G40

5K 157 0
                                    

Kabanata 40

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

Bumalik na ako sa kwarto ni Neo dahil pasado 7pm na at wala akong paki kung nadoon parin ang mama niya.Oo kasalanan ko ba't napahamak si Neo pero sa inaasal niya hindi niya talaga ako gusto bilang kaibigan ni Neo.

Iniisip ko parin yung babae sa garden kanina.Malaki ang kutob ko na sinusundan at inaalam niya lahat ng kilos ko at kung saan man ako naroroon.Malaki rin ang kutob ko na may malaki siyang galit kay Neo at hindi ko alam kong ano ang dahilan.

Hindi pa ako nakapasok sa kwarto ni Neo ng may nakita akong mga reporters sa labas ng kwarto niya.Nagkakagulo silang lahat habang kinakatok nila ang kwarto ni Neo.

Ilang saglit biglang nag ring yung phone ko at agad ko naman sinagot iyon.

"Yes?"

"Wag ka munang pumasok or magpakita sa mga reporters." giit ni Neo pala

Sinilid ko nalang yung phone ko at bumalik sa dinadaanan ko.Hindi pa naman masyadong sikat si Neo pero ewan ko ba't ang daming reporters ngayon.Batid siguro ni Neo na kapag magpapakita ako,ako yung pagkakaguluhan kung sakasakali.

Hindi ko sinunod ang sinabi ni Neo at instead lumusong ako sa mga nakaharang na reporters saken.Kitang kita ko sa mga mata ang pagkabila,lalo na nang hawakan ko ang doorknob ng pintuan sa kwarto ni Neo.

"Teka miss,magkaka kilala kayo ni Mr.Neo Zarrich Kim?"

"Kung gayun,pwede ka ba naming interviewhin?"

Gulat akong humarap sakanila lalo na't mas nilapitan ako ng lahat.Yung iba halos ipasubo na saken yung hawak nilang mic at parang ihahampas na saken ang camera.

"Ano po ba ang nangyari kay Neo?"

"Totoo po bang isa sa antis ang gumawa niyan sakanya?"

"Girlfriend ka ba ni Neo?..ba't nandito ka?"

Halos malaglag ang panga ko ng bigla iyong tinanong ng isang reporter.Halos nakatitig silang lahat saken at parang nag aantay sa isasagut ko..leche sana pala umuwi nalang akoooo

At Heto ako hindi makadaan sa pintuan dahil dahan dahan nilang hinarangan iyon para hindi ako makapasok at iwasan ang mga nakakalokang tanong nila.

"Hindi po,mag bestfriend po kami..sige po" giit ko pero hindi parin nila ako tinatanan.

"Eh bakit nandito ka? willing ka bang sagutin lahat ng katanungan namin?"

"Malala ba ang kondisyon ni Mr.Kim?"

Nakatayo lang ako sa gilid ng may isang babaeng reporter na lumapit saken,as in sobrang lapit namin.Pinagtutulak niya yung ibang reporter para mas makalapit saken.Poker face yung mukha niya.

"Totoo ba na ikaw yung kasama ni Neo noong gabing nangyari ang Incidente?"

"Po?"

"Mahirap paniwalaan na mag bestfriend lang kayo dahil madaming kumalat na litrato ninyong dalawa noong gabing hindi pa nangyayari ang barilan."

Sabay lahad niya sa phone na may sandamakmak na photos namin ni Neo.Noong palabas na kami ng kotse hangang sa papasok namin nang venue.

Diridiritso parin sila sa pagtanong saken.No comment lang yung mga sagot ko dahil iyon ang turo saken ni Neo noon kapag may ganitong mangyayari.Halos mabulag na ako dito sa mga flashes ng camera,panay picture sila saken...goshh mabibillboard kaya tong mukha ko?

Ilang minuto'ng lumipas,nakaramdam ako ng may huwak sa kamay ko at kitang kita ko sa mga mata ng reporters ang pagkabigla nila.

"Neo?.."

"Sorry for waiting,I'm here to announce that I'll schedule for a prescon and doon ko sasagutin lahat ng katanungan ninyo.Please don't bother this girl next to me.Please..respect my personal life." giit ni Neo sabay hila saken papasok ng kwarto niya

At doon ko narinig ang sandamakmak na katanungan sa labas ng kwarto niya.

---------------------------------------------------------------------


Kinaumagahan,nagpunta ako ng presinto dahil napatawag si kuya Peter saken tungkol sa case ni Papa.May nagpadala rin sakanya ng envelope at walang nakasulat kong kanino galing at tanging pangalan ko lang ang nakasulat doon at hangang ngayon hindi pa raw binuksan ni tito dahil gusto niya ako ang unang makakita.

"Andito ka na pala,maupo ka" giit ni tito at agad naman akong nagmano at umupo.

"Natanggap ko'to kagabi,hinagis ito sa labas ng station at hindi ko nakita kong sino kaya't nagtaka ako nang makita ko ang nakasulat." sabay harap niya saken ng envelope at nakasulat nga doon ang pangalan ko.

"Hindi pa namin binuksan ito kaya agad kitang tinawagan dahil batid ko'y para sa'yo ang pinadala."

Dahan dahan kong binuksan ang long brown envelope at kung titignan mo siya para lang siyang walang laman or parang isang papel lang ang tanging laman dahil hindi ito maumbok.Kaya't dahan dahan kong pinasok ang aking kamay at naramdaman ko bigla ang matigas na papel na kasing laki lang ng ¼ sheet na papel.

Mga litrato?...

"Pictures?" giit ni tito at nilapag ko isa isa ang mga litrato at halos malaglag ang panga ko ng makita kong anong klaseng mga litrato ito.

"Sinong kumuha nito sa'yo?"

Walang gustong lumabas sa bibig ko dahil hindi ko parin ma sink in sa utak ko.Lalo na sa may ospital na kung saan ako na trap noong umuulan.Sa labas ng taxi at lalo na't papasok ako ng police station.

"Teka..."

Pinagtagpi tagpi ko ang mga litrato,at halos ma duling ako ng makita ang iisang tao na para bang nakasunod saken.

Yung isang litrato kong saan ako nagpapatanggal ng cast,nasa hallway ako at palabas na ng ospital ang istura ko dito.May isang lalaki na nakamasid saken sa likuran na para bang binabantayan ang kilos ko.

Yung isa naman ay papasok ako ng Ospital habang dala dala ko ang jollibee at kagagaling ko lang sa pagkain nito kasama si Red.

Yung isa ay sa liblib na daan kong saan ko na encounter yung babae na hindi ko kilala.

Kinakabahan ako habang tinitignan ang mga litrato...

Shit!

Siya nga!

"Y-yung lalaking gunman!"

"Ha? anong ibig mong sabihin Archa?" naguguluhang tanong ni tito at dali dali kong pinakita sakanya ang litrato na kuha doon ang isang lalaki.

Mahaba ang kaniyang balbas at medyo mataba.Hindi ko makita ang mukha niya dahil halos naka cap siya sa kuha ng camera.

"Tignan niyo po ang lalaking ito.." giit ko at isa isa kong tinuro "Palagi siyang nakasunod sa kilos at galaw ko,siya rin yung bumaril kay Neo at--"


"Siya rin ang pumatay sa Papa mo"

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now