A4

12.6K 356 31
                                    

Kabanata Pang-apat

"The Girl who can smell death"

Written by Shirlooocks

"Ate pahingi ng kanin" sambit ni Zior at binigay ko sakanya ang mangkok ng kanin.

Nasa hapag kaming lahat habang nagdidinner nang biglang inon ni Zior ang TV at tumambad samin ang kilabut na news report.

"Isang lalaking nasa middle 40 anyos patay sa saksak kanina,nakilalang si Roldan Ando.Hindi pa natukoy ang boung pangyayari pero basi sa imbestigasyon mukhang hinold up raw ang biktema at tangay ang mga alahas na sout niya. Gina Panganiban ST news report."

Agad pinatay ni Mama ang Tv at balik sa pagkain.

"Mama..yun yung lalaki diba?" tanong ko kay mama at tumango siya.

"Kahit anong pilit natin hindi na magbabago ang takbo ng tadhana Archa."

Natigilan ako sa sinabi ni Mama,narinig ko na iyan doon sa isang lalaki kanina mukhang tama nga ang sinabi niya.

Para bang ang lalim ng sinasabi niya at mukhang alam rin niya yung kakayahan ko basi sa sinasabi niya.Tanging si Mama,Zior,Lolo at si Papa lang ang may alam sa ability kong ito,kaya parang kinabahan ako kung sakaling may nakaalam man nito ayokong gumulo pa lalo yung buhay ko.

Dumiritso na ako sa kwarto pagkatapos ng gawaing bahay kanina.First day na first day may pinadalang homework yung Physics namin kainis kaya wala munang cellphone ngayon focus muna.

Nagising ako sa pamilyar na lugar na ito pero hindi ko masasabi kung saan talaga to,ramdam kong nasa itaas ako dahil sobrang lamig ng hangin nagsiliparan nadin ang mahaba kong buhok. Sa rooftop

Madilim ang paligid ngunit may kaunting aninag akong naramdaman dahil sa ilaw na nakapalibot dito pero marami rami sakanila ang dim na at parang pundido.

Napatingin ako sa paligid at agad kong nakita ang elevator na nakabukas at pumasok ako doon dahil gusto ko ng umuwi paniguradong hinahanap na ako ni Mama.

Nang makalabas ako doon ko naramdaman na may sout pala akong Jacket na asul at agad kong sinout ang cap hood ko at dumiritso sa paglakad.

Habang naglalakad ako walang ni isang tao akong nakita kaya medyo kinabahan na ako ng kaunti.

Tatawid na sana ako ng kalsada ng may tumawag saken sa di kalayuan,pero nakahinto ako sa gitna ng kalsada.

"Teka langggg!" sigaw niya at unti unti kong narinig ang busina ng isang kotse.

"Archaaa?" nagising ako ng dahil sa sigaw ni Zior sa labas ng pintuan ko."Hoy mantika kakain na.. nakoo!"

Napatulala ako sa panaginip kong iyon at hindi ko alam ba't ako nakarating sa kama ko eh nag aaral pa naman ako kagabi ah?

"Hayst ewan ko!!" sigaw ko at dali daling bumaba at para kumain na.

"Ma alis na po ako" sambit ko kay mama at nauna na si Zior dahil may school bus naman yun.

"Maulan pa Archa gamitin mo muna ang jacket nato at gamitin mo naman yang payong kundi masisira lang yan sa loob ng bag mo" saad ni mama habang sinusout ko ang jacket na binigay niya.

"Yes poo" sabay saludo sakanya.

Kailangan ko pang maglakad ng kaunti para marating ang bus stop sa'min kaya todo iwas ako ulan dahil baka mabasa yung puting medyas ko at baka masira tong sapatos ko.

Habang naglalakad ako at patuloy na nag titiptoe dahil sa ulan hayst sana kasi nag tsinelas nalang ako pero panigurado hangang sa labas ng gate lang ako nyeta naman.

Nang makarating ako ng classroom dali dali kong pinunasan ang paa ko at tinuloy yung naudlot na assignment ko kagabi ,hayst napakatulog mantika ko talaga.

Napatigil ako dahil parang may matang nakatingin saken bawat kilos ko,wala pang masyadong tao sa classroom iilan lang kami dito kaya dinalian ko ang pagtaas ng ulo ko at tama..nakatingin yung serious-whatever-guy na iyon at agad niyang inalis ang mata niya nagkukunyaring nag cecellphone.

Whole morning period ramdam kong para niyang tinititigan kapag hindi ako nakatingin.Hindi man sa assumimg ako pero mararamdaman mo kasi kaya nagpasalamat ako na uwian na dahil mukhang na crecreepyhan na ako sa isang to.

Mahina na yung ulan hindi parehas kanina okay lang kapag hindi ako mag payung kaya sinout ko nalang yung asul na jacket na binigay ni Mama at sinout ko rin yung hood ko.

Habang naglalakad ako hindi ako mapakali dahil parang may sumusunod sa likod ko,hindi pa naman ganoon ka dilim at marami pang mga estudyanteng nakasabay ko.

Dinalian ko ang paglakad ko at tinawagan ko si Mama na papunta na ako diyan pinicturan ko pa yung lugar kong saan ako naroroon at natatawa pa siya. Kaya hindi na ako ng aksaya dinalian ko ng ang paglakad ng patawid na ako sa kabilang kalsada bilang nalang may bumusina na napaka lakas.

Para akong na frofroze dahil sa ilaw na naka steady sa mukha ko,Gusto kong tumakbo pero parang may turnilyong nakapako sa paa ko.

Naramdaman kong nasa sahig na ako,nakahandusay..basang basa..

Dali dali kong chineck ang sarili ko pero wala akong dugo pero...

May isang lalaki itaas ko at doon ko napatanto na nakatitig lang siya sa mata ko.Kulay asul ang mata niya at parang pinaghalong asul at green kaya na amaze ako pero nagulat ako ng biglang nagpalit ito ng kulay at bumalik sa normal na brown.

"O-okay ka lang ba?" giit niya at mas nagulat pa ako nang malaman kung sinong weird guy na nasa itaas ko.

Agad akong napabangon at biglang sumakit ang bewang ko..sexbomb..sexbomm..charot.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Tanga ka ba? o sadyang bobo ka lang talaga?"

0__0 arrray!

Halos malaglag ang panga ko ng mag iba ang expression ng mukha niya,kanina sobrang bait tas biglang nagalit nyeta.

Bigla niyang kinuha ang bag niya at tumalikod at tsaka naglakad.

"Teka langgg!" sigaw ko pero hindi niya ko sinagot at dumiritso sa paglalakad.

"Hoy hindi-ko-alam-pangalan-mo kuya!" sigaw at dali daling tumakbo papunta sakanya

Nang malampasan ko siya huminto rin siya pero nagulat ako ng nakaamoy ako ng kakaibang amoy.

"Bakit may amoy usok dito? naamoy mo ba?" tanong ko sakanya at naka poker face nalang siya.

Biglang may pumasok sa isip ko.

"Sa school..may dalawang lalaki may dalang gas..lighter..at tsaka..isang babae?" bulong ko.

"Shit!" natigilan ako ng magmura siya

Napadungaw ako sakanya dahil sa pag mura niya at bukod doon halos malaglag ang panga niya habang nakatitig saken.

"Bakit?" tanong ko at napakamot siya sa ulo niya

"Yung sinabi mo.."

"Sinabi kooo?"

"Yung mga lalaki na may dalang gas at lighter."

Gusto kong sabunutan ang sarili ko..shitshit.

"Ahh..wala yun, may pinanood kasi ako kagabi na--"

"Hindi..dahil yun din ang panaginip ko." giit niya sabay titig saken.

0__0

Gustong mag process ng utak ko pero walang isang cells na tumanggap. Ang hina ng wifi grabi ang loading.

..

...

....

And i trailed off.

The Girl who can smell death(Completed)Where stories live. Discover now