G41

4.9K 155 2
                                    

Kabanata 41

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks


"Tignan niyo po ang lalaking ito.." giit ko at isa isa ko itong tinuro "Palagi siyang nakasunod sa kilos at galaw ko,siya rin yung bumaril kay Neo at--"

"Siya rin ang pumatay sa Papa mo"

"P-po?.." biglang umawang ang dila ko sa sinabi ni tito.

"Palagi ko na siyang nakikita,nakita ko na siya noon,noong gabing nabaril si Neo at kahapon sa labas ng station na kung kailan ay pauwi ka na."

"Akala ko nakataon lang ang lahat pero nung pinakita mo ito saken,malakas ang kutob ko,palagi ko na siyang nakikita pagkatapos ng akisdenteng nangyari sayo,pero hindi pa diyan tayo nakaka sigurado dahil baka hindi lang nag iisa ang lalaking iyan."

Hindi ako makapag salita dahil yan din ang gusto kong sabihin kay tito.Pero hindi ko akalain na hangang ngayon ay sinusundan parin kami ng lalaking ito.Hindi ko alam kong anong naging kasalanan namin sa lalaking ito.

Kaya sigurado na ako na hindi si Manong rodolf ang bumaril kay Neo instead binayaran siya nga kung sino man at pinaako sa kasalanan na hindi naman sakanya.

Palabas na ako ng station ng makita ko si Red sa labas habang nakaupo.

"Red?" tawag ko sakanya at agad naman siyang tumingin saken at dali daling pinahiran ang mukha niya.

"Teka umiiyak ka?" umupo rin ako sa tabi niya at pinapat ang ang likuran.

"Hindi po." sabay tingin niya sa malayu at hindi man lang siya makatingin saken

"Nagugutom ka ba? halika dadalhin kita sa restau ng mama ko at--"

"Si Papa po kasi..." sabay hagulgul niya.

"Bakit? anong nangyari sa papa mo?"

"Red??"

Napabalikwas kami parehas at napalingon sa likuran.

"Papa.." tawag niya rito sa lalaking naka kulay orange ang sout "Papa..ba't hindi po kayo umuwi kagabi? alam niyo ba na ako lang mag isa sa bahay?" sabay iyak nito habang naka yakap sa mamà

Napatitig lang ako sakanila.Halatang papas girl si Red dahil sa paraan ng pagyakap niya sa kaniyang ama.Pero hindi ko akalain na ipagpalit niya lang si Red sa pera at iwan na lamang ito.

"Ah nga pala papa..si ate Archa po,ambait niya po papa tyaka siya po yung nagbigay ng pananghalian at panghaponan ko kaya hindi ako masyadong nalungkot nang hindi ka umuwi kagabi dahil may pagkain ako sa bahay,pero papa..uuwi ka na ngayon diba? may friedchicken pa po sa bahay." sabay ngiti niya sa kaniyang ama "Ahh teka po..baka po napanis na yun.." napasimangut naman siya ag kinatuwa ng kaniyang ama.Sobrang daldal pala talaga ng batang ito.

"Sa-salamat" giit ni manong Rodolf at bahagyang yumuko..nahihiya siguro siya dahil sa pagsigaw niya saken noong isang araw.

-----------------------------------

Ilang days na ang lumipas simula noong ingkwentro namin ng tatay ni Red.Hindi siya makapagsalita noong araw na iyon,halatang nahihiya siya at nagpapasalamat ako na nakilala ko si Red at nalaman kong anak pala siya ni kuya Rodolf.Malaking alas saken si kuya Rodolf kaya gagawin ko ang lahat mapaamin ko siya kong sino sino ang nasa likod ng mga nangyayari samin ngayon.Hindi na rin nagpakita si Red saken ilang araw na pero namataan ko siya kahapon sa Elementary school habang palabas ng gate.Nagtaka ako ba't nandoon siya sa paaralan na iyon eh sabi niya saken hindi na raw siya pumapasok dahil tanging si kuya Rodolf nalang ang na aalaga sakanya at wala pa itong sapat na pangtustus lalong lalo na sa kaniyang pag aaral.

Nasa kwarto ako ngayon at nagdadalawang isip akong pumunta ng Ospital dahil kaka post lang ni Neo sa kaniyang IG account "Breakfast with mom" yan ang caption at obviously nandoon yung mommy niya.Sandamakmak agad yung likes at comments ibang iba na si Neo hayst.

"Archa...si Ark nasa labas" napatingin ako kay Mama ng bigla itong pumasok.

Ha? si Ark nandito?

Nagbihis nalang ako at nag ayus sa aking sarili.Kapag kasi si Ark na ang nagyaya...obvious na gala ang pupuntahan namin kaya mabuti nang ready hehehe nabobored na rin ako.

"Oh Ark..ikaw pala." bati ko sakanya "Pasok ka muna.."

"Ah hindi na..gusto ko sana tong dalhin kay Neo at nais kong magpasama sa'yo sa Ospital." giit niya at may bitbit pala siyang mga prutas na naka basket pa.

Sa Ospital? hayst...

"Sige walang problema."

Agad naman kaming nakarating ng Ospital at lagi kong chinecheck ang IG ko baka kasi nagpost si Neo na naka caption "Alone:(" HAHAHA yoko lang talaga makita mama niya..hindi ko siya feel dzuhh..kasalanan ko bang nagagandahan siya saken? ha? hehe charrot!

Hindi pa kami nakapasok ng room ni Neo rinig na namin ang ingay at tawanan sa labas.Kaya hindi nalang kami kumatok at dumiritsong pumasok.

Bumungad samin ang mga mukha nila at nandito pala si Catt habang nasa bed side ni Neo at magkatabi sila ng mommy ni Neo.Nang makita nila kami binalik ni mom ni Neo ang atensyon niya kay Catt at bumalik sakanilang pinag uusapan, si Neo naman ay medyo umaliwalas ang mukha at kumunot ang noo ng makita niya si Ark kasama ko.Nginitian lang ako ni Catt at nag wave ganun din ang ginawa niya kay Ark pero yung mom ni Neo parang si ark lang yung pinansin.Napatingin tuloy ako kay Neo at matipid niya akong nginitian.

"Gusto ka raw bisitahin ni Ark kaya nag dala siya ng prutas para sa'yo" giit ko at tumingin ulit kay Ark.

"Thanks bro..you don't have to" nakangiting sambit ni Neo at nilapag ang basket na binigay ni Ark.

"Its okay..maliit na bagay lang yan." sabay ngiti "Kamusta pakiramdam mo? okay ka na ba?"

"Okay na ako..bukas makakalabas na siguro ako ng Ospital."

"Well..that's good...lets celebrate" excited na sambit ni Ark at napukaw ang atensyon nina Catt at mom ni neo.

"Isama niyo na si Catt sa celebrate..dahil paglabas ni Neo magpapa prescon agad siya at signing ng contrata." giit ni mommy ni Neo at nakangiti ito

"Nako tita..okay lang po,hindi naman kami close para maki halobilo ako sakanila." nahihiyang giit ni Catt pero mahina siyang pinalo ng mom ni neo.

"They are just your classmates ang schoolmates..join them dahil may partner ata si Archa dapat may partner din si Neo at ikaw iyon hija." giit niya at hindi ko maiintindahan ba't nainis ako sa part natu!

"Mom..stop it." giit ni Neo at hindi siya pinansin ng kaniyang ina.

"Why?..Archa's with her boyfriend..single naman itong anak ko..why whouldn't you guys date each other?"

Hindi ako umimik dahil una sa lahat hindi naman ako dapat sasabat..bwesit ba't ba kasi ako naiinis ugh..tama naman na bagay sila ah..single sila pareha at tyaka lalo na..gusto ng Mom ni neo si Catt kaya..dzuh..

"MOM!.."

Umalingawngaw ang boses ni Neo sa sulok ng kwarto kaya halos lahat kami napaigting roon.Hindi ko alam ba't siya nagagalit..nagagalit ba siya dahil sa pang aasar ng kaniyang ina? o galit siya dahil nirereject ni Catt lahat ng suggestions ni mom niya?..hayst

"Sorry..I'm tired..get the fuck out all of you!" madiin na sambit niya at naunang lumabas ang kaniyang Ina kasunod naman si Catt na mukhang takot na takot parin.

"Archa..una na ako.." giit naman Ark,nandito pa pala siya akala ko sa next chapter na ang gonggong natu.

Susunod na sana akong lumabas ng nasa pintuan na ang lahat ng biglang nagsalita ulit si Neo.

"A-Archa..maiwan ka." giit niya at napaigting ako at napahintu rin silang lahat dahil sa sinabi ni Neo.



The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now