46 [ rewind ]

19.3K 823 922
                                    

Ilang buwan na rin nang malaman ko ang nangyari kay Nate. Ilang linggo naman na ang nakaraan nang malaman ko ang nangyari kay Art.

Hindi ako nagrereklamo pero bakit ang daya?

Bakit kung sino pa ang mababait, ang mga tumutulong sa kapwa. Kung sino pang mga taong nagmamahal ng totoo, sila pa 'yong nahihirapan. Bakit sina Nate at Art pa?

Kapag nagte-therapy si Nate, nagpupunta ako ng AFGeneration para tumulong sa pagluluto ng pagkain ng mga bata at ni Art. Inaayos ko rin ang medications at natural medication ni Art nang hindi niya alam. Ayokong sumakit ulit ang ulo niya dahil sa akin kaya kapag alam kong pauwi na siya, aalis na agad ako.

Dahil palagi akong nandoon, binigyan na rin ako ni Tsang ng volunteer shirt. Lagi ko ring nakakausap ang ibang volunteer. May ilan doon, crush na crush si Art.

Hindi ko naman din masisi.

Kung dati nga na mailap sa tao si Art, crush na siya ng bayan sa school. Paano pa kaya ngayon na hindi na niya pinagdadamot yong gwapo niyang ngiti? Medyo awkward, parang hindi sanay, pero ngumingiti pa rin.

Nakakainis na nakakatuwa rin.

Nakakainis na dati, hirap na hirap ako makita yon tapos ngayon, kung kani-kanino lang niya binibigay.

Nakakatuwa dahil kahit na minsan hirap siya maakalala, maaliwalas na kahit papaano ang aura niya.

Siguro ang unfair lang din . . . dahil sa lahat ng volunteer na nakakausap at nakakangitian niya, ako yong nasa tago. Ako yong hindi pwedeng lumapit.

Kundi, susumpungin na naman siya ng sakit ng ulo.

Isang beses, nagtaka ako nang sa gitna ng paghuhugas ko ng plato, dumating si Art galing sa school. Katatapos lang mag-lunch ng mga bata at hindi pa niya dapat uwian pero andon siya, in flesh.

Sobrang kabado ako no'n dahil wala ang co-volunteers ko. Napatalikod agad ako dahil ayaw kong makita niya ako at hindi na naman siya makapasok sa school kinabukasan dahil sa sakit ng ulo.

Kinukuha niya yong atensyon ko sa pagtawag ng miss pero hindi pa rin ako lumilingon. Siguro na-stress siyang hindi ko siya nilingon, lumapit na siya at kinalabit na niya ako. Magtatanong ata ng ulam.

Nung nagkatinginan kami, nagkagulatan pa kami sa isa't isa. Sa sobrang panic ko, agad akong lumabas ng AFGeneration at naiwan ang mga gamit ko.

Hindi ako nakabalik agad dahil ayaw kong makita ako ni Art pero lahat ng gamit ko nandoon, pati ang phone ko. After 3 hours pa ako nakabalik dahil nagkape muna ako. Pagkarating ko sa bahay-ampunan, nakaupo si Art sa sofa, natutulog. Nasa tabi niya ang bag ko, nakaayos na, at nandoon na rin ang phone na china-charge ko bago nagmadaling umalis.

Gusto ko siyang gisingin no'n, tanungin kung kilala na ba niya ako, pero mas minabuti kong dahan-dahang kuhanin ang bag ko at pabulong na nag-thank you.

"Ang sarap raw ng pagkain, iha," sabi sa akin ni Tsang bago ako umalis. "Tuwang-tuwa si Art na naabutan niya ang luto mo. Tinanong nga niya kung anong mahika ang ginawa ko at sumarap ang pagkain na hinahain ko."

"Talaga ho?"

"Ay oo, ang sabi ko lang, kapag may pagmamahal na kasama ang pagluluto, sumasarap ito." Ngumiti siya sa akin. "Sigurado ka bang ayaw mong sabihin sa kanyang ikaw ang minsang nagluluto ng pagkain namin dito?"

Napangiti na lang ako at tumango. "Mas mabuti pong hindi niya alam."

Sapat na sa akin yong malamang nasasarapan ang lalaking dahilan ng pagluluto ko. Kahit pagod na pagod ako, worth it ang lahat kapag nakikita kong nakangiti ang mga tao sa paligid.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon