33-A [ miss ]

15.9K 761 179
                                    

[ 95% of this update is new. yas! isa ito sa mga wala sa libro na dito lang mababasa! more of this soon ~ :D ]


ISANG linggo na ang nakalipas at napapansin kong nababaliw na si Art. Bakit? Dahil ngumingiti na lang siya bigla! Ng walang dahilan!

Madalas ko ring napapansing may mga mantsa ng paint ang balat o damit niya kapag lalabas siya ng kwarto niya. 

Nagpipinta kaya ulit siya?

Speaking of paint, nasaan na kaya ang painting niya kay X?

Nagkasabay kami kumain ng dinner. Pinilit pa niyang ako raw ang magluto kaya sige na lang, basta wala akong kasalanan kung malason siya. Willing victim na siya, e.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya, naghahanap ng pagkakataon para magtanong tungkol sa painting niya pero mukhang bothered siya sa titig ko kaya nagkunot-noo siyang tumingin sa akin.

"Bakit?"

"Ha? Bakit? Anong bakit?"

Bakit bigla akong na-pressure?!

"Tinitingin-tingin mo?"

Sumimangot ako. Huminga pa ako nang malalim. "Tanong ko lang . . ."

"Ano?"

"'Yung painting mo kay X kasi—"

"Binenta ko na."

What? Diretso lang siya sa pagkain niya na para bang walang nangyari sa kanila ni X? Seryoso ba?

"Bakit? Sayang naman."

"May mga bagay na mas importante pa kaysa sa isang painting."

"Sa 'yo? Talaga? Tulad ng ano?"

Tumigil siya sa pagkain at tumitig sa akin. Diretso lang ang tingin niya sa akin kaya bigla akong na-conscious at muntik nang maluwa yung kasusubo ko lang na pagkain.

Kinabahan ako.

Ilang beses ako kumurap dahil parang naalala ko yung kinakalimutan kong paghalik niya sa noo ko.

"Bakit . . . bakit . . ."

BAKIT AKO KINAKABAHAN?!

Hindi ko maiiwas yung tingin ko at na-conscious akong ngumuya! Anong gagawin ko sa pagkain na nasa bibig ko?!

Buti na lang, may nag-doorbell!

Saved by the doorbell! Yay.

Ako dapat ang magbubukas ng pinto kaya tumayo ako. Mabilis pa pagkakalakad ko na para bang iwas na iwas sa kanya. Pero nang nasa tapat na niya ako, nagulat ako sa bigla niyang paghatak sa akin pabalik. Parang nag-slow motion lahat sa paningin ko yung pag-atras ko, pagtayo niya sa harap ko, at pagtitig niya sa akin bago tumalikod at naglakad papuntang pinto.

Ano yun . . . Bakit ganun.

Pagbukas niya ng pinto, pumasok yung isa naming boardmate na mukhang nagulat sa pagmumukha ni Art.

"Uy, pasensya na, nalimutan ko kasi yung susi ko . . . ano . . . "

Tamo! Pati siya, na-conscious sa titig ni Art!

Pagbalik ko sa upuan ko para ituloy ang pagkain ko, bumalik din si Art sa upuan sa tapat ko. Nagkatinginan kami ng boardmate ko na tanaw ko sa sala, nanlalaki ang mata niya at tinuturo si Art.

Nagkibit-balikat ako habang nanlalaki din ang mata.

Para bang may silent communication kami na gulat sa nangyayari at hindi namin alam kung sino tong Art na nasa harap ko..

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon