D21

7.4K 220 9
                                    

Kabanata 21

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks




Gabi na pero hindi parin kami tapos sa mga paintings na dapat i design sa campus para sa nalalapit na pageant ng school..Jusko!

Actually next month pa naman yung pageant na iyon at sabi ni Catt saken na isa daw ito sa pinakamalaking event ng school kaya feeling ko mapapasubo talaga ako nito.

"Archa tapos na ba yan?" tanong ni Mae saken na ka close ko dito sa Art club,napailing lamang ako sakanya "Nasa labas si Neo kanina ka pa inaantay"

Ha? nasa labas? gagoo.

Ano namang pumasok sa kukuti niya ba't niya ako inantay?

Hindi ko muna siya nilabas dahil nag decide yung president namin na uuwi na kami dahil mukhang lalagpas na kami sa curfew ng school na bawal magpagabi dito.Naglinis muna kami at nilagay ang mga works namin sa safety na lagayan kaya yung saken nilagay ko sa pinakataas na aparador para incase if uulan hindi siya mababasa.

"You're Archa right?" napatingin ako sa babaeng naka cross arms,Vice president pala namin hayst.

"Yes..bakit"

Biglang siyang umerap at malditang tumingin saken "Tawag ka ni Ark"

Si Ark yung president namin,hindi ko alam bakit pero wala akong magawa kundi puntahan siya kung saan siya naroroon

Hindi pa ako nakaalis biglang nagsalita si Julliana,yung VP namin

"Magka ano ano kayo ni Neo?" napataas ang kilay ko sa tanong niya.

"Wala..kaibigan lang,bakit?"

"Kaibigan? are you sure?..if ever na magiging kayo..hindi lang ako makakalaban mo!" banta niya at napakunot lamang ang noo ko "At aside of Neo..nilalandi mo rin pala si Ark..how makati!" giit niya at biglang nag alburoto ang kalamnan ko

"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo..pinatawag pa ako ni Ark,excuse me"

Agad ko siyag tinalikuran at naglakad papunta sa table ni Ark...ughh kainis!

"Yes pinatawag mo raw ako?" bungad ko kay Ark na ngayon ay nag pipinta parin.

Napatingin siya saken at napahinto sa ginagawa niya

"ahh..i just wanna ask you if..okay ka lang ba sa club na ito..hindi ka ba inaapi ng mga ka club mates mo."

Hayst..kung alam lang niya tsk!

Bahagya akong ngumito sakanya

"Hindi naman..and actually nag enjoy ako sa club na ito ang thanks for entering me here."

Tsk!

"No problem and also..are u free?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya at agad kong nasilayan ang mukha ni Julliana na iritang irita na nakatingin saken habang nakataas ang isang kilay.

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now