O83(√)

3.2K 120 0
                                    

Kabanata 83

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks 

[This contents are all fiction.Ito po ay gawa lamang ng may akda kaya po wag kayong maniniwala.Salamat]


"Paging Doctor Archa and Doctor Chong please proceed now in the OR" Rinig kong sambi ng announcer at agad na kaming pumunta ni Mr.Chong doon.Kakadating lang ng heart transplant ni Abby.Sabi saken ni Mr.Chong hindi pa naman daw ngayon ang surgery ng bata may titignan lang daw muna siya bago kami mag proceed into surgery.

"Woah.Sino kaya ang may mabuting kaluluwan ang nagbigay nito?" tanong ko habang tinitest namin ang puso.Pero hindi siya basta puso lang ng tao,mukhang may kakaiba dito.

"Hindi siya ordinaryong puso,isa itong artificial na puso at bago magkagawa ng ganitong klaseng bagay ay aabut hangang sampong taon."

0_0 10 years?!

juskoo..

"T-ten years po? teka.."

"Matagal ng may sakit ang batang iyon.Kaya maswerte lang siya dahil galing siya sa mayamang pamilya at madali silang makakuha ng ganitong puso."

Napatingin ako ulit sa bagay na ito.Kaya pala unfamiliar siya saken.Gosh! isa akong doctor pero wala akong kaalam alam sa ganitong bagay.

"Paano niyo po nalaman ang isang ito?"

"May pamangkin akong may kaibigan na kakaiba.Isa siyang hindi ordinaryong tao at halos lahat ng parte ng katawan niya ay gawa sa artificial lalo na ang utak at puso niya." giit niya at dahilan halos lumubo yung mata ko sa gulat.Jusko! may ganyan pala talagang taong nag eexist sa mundong ito goshh!.

"Kung ganun po.Hindi po ba iyan nakakasama kapag kinonekta iyan sa tao? I mean po..artificial po iyan..para po siyang robot."

"Ito ay gawa sa hindi ordinaryong kagamiton din.Nagmula pa ito sa ibang bansa at bago sila gumawa ng ganitong bagay ay sinisigurado muna nila na hindi ito nakakasama lalo na sa katawan ng isang totoong tao."

Woah! clap clap!

Salute sa mga scientist na gumawa ng ganito.Marami silang matutulungan lalo na sa mga batang kagaya ni Abby.

"May advantages po ba ang paggamit ng ganyan doc?"

"Lahat ng bagay ay may advantages at disadvantages.At iyan ang hindi ko pa alam."

Minomonitor si Abby oras oras.Kung anong kainakain niya.Nandito rin pala ang kampon ng mga Gomez at kainausap lang sila ni Mrs.Chong saglit dahil nandito pa kami sa loob ng OR ni Mr.Chong.Hindi ko nga alam ba't nasa OR kami pwede naman sa lab eh.

"Good work team.Kaya sagot ko na ang dinner ninyo" sigaw ni Mr.Han at kinatuwa ng mga kasamahan namin dito.

Nasa isang bar kami kong saan pwedeng kakain at mag iinom.Pero syempre mabait ang lola niya kaya hangang softdrinks lang muna.Chos.

Nagtaas ng baso si Mr.Han lulan ito ng alak "Cheers para sa paparating na operasyon ni Mr.Chong at ms.Archa." sabay cheers naming lahat

The Girl who can smell death(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon