29 [ past ]

15.1K 833 270
                                    


PINAKITA ni Inang ang newspaper sa akin na nakataon pa nung 2000. Tungkol ang balita sa hindi malaman kung nabaliw ba na Chinese businessman pero pagkatapos barilin 'yung asawa, binaril naman ang sarili.

Sa harap ng anak nila.

Kumirot ang puso ko nang ma-imagine ko ang nangyari kay Art. To think na may photographic memory siya? Siguro madalas niyang naaalala ang pangyayari.

Naluluha ako dahil nakatayo pa rin si Art at nabubuhay. Tumutulong pa siya sa mga bata sa AFGeneration kahit may sarili siyang issue sa buhay.

Bigyan ko siya ng trophy pag-uwi namin.

"Ako ang nag-alaga sa nanay ni Art," naluluhang sabi ni Inang. "Ngunit hindi iyon alam ni Art. Pakitago ang lihim na ito, iha."

Tumango akong umiiyak at niyakap si Inang.

"Hindi ko na gusto pang ipaalala kay Art ang nakaraan . . ."

Napalingon ako nang tumikhim si Art na kasama si Art liit. Kinausap ni Art liit si Inang habang ang sama ng tingin sa akin ni Art.

Nawala ang anghel na imahe niya sa imagination ko. Ang sad.

"Bakit ka nakatingin?" tanong ko.

"Anong pinag-usapan niyo?"

Napangisi ako. "'Wag kang mag-alala, hindi ikaw ang topic."

Sumama ang tingin niya kaya natawa ako. Feeling ni Koya siya pinag-uusapan.

Naglibot ako sa malaking bahay. Kumikirot ang puso ko kapag iniisip kong nakatira si Art dito. Siya ang pinakaunang bata sa ampunan ng sarili niyang bahay mismo.

Kaya ba umiyak siya last time at tinatawag si X? Hindi kaya sila ni X ang dalawang batang nakita ko sa litrato kanina?

Ugh. Kailan pa ako naging interesado kay Art?

Pinahiram ako ng malong ni Inang kaya nahiga ako sa ilalim ng night sky. Ang tahimik. Walang gulo. Ang payapa. Ang sarap sa pakiramdam.

Nakapikit lang ako habang nagre-relax. Napapangiti ako dahil naririnig ko ang tawanan sa loob ng bahay na kahit may mga dark past sila, nakukuha pa rin nilang sumaya. Ang galing.

Napadilat ako nang may tumabi sa akin. Nakita ko si Art na nakaupo at sumiksik si Art liit sa tabi ko.

"Hi Ate," nakangiting bati ni Art liit.

Ay, bakit ankyot ni Art liit? Sana magmana sa kanya si Art sungit ng kakyutan.

Nagkwentuhan kami ni Art liit at napansin kong wala nga siyang masyadong maalala sa nakaraan niya. Nakatulog siya matapos ng ilang minuto sa tabi ko. Tahimik lang si Art habang nakaupo at nakatingin sa kalangitan.

Gusto ko magsalita pero wala akong masabi. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko matanong. Nagulat na lang ako nang siya na mismo ang nagsalita.

"Hindi ko kailangan ng awa."

"Hindi naman kita kinakaawaan."

Tumingin siya sa akin at parang nawala ang emotionless mask niya. Kitang-kita ko ang pangingintab at ganda ng mga mata niya sa dilim. Ngayon ko lang na-appreciate ang maamo niyang tingin. Pakiramdam ko gusto niyang magkwento o magsalita pero pinipigilan niya.

"Alam mo," panimula ko. "Gusto kitang yakapin ngayon."

Napansin kong nanigas siya sa pagkakaupo pero tinuloy ko ang litanya ko. Minsan lang eh.

"Pero alam kong aayaw ka kasi malakas ka. Emotionless Guy ka nga, eh." Ang lakas ng kabog ng puso ko. "Art. . . hindi man ako si X pero kung kailangan mo ng makakasama, mapagsasasabihan, mapagkakatiwalaan; hindi man ako ang best person para sa'yo, susubukan ko pa rin. Kahit wala akong maintindihan sa nangyayari, tutulungan pa rin kita."

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon