i51

4.2K 153 1
                                    

Kabanata 51

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Hapon na ng makauwi ako galing sa Ospital.Nag iintern na ako doon kaya kunting tiis nalang ay magiging tanyag na akong doctor.Dito ako dumaan sa isang makitid na daan sabi kasi saken ni Mama na minsa kaming dumaan dito,dito raw ako dumadaan kung papauwi na ako..Isa itong cave na daan papuntang school ko dati at sa restaurant ni Mama kaya papalapit na ako doon ng may mahagilap akong isang lalaki na nakaupo sa bench dito habang umiinom ng chuckie.

May iba pa palang dumadaan dito bukod samin dalawa ni mama?

Nilagpasan ko nalang siya at confirm nga sumisipsip siya ng chuckie.Adik na adik siya ng chuckie feeling ko.

"Miss?"

Natigilan ako sa paglalakad ng bigla siyang tumayo at humarap saken

Anak kapag may tumawag sa'yo or sumitsit wag kang mag dalawang isip na tumakbo- Mama

Bigla nalang bumalik yung sinabi saken ni Mama.Uso pa naman ngayon ang adik sa daan lalo na yung rape.Jusko Lord wag naman sana ngayon hindi pa ako nagkaka boyfriend tas hindi ko pa naranasan mag opera ng pasyente kaya wag muna...tyaka na.

Dahan dahan nalang akong humakbang pero yung hakbang ko halos dalawang pulgada dahil sa sobrang kaba ko ngayon.Bahala siya diyan..kung murder rape ang sanhi ng pagkamatay ko..swear never matatahimik ang kaluluwa ko.

"Teka miss.." giit niya at hindi ko na sinayang ang oras at agad akong kumaripas ng takbo.Hindi ko alam kong saan ako pupunta pero takbo lang ako ng takbo at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa bus stop.Kailangan ko na atang umuwi dahil biglang nag text si Mama na wala siya sa restau ngayon kaya nasa bus stop ako at mabuti dahil medyo may mga tao ngayon.

"Jusko..hooo kapagod."

Palinga linga ako sa paligid baka sinundan ako ng rapist na yun naloka na pag nagkataon.Buti hindi niya naisipang sundan ako meron pa naman akong injection dito hmm makikita niya.

"Hoy!"

"Ayyy lecheng palaka!" sigaw ko ng may biglang sumalpak sa likuran ko.

"Oyy ba't gulat na gulat ka? nasobraan ka na talaga sa kape miss Intern." giit ni Bryle habang tawa ng tawa sa epic na pagmumukha ko ngayon.

Isa rin siyang Intern kagaya ko.Magkasama kami sa iisang Ospital pero hindi kami magka klase or mag schoolmates noong college.Ngayon lang kami nagkaka kilala dahil sobrang feeling close niya,napansin niya kasi na para akong loner which is true naman..si Katherine nalang yung nag iisang close friend ko pero nag mamanage siya ngayon sa restau kaya hangang sa work ko wala akong kaibigan.Mabait naman si Bryle Montes may singkit na mata at matangkad na pangangatawan.Galing siya sa mayamang pamilya pero nagtataka ako dahil hindi man lang niya na kwento saken tungkol sa family niya...well hindi pa naman kami masyadong close kaya keri lang.

"Heh! tigilan mo nga ako! kita mo nenyerbyos ang tao eh!" giit ko at pinapag ang sarili ko dahil hingal na hingal parin ako hangang ngayon.

"Ba't ba sobrang pawis na pawis mo?" sabay tingin tingin niya sa paligid "Sa pagkakaalam ko wala namang fun run na nagaganap ngayon."

"Oo,walang fun run..kaya nga tumakbo ako diba?" sarkastik na sambit ko at mabuti nalang nakarating na ang bus na sasakyan ko kaya nauna na ako ni Bryle at iniwan siya..bahala nga siya diyan.

"Oy antayin moko..mag kapitbahay tayo remember?" sambit naman niya at sumampa sa bus at umupo sa tabi ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at tinoun ko nalang ang sarili ko sa labas at napasinghap sa malakas na hangin.Pero hindi pa nakalayu ang bus nahagilap ko ang lalake kanina.Nakasout siya ng cap habang nakasout rin ng blackmask pero. . . nagtataka ako..nakatitig siya saken. . hindi sa pagfefeeling pero kitang kita ko ang kaniyang mga mata at sa pagkakataong ito...

Hindi ako nakaramdam ng takot..parang gusto ko pa siyang lapitan pero daee! ano ba'tong iniisip ko dzaaaaa!.


Nakarating na ako sa bahay and as usual naka handa na ang mga pagkain at si Zior na kapatid ko nakatoun lang ang kaniyang sarili sa laptop niya habang nag titipa ito.

"Nandito ka na pala ate,may dumating na delivery para raw sa'yo." giit niya habang nasa screen parin ang kaniyang mga mata "Nasa kwarto mo na yung box."

Napakibit balikat lamang ako ng marinig iyon.Hindi na kasi bago saken na may bigla biglang dumadating na packages at nagtataka ako dahil wala man lang naka lagay na saan galing ang mga 'to.Naisipan ko rin kasi na mag bigay pasalamat aa nagpa deliver nito at mostly at mga CD tape at mga merch ni Neo Kim at ayun naloka..na fangirl ako ng wala sa oras.

Kinaumagahan,naisipan kong gumawa ng letter at iiwan ko nalang sa mailbox sa labas ng gate namin.Hindi ako sure kong kukunin ba sa anonymous or kung sino man ang nagpadala saken basta ang mahalaga ay nagpapasalamat ako sakanya.

"Archa..ba't ang daming box sa ilalim ng kama mo?" tanong ni mama na nasa likuran ko pala habang dala dala yung mga kalat ko sa kwarto.

"A-ah..wala po ma..mga ano..nag oonline shopping kasi ako kaya ngayon lang dumarating." palusot ko..ewan ko pero ayokong sabihin sakanya ang totoo.

"At nagpa deliver ka ng mga CD tapes at albums ni Mr.Kim?" giit niya at halata sa mukha ni mama ang pagtataka.

"Ah..Oo..kasi po.."

Napahawak si Mama sa kaniyang bewang.

"Mama naman..okay lang naman na ma fan ako ni Neo Kim diba? gwapo po siya tas sobrang sikat na po niya"

Napasinghap si Mama at lumapit saken ng bahagya.Hindi ko alam pero aa tuwing nagpapakita si Neo Kim sa Tv agad niya itong inoff or iibahin ang channel.Alam kong walang taste si mama pagdating sa ganyan pero parang basher siya ni Neo Kim.Sabi rin niya saken last time na sumikat lang daw ang mga artista dahil sa kanilang mga mukha...Well Oo naman..pero may halong bitter sa boses niya.

"Hindi mo kailangan ng mga ganun anak.Mag focus ka nalang sa pag iintern mo ilang months nalang isa ka ng ganap na doctor."

Napangiwi ako sa sinabi ni Mama.

"Okay lang naman po.Na iinspire po kasi ako araw-araw kapag kaharap ko ang mga pictures ni Neo Kim,wag ka pong mag alala mama..simula bukas lilinisin ko na po yung mga kalat ko."

Napayuko ng bahagya si mama at tumingin ulit saken.

"Nakakasagabal lang yan sa mga ginagawa mo."

"Ano po ang ibig niyong sabihin ma?"

"Itapon mo lahat ng mga bagay na may kinalaman sa Neo Kim na iyon kung ayaw mo ako mismo ang susunog ng mga walang kwentang bagay na iyon."

0-0

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now