28 [ close ]

14.7K 842 369
                                    


NAPAATRAS ako para saluhin ang keychain na binato ng kaklase ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may naapakan ako.

Natapakan ko si Art sa paa.

"Omaypakingahd!"

Kailangan ko na atang ipamigay ang death wish ko nang makitang nakatingin lang si Art sa paa niya. Napalayo ako at pinunasan ang sapatos niya.

R.I.P. Janine Anne Santos.

"Sorry, hindi ko sinasadya!" paulit-ulit kong sabi.

Hinatak niya ako patayo na kinagulat ko. Nang magkatinginan kami, hindi nanlilisik ang mga mata niya pero nakaramdam pa rin ako ng takot.

"Okay lang. Mag-date na lang tayo."

Huminto ang paligid ko sa narinig ko. Teka, nabibingi na ba ako? Nagma-malfunction na ba ang pandinig ko?

"Ano ulit?" tanong ko.

"Date. Tayo."

"A-Ano. . . A-Anong. . ." 

Hindi ko na ata kayang makagawa ng tamang pangungusap. Naguluhan ako sa mga nangyayari. Umatras lang ako nang umatras hanggang sa may nabunggo ako sa likuran ko. Paglingon ko, gusto ko na sana tumakbo palayo pero nag-sorry na rin kanila Nate at Irene.

Nawala sa isip ko ang sinabi ni Art. Ngayon ko lang nakita si Nate ulit dahil parang lagi siyang wala sa school pero ngayong nakita ko siya, nasasaktan pa rin ako.

Dumiretso ako sa paglalakad para makaalis. Lutang akong naglalakad papuntang sakayan ng jeep nang mapalingon ako sa sigaw.

"Art!"

Nagulat ako nang sumigaw si Art at tumakbo palapit sa akin. Akala ko itutulak niya ako pero lumagpas siya sa akin at dumiretso sa gitna ng kalsada. Nabingi ako sa busina ng mga kotse sa pagtakbo ni Art.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may papalapit na kotse kay Art. Nag-panic ako at sumigaw, "A-Art!"

Parang slow motion ang lahat.

Nagtaka ako nang may yakapin si Art pero mas nagtaka ako nang tumakbo ako at hinablot sila papuntang gilid. Sobrang nanginginig ang katawan ko sa nangyari at hindi pa ako nakaka-recover, sumigaw si Art.

"Bakit ka lumapit?!"

Akala ko kasi magpapasagasa ka na, tae ka.

"H-Hindi ko alam." Nagtataka rin ako sa sarili ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Art sa batang lalaki na nakayakap sa kanya.

"N-Nakalimutan ko po paano umuwi."

Nilingon ako ni Art. "Umuwi ka na."

"Saan ka pupunta?"

Hindi siya sumagot. Sumakay siya ng jeep kaya sumakay rin ako. Tiningnan niya ako nang masama pero nakatingin lang ako sa kanya na para akong bata na nawawala.

"Sama ako," sabi ko.

At hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi 'yun.

Hindi niya ako pinansin hanggang sa makababa kami. Buhat niya ang batang tulog habang sinusundan ko siya. Napapansin kong lumilingon siya sa akin.

Tumigil kami sa tapat ng isang malaking gate. Ang una kong napansin ay 'yung sign sa gilid na may gold na kulay.

AFGeneration.

AFGeneration

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon