17-A [ fragmented glass ]

15.4K 734 79
                                    


MABILIS ding nakalimutan ng mga tao ang papansing soulmate activity. Hindi ko alam kung kinuha ni Emotionless Guy 'yung pera. Bahala na siya.

Mabilis lumipas ang araw hanggang sa ayun, bakasyon na.

May problema nga lang: sila Mama at Papa.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kailan matatapos ang away nila pero isa lang ang alam ko: palala nang palala ang away.

Isang linggo. . . dalawang linggo. . . sobrang bigat sa loob. Lagi silang nag-aaway, nakakarindi na.

Habang naghahapunan kami, nag-away sina Mama at Papa tungkol sa tuition fee ni Kuya. Ang isang maliit na bagay, lumaki nang lumaki hanggang sa hindi na siya nakontrol nang lahat.

"Tumigil na nga kayo!" sigaw ni Kuya.

Walang humabol kay Kuya nang lumabas siya ng bahay. Umiyak ako. Naluha si Mama. Nangintab ang mata ni Papa.

Sigawan lang sila nang sigawan. Walang palya. Minsan, hihintayin ko silang mapagod at tumigil bago ako lalabas ng kwarto. Kadalasan, hindi na ako lumalabas ng kwarto. Natatakot kasi akong makita silang nagsasakitan.

Isang gabi, nagsisigawan ulit sila pero may naririnig na akong pinag-aawayan nila: isang babae.

"Kung may babae ka, sabihin mo!"

"Wala nga akong babae!"

"Eh sino 'yang nagte-text sa'yo? Best friend mo? Alas-dose na ng madaling araw, 'wag mo akong pinaglololoko!"

Natigilan si Papa. "H-Hindi."

At ako? Hindi ko napigilan. Napasigaw na ako. "Umamin ka na kasi, Pa! Nahihirapan kami."

Akala ko makokonsensya si Papa. Ganun naman kasi dapat. Konsensya ng mga magulang ang anak. Para sa anak nila, magpapakumbaba silang dalawa. Pero ang natanggap ko? Isang malakas na sampal galing kay Papa.

"Wala kang karapatan pagsabihan ako," sigaw niya. "Anak lang kita!"

Wala akong naramdaman physically. Namanhid ako eh. Pero emotionally? Sobrang sakit. Isang sentence lang pero tumagos na sa puso ko.

Yayakapin sana niya ako pero tumakbo ako palayo. Umalis ako ng bahay habang hawak ang pisngi kong nasampal. Pakiramdam ko namamaga ang pisngi ko pero parang wala ang sakit kumpara sa puso kong mawawasak na. Hindi dahil sa heartbroken ako—kundi dahil sa pamilya. At mukhang magiging broken family pa.

Pinagtinginan ako ng mga tao dahil nakapambahay akong sumakay ng jeep, bumaba at naglakad papunta sa bahay nina Nate.

Alas-dose na ng madaling araw pero kumatok pa rin ako sa bahay nila.

"Ianne?"

Ngumiti ako kay Cloud. Mukhang antok na antok siya. Napansin ko ring suot niya ang necklace na ulap na binigay ko pero nalawa na rin naman ang inis ko sa kanya.

Isang tao lang ngayon ang kailangan ko sa gabing ito.

"Si Nate?"

"Okay ka lang?" Hinawakan ni Cloud ang pisngi ko pero ngumiti ako lalo.

"Nasaan si Nate?"

Nakita kong pababa si Nate ng hagdan at nagulat nang makita ako. Lumapit siya sa akin at inobserbahan ako habang tumutulo ko ang luha kaya niyakap niya ako. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.

"Anong nangyari?" pagtataka niya.

Ibinaon ko lang ang mukha ko sa dibdib niya.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon