04 [ gung gong pyo ]

46.4K 1.2K 523
                                    



"IANNE!"

Narinig ko ang boses ni Nate pero hindi ko siya makita. Nanlalabo ang paningin ko.

"Ianne, gising."

Teka, hindi pa ako tulog. Dilat ako, papatayin na nga ako eh.

"Hoy, gising."

Naramdaman kong niyuyugyog ang katawan ko.

"Ianne!"


Napadilat ako at napaupo nang maayos. Tumatagaktak ang pawis sa leeg ko. Leeg ko! Napahawak ako, walang tusok. Pagtingin ko sa binti ko, walang dugo.

Nakatingin sa akin si Nate na parang nagtataka. Pagtingin ko sa paligid, nag-aayos na ang mga kaklase namin at ako na lang ang nakaupo.

Uwian na? Panaginip lang ang lahat?

"Tinulugan mo si Sir Michael, lagot ka," natatawang sabi ni Nate.

"S-Sir Michael?" 

Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako sa likuran pero walang tao. Bakit nanlalamig ako? Napa-paranoid ba ako?

"Bakit namumutla ka?"

"W-Wala."

Medyo nanginginig pa ako sa takot nang lumabas kami ng classroom pero carry lang. Panaginip lang pala eh.

"Uy, Sir Michael."

Paglingon ko, ang lapit ni Sir Michael sa akin!

"Hindi na po ako matutulog sa klase niyo, Sir!" sigaw ko.

Natigilan sina Nate, Sir Michael at ang ilang estudyante sa paligid ko.

Umatras ako nang umatras. Nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. "Ahhh!"

"Ianne!"

"Ms. Santos!"

POINK POINK POINK

"Ouch." Hinimas ko ang pwet ko. Buti na lang hindi ako tumambling kung hindi, ako na ang papalit kina The Grudge at The Ring.

Nagmadaling pumunta si Nate sa tabi ko. Kahit si Sir Michael, lumapit din pero lumayo ako na pinagtakahan ni Sir.

"May masakit ba? Dalhin kita sa clinic? Sa ospital?" tuloy-tuloy na sabi ni Nate.

Binuhat ako ni Nate nang bridal style. Tinakbo niya ako hanggang clinic. Sobrang panic lang niya at kung anu-ano na pinagsasabi niya sa nurse: baka raw nabalian ako ng buto, magca-cancer sa pwet at baka hindi na ako makalakad.

Cancer sa pwet? Saan galing 'yun?

"Uhm, nahulog lang po ako—OA lang 'tong lalaking 'to," nakangiti kong sabi sa nurse. "Medyo masakit lang po ang pwet ko."

Ngumiti sa akin si Ate Nurse at sinabi sa nagpa-panic na Nate na kailangan ko lang magpahinga. Pagkababa sa akin ni Nate sa higaan sa clinic, hindi siya umaalis. Sobrang pawisan siya kaya tinanggal muna niya 'yung polo niya kaya napatitig ako sa katawan niyang manipis na sando lang ang tumatakip.

Napalunok ako. "May abs ka pala?"

Napangiti siya sabay hawak sa tiyan niya na parang nahihiya. "Ikaw talaga Ianne, tinitingnan mo katawan ko. Nakakahiya tuloy."

Ngumisi ako. "Dapat lang na mahiya ka sa abs mo, AVBS nga dapat 'yan eh. A Very Big Stomach," natatawa kong sabi pero sumakit ang balakang ko. Ouch. "Diet-diet din ah," sabi ko sabay palo ko sa tiyan niya.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon