rinig ko ang boses ni Kath.Nandito pa pala siya kala ko inexcuse na ni Author masyado tuloy siyang thirdwheel samin ni Mr.Kim

"Mag usap muna kayo.Doon nalang ako sa parking lot." giit ni Katherine at umalis.

Napatitig ako sa mukha ni Mr.Kim.Halatang pagod na pagod siya pero nagawa niya paring puntahan ako dito sa police station.Hindi ko naman alam na mangyayari pala iyon.Sana nga magawa kong amuyin ang mangyayari saken para ma aware naman ako pero alam ko na ang lahat ng nanyayari ay may rason.

"Umuwi ka na at magpahinga." giit ko at nakahawak na siya ngayon sa kamay ko.Ramdam ko ang pag ihip ng malamig na hangin kasabay ng pag patak ng luha ni Mr.Kim "Oh ba't ka umiiyak?"

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now