C12

8.7K 279 4
                                    

Kabanata 12

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Flashback A years Ago

"Mommy,uwi na po tayo please nakatulog na po si Neo." sambit ng batang si Yona habang nakatingin sa kaniyang kakambal na ngayon ay tulog na tulog sa kaniyang hita.

"Wait lang baby ha,hindi pa kasi dumadating yung police yung nangunguha ng bad guys?." sagot naman ng kaniyang Ina at halata sa mata ng kaniyang anak na babae na gusto na nitong umuwi dahil kagabi pa sila naroroon sa tabing kalsada at ngayon ay alas kwatro na ng umaga.

"Eh mommy..please,gusto ko na pong humiga huhu." pag tatantrums naman ni Yona na kinangiti ng kaniyang Ina.

"Okay fine,fine..uuwi na tayo." dahilan ay natuwa sakanya ang kaniyang babaeng anak  at muntikan ng magising si Neo sa pagkahiga sa kaniyang hita.

Bago paman napaandar ng kaniyang Ina ang kanilang sinasakyang kotse,may biglang bumangga sakanila galing sa likuran dahilan biglang umigting ang puso ng kaniyang Ina dahil sa labis na gulat.

"Mommy.."

"Shh..wag kang maingay dito lang kayo sa loob." sabay kuha ng itim na kumot at tinaklob niya sa kanyang mga anak.

"Yona..makinig ka..bantayan mo si Neo at kahit ano mang mangyari,wag na wag kayong lalabas sa kotse maliwanag?" Napatango lamang si Yona at tinaklob niya ang itim na kumot.

"Nandito lang pala kayo!! nasaan na mga anak ko?" bungad sakanya ng isang lalaking adik habang may dala dala itong baril sa kanang kamay na kinagulat ni Michelle

"Wala ka ng karapatan sa mga bata Redon,aalis na kami at hinding hindi mo kami mapipigilan!" sita naman sakanya ni Michelle na labis na kinatuwa ng kaniyang walanghiyang asawa.

"Anak ko sila! may karapatan ako, si Yona lang yung kailangan ko, sayo na yang isa!" sigaw niya ulit at dahan dahang humakbang palapit kay Michelle.

"Wala kang silbing ama!, sarili mong anak kaya mong ibenta para lang magka pera ka?!. Tandaan moto, magkamatayan tayo bago mo makuha saken si Yona o sino man sa mga anak ko!" sabay talikod niya sa kaniyang asawang si Redon ng bigla itong sinugod at hinila ang kaniyang buhok at kinalakad sa tabing kalsada

"ARAYY! BWESIT! BITIWAN MOKO!"

"Kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganyan,hindi ka makakalasap ng buhay reyna ng hindi dahil saken! wala kang karapatan!"

"Hindi ko hinahangad na magka buhay reyna kahit kailan! Iwan mo na kami ng mga anak ko at magpaka layulayu kaaa!" sigaw naman ni Michelle at nakawala sa pagkahawak ni redon at dali daling lumayo sa kaniyang asawa.

"Yona,saan ka pupunta?" tanong ng kapatid ni Yona na si Neo at kakagising lang nito dahil sa sigaw kani kanina lang.

"Tutulungan ko si Mommy didto ka lang wag kang aalis"

"Pero ate..si daddy yung nasa labas alam mo naman na.."

"Ssh..basta dito ka lang kundi babawiin ko yung Ipod ko" pagbabanta ni Yona na walang nagawa si Neo kundi tumango at hinayaan nalang ang kaniyanh kapatid na lumbas sa loob ng kotse.

The Girl who can smell death(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon