J56

4.1K 152 3
                                    

Kabanata 56

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

"Good Morning Doctora." bati saken ng isang matandang pasyente ko.May Alzheimer Disease at kaka turn 68 lang niya kahapon. "Ikaw ba si Ms.Asuncion? O si Ms.Gordon?"

Napangiti ako sa sinabi niya dahil wala namang Asuncion o Gordon dito.Parati niyang nakakalimutan yung pangalan ko pero kahit ganun never niyang nakalimutan na ako yung Doctor niya.

"Ms.Rivera po nanay." tumingin ako sa dalagitang kakarating lang "Napainom mo na ba siya ng gamut?."

"Hindi ko po alam doc kakarating ko lang po kasi baka po--"

"Apo ko."

Kapwa kami natigilan ng biglang sumingit si Nanay habang nakangiting tumingin samen.

Dahan dahan naman itong nilapitan ng kaniyang apo.

"N-naalala niyo po ako lola?"

Ngumiti ito na may halong lungkot sa kaniyang mga mata.

"Hindi..pero naaalala ko na mahal kita."

At dahil doon hindi napigilan ng kaniyang apo na maluha.Nanghingi pa siya ng pasensya saken pero sabi ko okay lang.Medyo naluha rin ako sa sinabi ni Nanay,sa kabila ng nangyari sakanya kahit hindi niya naaalala ang mga malalapit sa buhay niya pero hindi niya parin nakalimutan kong gaano niya kamahal ang mga to.

Nagising ako sa katotohanan ng may isang nurse na pumasok at nagmamadali pa ito.

"Doc,pinapatawag po kayo sa ER"

Agad kumalabog ang dibdib ko ng banggitin niya ang salitang ER.Hindi na ako nagdalawang isip na sumugod doon at nandoon na si Bryle at iba pang nurses habang agay agay ang lalakeng duguan na nakasakay sa emergency bed.

"Anong nangyari sakanya?" tanong ko at dritso sa pagtulak ng emergency bed.

"Car crashed,pinigilan na nila ang pagdurugo pero sa tingin ko sobrang lalim ng sugat niya sa ulo lalo na sa may hita niya." sabay turo niya sa hita na may nakatusok na isang mahabang metal na bagay.

Agad itong pinwesto at sinasakan ng oxygen.

"Check his vital sign" giit ko

"Unstable doc"

"His heart rate"

"Unstable doc."

"Okay,ready the Defibrillator may cardiac arrest ang pasyente."

Pagkatapos ng Defribrillation agad ring nag stayble ang vital signs at nag revive to normal heart rate ang pasyente.Pinahanda ko kaagad ang Operating Room at sisimulan ang operasyon.Napag alaman ko na dumbtruck ang nakasagasa sakanya at medyo natatakot ako baka hindi maganda ang magiging resulta.

------------------------------------------------------------------

"Good Job doc!" sigaw ni Mary na isa sa nurses na nag assist samin.Maganda ang takbo ng operasyon at trinansfer na ngayon ang pasyente sa Recovery Room.

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now