N79(√)

3.4K 122 0
                                    

Kabanata 79

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Nasa dalampasigan kami habang nakatingin sa kalangitan.Puno ito ng butuin at mas lalong gumanda dahil sa ilaw ng buwan.

"Kring!Kring!"

Napabalikwas si Mr.Kim nang nag ring bigla yung phone niya.Kasulukayan siyang naka yakap saken sa likod habang nakatitig sa kalangiyan.

"Pang ilang ring na yan.Sagutin mo na." giit ko sakanya at wala na siyang magawa kundi ang sagutin.Ayaw niya kasing sagutin dahil yung PA naman yung tumawag sakanya at nag text na papadaliin daw siya dahil kanina pa nag aantay si Ms.Shin sakanya.

"Ano? nandiyan ka na? Anong pinalusot mo?" rinig ko tanong ni Mr.Kim sa kabilang linya.

"Okay..babalik na ako." giit niya at binalik niya ulit yung phone sa bulsa niya.

Napaharap ako sakanya.Kitang kita sa mukha niya ang pagka dismaya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Sige na.Uuwi na tayo.Babalik din ako sa ospital." giit ko at nginitian ko siya.

"Palagi nalang nasisira yung date natin." pagmamaktol niya at tumayo. "Tara na ihahatid na kita sa Ospital."

"Wag na.Hinahanap ka na nila."

"Bahala sila.Ako yung bida.Dapat lang na antayin ako nila.Kaya tara na." giit niya sabay kuha sa kamay ko.Napangiti nalang ako sa sinabi niya kaya no choice HAHA.

Habang nasa byahe kami.Hindi ko maiwasan ang titigan ang singsing na bigay saken ni Mr.Kim.

Kung para saken hindi kami engage pero para sakanya ay engage na kami.Hindi ko maiwasan ang kiligin.Hindi ko rin maiwasan ang isipin na engage na kami Kyaah!.

"Nagseselos na ako sa singsing na yan." giit niya at napatingin ako sakanya "Siya nalang palagi mong tinitigan."

"HAHA sira.Syempre special to dahil bigay mo'to." giit ko pa habang tinitignan ang nakaukit na infinity sign.

"Galing mong ma mili ah.Tenerno mo talaga sa kwentas ko.Alam mo bang itong kwentas ko ay bigay saken ni Papa sabi saken ni Mama.Pagmamay ari daw ito ng batang sinagip ni Papa noon kaya sobrang importante para saken ang kwentas na ito." sambit ko at nakangiting tumingin si Mr.Kim saken.

"Siguro sobrang gwapo ng may ari ng kwentas na iyan." giit niya habang nakangisi parin.

"Siguro.Pero mas gwapo yung boyfriend ko." giit ko pa at kitang kita sa mukha niya ang pamumula.

Nang makarating na kami sa Ospital.Huminto muna kami saglit dahil sobrang daming tao sa labas.Kaya naghanap kami ng ibang place para makalabas ako baka rin may makakita kay Mr.Kim dito.

"Ba't sobrang daming tao?"

"Ito yung sinabi saken ni Manager Go na may nakaalam daw na nasa Ospital ako.May chismis ding nakalat na may sakit raw ako kaya kailangan kong wag magpapa kita sa kahit na sino."

"Ano? paano naman kumalat ang issue'ng iyan?"

"Hindi ko rin alam pero maglalabas ng statement yung head ng company kung saan ako naka assign.Wag kang mag aalala lilipas din to." sabay ngiti niya saken at nagpaalam na ako at lumabas sa kotse niya.Nag iba ako ng way para hind halatang galing ako sa kotse ni Mr.Kim at naglalakad papunta doon sa mga reporters na nakaharang sa labas ng Ospital.

"Hala! Andito na pala ang Girlfriend ni Mr.Neo Zarrich Kim." rinig kong sigaw ng isang babaeng reporter at gulantang akong napatingin sakanila.

Teka? Girlfriend? Sa pagkakaalam ko.Kami pa ang nakaalam ni Mr.Kim tungkol sa relasyon namin.Ba't parang alam ng boung sambayanan?.

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now