C13

8.4K 235 10
                                    

Kabanata 13

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Continuation of Chapter C12

"Mahal nandito na ako" pagtawag ni Mr.Nico Rivera sa kaniyang asawa

"Oh nandito ka na pa--sino yang bata?" gulantang tanong ni Vivian habang nakakapit ito sa kaniyang tiyan na ngayon ay nasa pitong buwan niya na itong dala dala.

"Sshh mamaya na,ihahatid ko lang siya sa kabilang kwarto." tumango na lamang si Vivian at inaantay ang kaniyang asawa sa kusin at hinandaan ito ng makakain.

"Anak siya ni Michelle,dinala ko siya dito dahil sa nangyaring engkwentro kanina."

Kinwento ni Nico sa kaniyang asawa ang nangyari kanina,labis na lamang naawa si Vivian sa sinapit ni Michelle at ng kaniyang anak na kakambal ni Neo.

"Maliligtas ba ang bata?" tanong ni Vivian sabay lapag ng kaniyang tineplang kape.

"Hindi ko alam pero kailangan ko muna ibilin sa'yo si Neo hangang bukas dahil hindi pa namin natatagpuan ang kaniyang ama."

"Paano pag..hindi na makaligtas ang kaniyang kapatid?"

Napabuntong hininga na lamang si Nico dahil hindi niya alam ang sasapitin ni Neo kapag malaman niya ang nangyari sakaniyang kapatid.Hindi sa pagiging negatibo pero sa tingin niya mukhang maliit ang chansang makayanan ni Yona ang sinapit niya.

"Pwede ko bang iparito muna si Neo mahal?"

"Anong bang klaseng tanong yan? Oo naman,wala pa naman si Archa at mukhang enjoy na enjoy siya doon sa lola niya."

Kinaumagahan, maagang nagising si Vivian at nagluto ng almusal para sa kaniyang asawa na paparating mamaya at kay neo na tulog na tulog parin sa kwarto ni Archa.

"Excuse me po"

Muntikan ng mabitawan ni Vivian ang kaniyang dinadalang plato ng makita si Neo sa kaniyang likuran at kakagising lang nito.

"Ikaw pala yan, ang aga mong nagising" sabay lapag ni Vivian ng mga pagkain at humarap sa mukha ni Neo na antuk na antuk

"Naiihi po ako." sambit ni Neo na kinatuwa ni Vivian at sinamahan itong mag banyu.

"Ito muna susuotin mo Neo ha, babae kasi yung anak ko at ito lang sigurong jacket ang babagay sayo" sambit ni Vivian kay Neo na ngayon ay nakapulupot ng towalya sa kaniyang katawan dahil kakatapos lang nitong maligo.

"Okay lang po..ano po bang pangalan ng anak niyo?" tanong ni Neo at napatingin sa umbok na tiyan ni Vivian "May baby na po kayo" masiglang sambit ni Neo na kinatuwa ni Vivian.

"Siya yung panganay ko si Archa, alam mo mag kasing edad lang ata kayo." nakangiting sambit ni Vivian

Napangiti lang si Neo sakanya habang nag kukwento ito sa katangian ni Archa.

"Mahal nandito na ako." kapwa sila natigilan ng biglang dumating ang asawa ni Vivian.

"Tito police" bati sakanya ni Nico at nag mano ito sakanya.

"Buti nandito ka na,naghanda na ako ng agahan tara na sa kusina." sambit naman ni Vivian sa dalawa at mas sumigla si Neo nang marinig ang salitang "Pagkain"

"Tita ang galing niyo pong mag luto pang restaurant poooo!" puri ni Neo sa kina kain niyang Beef stew at mas paborito niya yung pinakbet na luto ni Vivian

"Ahaha ikaw talaga, sige kumain ka lang."

Nag thumps up naman si Neo sabay subo ng pagkain,gutom na gutom talaga siya.

"Mahal, anong balita?" pang iiba ni Vivian at halos pabulong niyang tinanong dahil baka makarinig si Neo.

"Wala pang nahagip na balita tungkol sa ama ni Neo, at pupunta kami ng ospital mamaya para bisitahin ang mama at kapatid niya."

"Si Yona..kamusta?"

"Yona po? si Ate po ba yan?"

Magkakambal talaga si Yona at Neo pero magkaibang oras sila ipinanganak, 3 mins lang yung agwat ng dalawa.At mas matanda talagang mag isip si Yona and pinili rin ni Neo na tawagin nalang siyang ate.

Natigilan ang mag asawa dahil sa tanong ni Neo, hindi pa naman alam ni Nico kung ano na ang nangyari kay Yona ngayon pero hindi parin mawala sa isip niya kung makakayanan ba ng bata ang dalawang bala na nanatili sa katawa niya.

"Arayy mahal...aray yung tiyan ko!"

Gulantang tumingin si Nico sa kaniyang asawa habang hawak hawak nito ang kaniyang tiyan at mas lalo pa siyang nagulat ng may tubig na umaagos sa paanan niya.

--------------------

"Tit police, okay lang po kaya si Tita?"Tanong ni Neo habang naglalakad sila palabas ng Ospital

"Oo naman,malakas ang Tita Vivian mo,nakayanan niya rin yan nung ipinanganak niya si Archa kahit wala ako sa tabi niya."

"Po?..diba po..kailangan ng may mag susuporta sa kanya lalo na't first baby ang ilalabas niya?" kuryusadong tanong ni Neo at napakamot lamang ng ulo si Nico dahil sa sobrang kadal dalan nito.

"Busy kasi ako nung time na yun,na promote ako at hindi ko akalain na manganganak na pala siya nung araw na yun."

Dumaan muna sila ng headquaters para kumuha ng balita tungkol sa kay Yona dahil nagpa assign si Nico ng magbabantay sa mag ina sa ospital at kailangan rin niyang dumaan doon dahil sa naiwan niyang kwentas.



-------------------------

"Kamusta ang mag ina?" panimulang tanong ni Nico sa kanyang taohan.

"Okay lang po ang lagay ni Mrs.Kim pero..ang bata po." yumuko ng bahagya si Officer Lopez

"Anong nangyari?"

"Hindi niya po nakayanan,kaninang madaling araw lang po siya nalagutan ng hininga kung gusto mo pong malaman ang lahat handa raw makipag usap sayo ang doctor."

"Sige salamat." bakas sa boses ni Nico ang kalungkutan


--------------------------------------

"Nasaan ang anak ko?! nasaan yung panganay ko?!!. mga sinungaling! hindi pa patay ang anak ko plss hindi!" pag hihinagpis ni Michelle sa loob ng kaniyang kwarto dahil sa balitang ibinigay ni Nico sakanya

"Michelle huminahon ka..hindi pa okay ang lagay mo." pakiusap ni Nico sakanya

"Hayop siya! wala siyang awa! demonyo siya! gusto kong patayin ang demonyong iyon! hayoop!." galit na sabi ni Michelle sabay kuyom sa kaniyang kamao.

"Hindi nakayanan ni Yona ang dalawang bala na sumitlag sa katawan niya, kung gusto mo siyang puntahan sasamahan kita."

Tanging iling lang yung naisagot ni Michelle kasabay ng pag agos sa kaniyang mga luha.Hindi niya labis maisip na nawalan siya ng pinakamamahal na anak.

"Si Neo?" mahinang tanong nito "alam na ba niya?"

Mahinang umiling si Nico dahil pati siya hindi niya alam kung paano sasabihin sakanya ang nangyari sa kaniyang kakambal,wala itong kaalam alam sa sinapit nito.

Napatingin sakanya si michelle sabay kapit sa braso ni Nico.

"Pakiusap,wag mo munang sabihin kay Neo sa nangyari sa kapatid niya dahil...alam kong masasaktan siya."

Napabuntong hininga lamang si Nico sabay tango.

"Walang problema,magpahinga ka na."

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now