B9

9.4K 338 23
                                    

Kabanata Pang Syam

"The Girl who can Smell death"

Written by Shirlooocks

"Nandito na po ako" sabay lapag ng bag ko sa counter area.

"Oh nasaan yung mask mo? ba't hindi mo sout yun?" sita ni mama habang may dala dalang tray.

"Nasa bag kakahubad ko palang non,ang init kasi sa mukha" giit ko at nag palit ng apron para makapag simula na.

"Ibigay mo'to sa table 5" sabay lahad ni Mama ng tray at agad ko namang tinanggap.

"Table 5 po maam?,here's your order"magiliw na sambit ko at dahan dahan nilapag yung mga orders nila.

"Teka kilala kita"

Nagulat ako ng biglang nagsalita yung costumer at...

"Ikaw yung kaklase ko diba?, yung bagohan lang?" magiliw na sambit niya "Cattleya pala but Cat nalang" sabay lahad niya sakanyang kamay para makipag shakehands.

Kilala ko siya,isa siya sa pinakamatalino sa classroom namin at isa siya sa Chairman ng Mistery club na pinapasukan ko rin pero ni isa hindi ako ng attend ng class na iyon dahil kada dismissal dritso na yung uwi ko.

"Nangngawit na ako girl" singit niya dahil yung kamay niya naka lahad parin saken.

"So-sorry.. Arc-"

"Archa Marie Rivera right? tas sa inyo tong resto? mama mo yung may ari nito? at yun ang mama mo" sabay turo niya kay mama na nag seserve ng ibang costumer , nagulat ako ng bigla siyang lumapit ng bahagya sa tenga ko sabay tingin sa paligid.

"Alam ko ang kulay ng underwears mo HAHA"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at..

ano raw?!?

0__0

"Sorry hehe"

Nag bow nalang ako sakanya at tumalikod na.

Weirdddd

×××××

Kakatapos ko lang maligo para matulog na , nakaharap ako sa salamin habang naka pulupot ang towel sa katawan ko.

Kitang kita ko ang birthmark sa bandang dibdib ko na hugis mukha hindi ko ma eexplain kong ano to pero minsan sumasakit siya at umiinit pero hindi naman gaanong mainit yung keri lang.

Hinihimas himas ko ito pero nagulat ako ng nakaramdam ako ng kirot at mainit,mas hinihimas ko siya dahil parang mas uminit siya ng lalo.

"Kriiing!!"

Halos mapatalon ako ng mag ring ang phone ko at nakita ko yung uknown number naka dial at agad kong sinagut yun.

"Hellow?" panimula ko

"Archa? si Neo to"

Napataas ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na boses ni Neo

"Hoy saan mo napulot number ko?"sita ko sakanya

"Mamaya na yan,nasa abandoned cave ako may pupuntahan tayo"

Napadungaw ako sa orasan at pasado 8:30pm na at paniguradong uuwi na si Mama galing sa resto.

"This late? tas saan tayo pupunta?"

"Basta dalian mo diyan aantayin kita dito."

"Teka--"

"Tooott-tooot"

Ang galing binabaan ako hayst.

Dali dali akong nag bihis ng pajama at tshirt lang tas sinukbit ko yung jacket ni Mama at dahan dahang lumabas ng bahay.

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now