O81(√)

3.4K 115 0
                                    

Kabanata 81

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Nasa isang mataas na lugar ako habang nakatingin sa isang babaeng nakaupo sa isang upuan.Nakapalibut sakanya ang mga lalaking armado.Nakayuko siya habang may tali ang kaniyang bibig,kamay at paa.

"Nandito na daw si Boss." giit ng isang lalaki at may lumabas na isang lalaki.Sobrang haba ng kaniyang balbas at galit na nakatingin sa babaeng nakayuko.

"Tulog pa ba?"

"Tulog pa siya boss.Pero gigising nalang namin." giit ng lalaki at mas nagulat ako ng sinapak niya ito sa ulo dahilan nagkamalay ang babae.Nakaharang ang kaniyang mahabang bagsak na buhok sakaniyang mukha at kitang kita ko ang pagdurugo sa kaniyang ilong at anong parte ng kaniyang mukha.

"S-sino kayo?! ba't nandito ako?" giit niya at mas nagulat ako ng maaninag ko kong sino ang babaeng iyon.

"Hi magandang binibini.Gising ka na pala.Asan ang boyfriend mo na magsasalba sa'yo?"

"Pa-pakawalan ninyo ako." pagsusumamo niya at kasunod ko nalang naramdaman ang pag agus ng luha ko.

Biglang nag iba ang pangyayari.Nakatayo siya habang may isang lalaking nakatayo sa likuran niya.Pilit niyang sinasalo ang bala kasunod ko nalang narinig ang pagputok ng baril at diritso ito sa ulo niya.

Bigla akong napabangon sa hinihigaan ko.Puno ng pawis ang aking mukha at ramdam ko ang panlalamig sa aking palad.Napatantu ko na nandito pala ako sa aking sariling kwarto.

kaba at paghinga lang aking aking narinig.Pilit kong inintindi ang panaginip na iyon.Anong ibig sabihin doon? at bakit nandoon si Mr.Kim sa pangyayaring iyon?.

Kinaumagahan.Hindi na ako ng breakfast at diritso na akong pumunta sa Ospital.Dumiritso ako sa office ni Jade–yung Psychiatrist na kaibigan ko.

"In that case friend.May possibility na iyong mga taong nakikita mo sa panaginip mo ay naging parte ng past life mo."

Naging parte ng past life ko?.Naging parte na ba tsi Mr.Kim sa nakaraan ko?.Naging parte ba saken ang insidenteng iyon?.

"Kung na coconfuse ka lalo na sa nangyari sa'yo noon.You can ask your family dahil mas alam nila iyon.Alam nila ang totoong nangyari sa'yo dati."

Third Person's POV

"Oy Katherine.Napadalaw ka?" bungad ng Mama ni Archa sa kaibiga niya at agad niya itong pinatuloy sa loob.

"Eh kasi tita.May nangyari sa Ospital kanina." dahilan natigilan si Vivian at seryosong nakikinig kay Katherine "Na hostage po si Archa nang isang gunman at may tama po siya sa bandang balikat niya.".

"Malala ba?"

"Hindi naman po pero may kakaibang kinikilos si Archa eh.Hindi kaya naging pamilyar sakanya ang pangyayaring iyon sa nangyari sakanya dati?"

Hinawakan ni Vivian ang kamay ni Katherine at pilit niya itong ngumiti.

""Hindi ko na alam ang gagawin ko Katherine.Hindi ko makakaya tignan ang anak ko na nahihirapan." sabay hagulgul niya at agad naman siyang niyakap ni Katherine at pinakalma

"Wag po kayong mag aalala tita,gagawin ko po ang lahat manatiling buhay at gising si Archa."

Archa's POV

"Salamat po Doctora at magaling na po ang anak ko."

"Walang anuman ho iyon." sabay ngiti ko. "Pwede na ho siyang iuwi bukas ng umaga."

The Girl who can smell death(Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن