D19

7.7K 217 7
                                    

Kabanata 19

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks


Tulala kaming naglalakad ni Neo papuntang classroom pagkatapos naming ihatid si Catt sa clinic dahil hindi muna namin siya pinapasok dahil iyak pa siya ng iyak mukhang natatrauma talaga siya sa nakita niya kanina.

"Hindi yun yung nakita ko sa panaginip ko." singit ni Neo habang naglalakad parin kami sa hallway.

"Ha? anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sakanya at kapwa kami napatigil.

"Kapag nanaginip ako halos lahat ng bagay magkatugma pwera nalang sa mukha ng biktima." giit niya at napatingin saken. "Lalaki ang nasa panaginip ko,tumalon siya sa isang mataas na bahagi ng lugar habang may dala dala siya na hindi ko maaninag." patuloy niya at napakunot ang noo ko.

First time ata ito na hindi nagka tugma ang panaginip ni Neo at hindi nagka parehas ang imagination ko at ang panaginip niya.Kapwa kami walang masabi dahil hindi parin nawawala sa sistema ko ang pag tiwakal ni Tracy kani kanina lang.

Nung kinausap namin siya kanina putlang putla siya na para bang may nagmamatyag sakanya sa bawat kilos niya at parati rin siyang nauutal sa tuwing binabanggit niya yung pangalan ng kuya niya which is si Brandon. Kagabi din hindi niya kami pina diritso doon sa tapat ng gate nila at hangang eskinita lang niya kami pinahinto at nagmamadaling tumakbo pagkatapos niyang magpasalamat.

Medyo na weiweirduhan ako sa mga kinikilos ni Tracy kahit kagabi ko pa lang siya nakilala,hindi ko man lang na memeet yung magulang niya or ipa pa niyang kapatid.Parang gustong gusto kong kausapin si Brandon tungkol sa nangyari kay Tracy kahit labas ito sa gawain ko dahil wala akong karapatan alamin ang mga buhay nila.Sadyang namana ko lang talaga ang pagiging ma imbestiga sa mga bagay mula sa Papa ko.Pero hindi ako sigurado kung may makukuha ba akong matinong sagot mula kay Brandon dahil sabi nga ni Tracy adik yung kuya niya at mukhang nasisiraan na ito ng bait.

"Wag nalang natin alamin,ang importante makukulong siya,parents nalang ni Shane ang bahala sakanya." bulong saken ni Neo nang makaupo na kami sa kani kaniyang upuan namin.

----------------------

"Uuwi ka na?" napatingin ako sa likuran at tumambad saken ang mukha ng timuho na nakangisi

Anyways sout sout ko na yung mask ko dahil mukhang na weir weirduhan na rin ako sa sarili ko dahil ilang days na akong hindi naka sout ng mask at wala na akong nasesense or naiimagine at isa yan sa pinakakatakutan ko. Natotrauma na ako sa nangyari before,dahil kapag wala akong na sesense ng ilang days may mas malalang mangyari na hindi ko sinasadya at hindi ko hahayaang mangyari iyon.Lalo na sa Family ko.

"Oy? tulala?" kalabit saken ni Neo

"Bakit ba?" iritang sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad

"Nagugutom ako..samahan moko" aniya habang hinihimas ang kaniyang tiyan

"Yoko..kailangan kong mag ipon"

"Ikaw mag iipon? bago yan ah" amaze na sabi niya habang nakatanaw sa malayu parang hindi makapaniwala.

"Oo totoo yan,malapit na kasi ang Concert ng paboritong banda ko kaya wag mokong demonyohin Neo!" sagot ko at tinalikuran ko na siya.

"Yan ba yung December Avenue? diba sa next month yung concert nila?" aniya at sumabay sa paglakad ko,gago talaga magka iba kasi kami ng way ng monggol natu.

"Yup..kaya kailangan kong maka VIP ticket,kung may plano kang demonyuhin ako..lumayas kana"

Nagtaka ako bakit napatahimik siya ng ilang saglit at sumabay sa paglalakad ako.Hindi kasi ako dadaan sa resto at didiritso ako sa bahay dahil andami naming assignments ngayon leche.



"Tara na kasi mamatay ako nito sa gutom eh" para na siyang bata nag tatantrums sa harap ko habang naka kapit sa braso ko.Gago talaga.

Agad kong hinawi yung braso ko

"Kumain ka mag isa okay? ano hindi ka makakain 'pag wala ako?" sabay talikud sakanya at nag abang ng bus pauwi.

"hindi..hehe yaya kasi kita." aniya sabay pout.Yuck nagpapa cute ba siya? hugutin ko yang ngipin niyang may bakal eh kita niya.

"Kapal.."

"Libre ko naman ehhhh!" sigaw niya sa tenga ko shitttt!

teka?

Totoo ba narinig ko?

"Libre mo?" tanong ko sakanya

"Oo nga..wala na akong choice.Kuripot mo!." sabay cross arms niya at hindi na humarap saken "Gusto ko lang naman makipag date hayst" hindi ko na narinig yung last na sinabi niya dahil nauna na akong sumakay sa Bus.

Napatingin siya sa gilid na kung saan ako nakatayo kanina at nagulat siya na walang Archa nakatayo doon para siyang temang tingin ng tingin sa likuran niya. Ulol hindi na ata namalayan na pumasok na ako sa loob dahil sa magic word na libre niya HAHAHA.

"Hoy bakal sakay na" sigaw ko sakanya sa bintana at napatingin saken tsaka napangisi Haha

Daldalan lang kami ng daldalan ni Neo sa bus,magkaparehas pala kami ng gusto haha ang weird lang dahil avid fan rin siya ng mga korean dramas which is alien iyun para saten,dahil most sa kdrama adicts ay mag kababaihan kaya shocked talaga ako nung kinwento niya yung mga napanood niya at mas lala pa ay mas marami na siyang natapos kesa saken.

huhu nakakainggit :(

"Ano yung hindi mo makakalimutan na tragic drama na napanood mo?" tanong ko sakanya at napahawak sya sa kaniyang baba na pa bang nag iisip.

"Sabay kaya nating sabihin?" suhestyon niya at napatango tango ako.

"Okay..1..2..3..4...5"

"MOON LOVERS!"

Sabay na sigaw namin at at kapwa rin kami na amaze sa isat isa.Hindi namin namalayan na nakatingin na pala yung ibang pasahero samin dito.

"Woah grabi! sobrang sakit niyaan huhu" giit ko at napa thumps up siya

"Super..ilang weeks akong hindi naka get over sa drama na iyan at sobrang nakaka bitin kainis."

"Haha okay next" giit ko at nag iisip ng iba pang itatanong "Ahh ito..ano yung best comedy korean drama yung napanood mo?"

"Sabay ulit ha"

"Okay..1..2..3..4...5"

"Eulachacha Waikiki"

Sabay na sigaw namin pero sa puntong ito hininaan namin ng kaunti dahil nahihiya na kami sa kadaldalan naming dalawa.

Kapwa kami tawa ng tawa dahil binabalik namin yung mga episodes nga dramang iyon.Hindi ko na pala namalayan na mahigit 8 months na magka klase namin ni Neo ngayon palang namin nagawa ito.Yung happy lang at nag kwento ng kabaliwan,And I'm blessed na nakatagpo ako ng kagaya niya and I hope hindi na mangyayari ang nangyari saken before dahil mukhang hindi ko na kakayanin pa mawalan ng kaibigan.

Marami nang nangyari sa loob ng eight months na pagsasama namin ni Neo at sa eight months na iyon may nangyayari talagang hindi kanais nais, sobrang thankful ko lang dahil sa puntong ito hindi na ako masyadong natatakot sa mga nangyayari dahil nauuna yung panaginip niya kesa sa naiimagine at naamoy ko kaya hindi na ako masyadong nagulat sa mga nangyari pero minsan talaga may mangyayari na hindi inaasahan.

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now