E26

6.5K 197 3
                                    

Kabanata 26

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks


"Anak gusto mo juice? tubig or milktea?" aligagang tanong ni Mama habang dala dala ang mga gamit ko.

Actually kanina pa siya tanong ng tanong kong ano raw ang gusto kong kainin or nagugutom pa ba ako? may masakit ba sa katawan ko,sobrang OA

"Ma okay lang ako,kumalma ka nga." sita ko sakanya at kumalma naman siya at umupo sa harapan ko.

"Sobrang nag aalala lang ako sa iyo anak,alam mo ba kung gaano ako ka nerybus nang nakatanggap ako ng tawag galing sa ante Susan mo,iniwan ko doon ang ka business meeting ko at paharurut na nagdrive papunta dito sa ospital." sambit niya at dahilan ng aking pag-aalala dahil medyo importante kay mama ang meeting na iyon dahil nais raw niyang padamihin ang branches ng aming resto but I ruined her plan.

"Pero okay lang anak,dahil sinakripisyo mo ang iyong sarili para saken,okay lang saken anak na mangyari iyon wag na wag lang sa iyo at sa pamilya ko."

Bakas sa mukha ni mama ang pag aalaala dahil wala naman sigurong ina na gugustuhin mapahamak ang kanilang mga anak.Bigla ko tuloy naalala noong 9 years old ako first time ko atang na confine sa ospital non,hindi talaga umuuwi si mama ng bahay yung assistant manager lang niya yung pinamanage muna ng resto ng ilang weeks at nagpapahatid lang siya ng pagkain at mga gamit na kailangan,baby pa si Zior non kaya kay lola at lolo muna siya nong mga panahong iyon.

"Anak tumawag pala yung school ninyo,nalaman niya ang nangyari sa'yo." sambit ni mama at bahagyang yumuko "Okay lang daw kung hindi mo na itutuloy ang pageant." aniya

Medyo nagalinlangan ako dahil sa sinabi ni mama.Medyo malaki laki rin kasi ang makukuha kong pera kung sakaling mananalo ako or kahit consolation price lang.Gustong gusto ko kasing makanood ng concert ng paborito kong banda at hindi pa ako nakakaiipon lalo na sa nangayari saken ngayon. Pwede naman akong humingi kay mama pero magtataka lang siya kung saan ko gagamitin ang ganito kalaking halaga at besides ayaw niya akong pumupunta-punta sa maraming mga tao baka daw anong mangyari saken. Kaya nagpursige akong mag ipon para sa VIP seat dahil sa tingin ko walang dumudutdut saken lalo na't karamihan sa umuupo doon ay mayayaman.

Umalis muna si mama dahil naubusan na kami ng pagkain dito,halos dalawang araw na pala akong tulog.Sobra ba talaga yung nangyari saken? ramdam na ramdam ko talaga ang kirot sa bawat katawan ko,yung hapdi sa ulo ko at sa paa ko kaya mas mabuti na rin siguro na mag back out na ako sa pageant dahil ang pangit naman siguro tignan kong marami ang peklat sa legs at may benda sa ulo at sa braso hayst.

Kawawa naman yung section namin huhuhu.

Bumisita narin sina Bryle,Davis at Neil saken kahapon. Nadismaya rin sila at naawa at the same time sa lagay ko.Sayang daw yung prinactice nila para saken hindi ko man lang daw makikita at mapeperform kasama sila.

Nabalitaan ko rin kay Davis na may papalit na saken at hindi ko pa alam kung sino,sana nga mas magaling saken para naman kahit papaano maging worth it itong aksidente ko haha.

Nagulat ako ng biglang  itong bulaklak na red roses.

"Kamusta ka na? sorry ngayon lang ako nakabisita sa'yo" lumapit siya saken at umupo sa tabi ko at nakangiti.

Hindi ko alam pero ang aliwalas ng kaniyang pagmumukha ngayon at may halong pag aalala.

"Busy kasi ako sa art exhibit na nangyari kahapon tas sa venue pa ng pageant hindi pa tapos ang mga designs." aniya at nilahad ni Ark saken ang bulaklak

"Salamat nag abala ka pa." nahihiyang tugon ko sakanya at nilagay sa lamesa ang dala niyang bulaklak

Hindi pa ako makakalakad sabi ng doctor dahil may fracture din pala ako sa ankle ko kaya pala naka benda ito at may sugat pa sa mga ibang parte ng legs ko pero okay lang ako may saklay naman na naka alalay saken.

"Kumain ka na ba? alas dose na ah,wala bang nagbabantay sayo dito?"sunod sunod na tanong niya at nginitian ko lang siya.

"Okay lang ako Ark,ikaw nga ang dapat kong alalahanin dahil ramdam ko ang pagod mo,tingnan mo nga yang mata mo." sabay turo ko sa mata niya "wala kang sapat na tulog dude."

Napayuko siya dahil sa labis na hiya at napakamut pa sa kaniyang ulo.

"Wala talaga akong sapat na tulog dahil lagi kitang inaalala Archa, lalo na't nabalitaan ko kay Neil ang nangyari pero hindi ako nakahanap ng timing para makatakas ako sa mga gawain ko."

"Sorry at pinag alala kita,pero okay lang ako,andami mo na ngang ginawa saken ark,yung pagpasok mo saken sa Art club na noon ko pa man gustong salihan."

"Nako okay lang,nakikita kitang nag enjoy masaya na ako."

Kinagabihan nag paalam na si Ark na tutuloy na siya dahil maaga pa siya bukas at dinalhan rin niya ako ng mga notes na pinagawa niya sa kaniyang mga members which are mga kaklase ko,medyo nahihiya ako pero okay lang daw nais rin daw nilang makatulong saken para maka catch up ako sa naiwan kong lesson.

Sabi ng doctor 2 weeks paraw ako mamalagi dito kaya nakakayamot,bagut na bagut na ako dito sa loob ng kwarto ko.Minsan pumunta dito si tita Susan kasama si Zior pero saglit lang sila dito dahil may pasok si Zior kinaumagahan at may trabaho naman si Ante kaya kung wala sila ako lang mag isa dito.kainis!

Halos araw-araw naman akong dinadalaw ni Ark dito,tinutulungan sa mga lesson ko at mag aral kasama si Catt at Mae.Si Mae pinurse parin niya ang pageant nalulungkot rin siya dahil wala na raw siyang kasama doon lalo na kapag inaaway siya ni Julliana pero hindi raw siya nagpapatalo haha.

Pero ang taong matagal ko ng inaantay ay hindi pa dumadating,hindi niya pa ako dinadalaw dito since nagising ako tinanong ko rin si Catt about kay Neo pero nagtaka ako bakit ang alinlangan siyang sumagot saken at nagulat ako dahil ilang linggo na rin daw itong hindi pumapasok pwera kanina pero agad umalis nong mag lunch time at hindi na bumalik.

Saan kaya ang mokong na iyon?bakit hindi niya ako dinadalaw? kala ko ba mag bestfriend kami tsk!. Nakakainis siya hindi man lang siya nag text or tumawag saken kung okay na ba ako? kung kamusta ba ang kalagayan ko? now tell me gawain ba yan ng isang kaibigan? tssssssk! kainis.

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now