L68(√)

3.8K 127 4
                                    

Kabanata 68

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Hindi ko parin labis maisip na nandito ngayon si Mr.Kim sa harapan ko.Sobrang nag aaalala yung pagmumukha niya at chinecheck pa niya kung may sugat ba ako or wala.

"Tangina buti at okay ka." giit niya at hindi ko parin siya maiintindihan.
Paano siya napunta dito ng ganitong oras na? at bakit parang alam niya na may masamang mangyayari saken ngayon?

"Ihahatid na kita pauwi." giit niya pero umiling ako.Galit ako sakanya at ayoko na siyang makita pa.Ba't ba siya nandito? bakit wala doon sa dinidate niya?


Paano ba siya napunta dito? ba't alam niyang nandito ako? sinusundan niya ba ako?

"Wag na, okay lang babalikan ko nalang iyong kotse ko." giit ko at nilagpasan ko siya.

"Teka,hindi pwede.delikado." habul niya saken habang nakahawak sa braso ko.

"Galit ka ba? hindi mo kasi sinasagot yung mga tawag ko." tanong niya pa pero hindi ko siya pinansin at hinablot ko yung braso ko at naglakad ulit.Hangang sa makarating ako ng kotse ko at naabutan ko paring tulog si Ann.

"Iuuwi na kita." sambit niya at hinila niya ako ulit.

"Mr.Kim..bitawan moko." mahinang sambit ko sakanya at dahan dahan kong inalis yung braso ko sa kamay niya. "Kaya ko ang sarili ko." giit ko at sinubukan kong gisingin si Ann pero tanging tango lang ang naisagot niya saken tas tulog ulit.

Nagulat ako ng biglang may nag park na Mercedes-Benz sa harapan namin at may lumabas na lalaki.

"Ikaw na bahalang mag repair ng kotseng ito." utos ni Mr.Kim at tumango lang yung lalaki

"Dito na kayo sa kotse ko.Wag ka ng magmatigas..Oo sige galit ka saken at wala na akong planong kulitin ka basta maihatid lang kita okay na ako." giit niya at wala akong magawa dahil kinuha niya si Ann sa likod at nilipat doon sa backseat ng kotse niya.

Tahimik lang ang byahe namin papunta sa aking condo unit.Ramdam ko ang awkwardness sa paligid dahil pinanindigan niya talaga na hindi na siya mangungulit basta maihatid lang niya ako.

Pero hindi ko parin maalis sa utak ko kung ba't siya napunta sa lugar na iyon.Mukhang galing din siya sa bar kanina pero..public bar iyon hindi siya pwede dahil pagkakaguluhan lang siya if ever.

Alam ba niya na may mangyayaring ganun? may super powers ba siya?

"Ipapahatid ko nalang ang kotse mo mamayang umaga." giit niya at nandito na pala kami sa tapat ng building "Tulungan ba kita sa kaibigan mo?" tanong niya at umiling lang ako.Gising na rin naman si Ann kaya na niyang maglakad

"Salamat." tipid na sambit ko at inalis ba yung seatbelt na nakapulot saken.

"Hindi ko alam ba't galit ka saken,pero sorry..sorry sa nagawa ko.Matulog ka na." giit niya at ilang segundo akong natigilan pero hindi na ako nagsalita pa at lumabas na ng kotse at kinuha ko na si Ann.

Hangang sa makapasok na kami ng Condo unit,hindi ko parin maalis sa isip ko si Mr.Kim.Medyo na nakokonsensya ako pero bahala siya ayoko siyang pangunahan gusto ko na siya mismo yung makaalam ba't ako naiinis sakanya.Ughhh ang OA ko naman pero ughh makatulog na nga lang.

"Oy Archa? sino yung lalake kanina ha?" gulantang akong tumingin kay Ann na kasalukuyang nakahiga sa kama ko ngayon.

Shit! nakita niya ba si Mr.Kim?? hala shiyytt

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now