43-A [ truth ]

15.4K 763 395
                                    


HALOS mabulunan ako sa sarili kong laway nang tumingin sa akin si Irene na may gulat na reaksyon. 

Kaya ba hindi ko na nakita si Nate nung graduation? Kaya ba sorry nang sorry si Cloud? Kaya ba parang nawala sa sirkulasyon ng mundo si Nate?

"Irene, 'yung totoo," nanghihina kong sabi.

Nangintab ang mga mata niya. "Sumama ka sa akin."

Hinatak niya paloob ng sementeryo. Hindi ako makatingin sa mga puntod dahil natatakot akong mabasa ang pangalan ni Nate sa isa sa mga 'yun. Nanginig ang kalamnan ko nang tumigil si Irene at tumingin sa isang puntod. Hindi ako makatingin. Umatras ako dahil hindi na ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"I-Irene, hindi 'to pwede. Sabihin mong joke lang 'to."

"Teka, time pers. Hinihingal ako."

Napapikit ako at napakagat ng labi.

"'Wag mo nga akong niloloko, ha," sabi ko. "Irene, nako."

Ngumiti siya sa akin at hinila ako hanggang sa nalaman ko na lang na nakapasok na pala kami sa ospital sa likuran ng sementeryo. Nakatingin sa akin si Irene habang may katawagan sa cellphone.

"Tara," pag-aya niya sa akin. Nagpunta kami sa room 187A. "Ready ka na ba?"

"Saan ba? Ready saan? Explain mo nama—"

"See for yourself." Binuksan ni Irene ang pinto at parang nadurog ako sa nakita ko.

Bakit sila nandito? Bakit ganyan ang mga itsura nilang nakatingin sa akin? Bakit siya nand'yan? Bakit siya nakahiga d'yan?

"A-Anong . . ."

"Ianne," pagtawag sa akin ni Cloud. 

Hindi ako makalapit nang maayos dahil feeling ko nawala ako sa ulirat kahit gising ako.

Ang daming kable. Ang daming machines. Ang daming nakatusok. Napakaputi ng paligid.

"M-May . . . may cancer si Nate."

Bumigat ang puso ko sa narinig ko. Si Cloud lang ang nandito sa kwarto habang nakahiga si Nate sa kama at tulog. Napakahimbing ng tulog niya.

"Cloud, bakit?"

Para akong namamalikmata at para akong nananaganip.

Lumapit ako sa nakahigang Nate para makasiguradong totoo nga siya. Na hindi ko hallucination ang lahat at totoo siyang tao. Na siya nga si Nate. Na hindi siya gawa-gawa ng utak ko.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Totoo siya. Tumingin ako kay Cloud, naghahanap ng sagot sa nangyayari.

"Brain tumor. Again."

"Again?"

Ngumiti nang malungkot sa akin si Cloud. "Onegai."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala—parang panaginip. Parang masamang panaginip.

"Nate." Hinawakan ko ang kamay ni Nate. Napakagat ako ng labi nang unti-unti siyang dumilat at tumingin sa akin. At mukhang nagulat siyang nakikita niya ako.

"I-Ianne?"

"I'm sorry, Nate," sabi ni Irene sa likuran ko. "Hindi ko na napigilang tawagan siya nung narinig ko yung sigaw mo sa phone. I'm sorry."

Nanghihinang ngumisi si Nate pero lalong bumigat ang loob ko.

"K-Kailan pa 'to?" tanong ko.

"Aalis muna kami," sabi ni Cloud at sinama si Irene para umalis ng kwarto.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon