00 [ your meaning ]

7.6K 343 231
                                    


"I may not have gone where I intended to go,
but I think I have ended up where I needed to be."

— Douglas Adams


NAPAKA-unpredictable talaga ng buhay.

I mean, sino bang mag-aakala na ang the almost perfect boyfriend kong si Tan ay makikipag-break sa akin para hindi ako masaktan dahil sa sakit niya? Sinong mag-aakala na masasali si Emotionless Guy sa magulo kong buhay na kahit hindi marunong ngumiti ay naging dahilan para mapangiti ako at mapawi ang luha ko?

Sino bang mag-aakala na ganito ang kahihinatnan ng lahat ng saya at sakit na naramdaman ko noon?

Ang goal ko lang ay malaman ang meaning ng love . . . hindi ko akalain na makakakuha pa ako ng mas magandang sagot sa ine-expect ko.

Graduation ng anak namin kaya nagbalik kami sa school. Natutuwa nga ako dahil ang dami nang nagbago pwera na lang sa katabi pa rin ng school ang sementeryong may lapidang naka-form na puso kung saan nakalibing ang isang lalaking napakaimportante sa akin.

Nagpunta na kami sa graduation ceremony at sobrang proud. Nasabi ko na bang valedictorian ang anak ko? Ahihihihihi.

"Nagmana talaga ang anak natin sa akin," sabi ko habang pailing-iling.

"Sigurado kang sa 'yo?"

Tiningnan ko siya. "Malamang. Alangan sa 'yo eh hindi naman siya poker face."

Inakbayan niya ako at nagulat ako nang hatakin niya ang magkabila kong pisngi. "Anong gusto mong parating?"

Natawa ako sa reaksyon niya. "Kaya siya cute dahil sa genes ko."

"Matalino siya dahil sa akin," diretso niyang sabi.

Pinalo ko ang dalawa niyang kamay para bitiwan ang pisngi ko. Nakaakbay na lang siya sa akin. "And so kung matalino siya dahil sa 'yo?"

Ngumiti siya na parang nang-aasar. Tinitigan ko siya nang masama. Magsasalita pa sana ako nang magsalita ang isang nanay na katabi ko.

"Ano ba 'yan ang ingay, hindi marinig ang valedictorian speech."

Nanlaki ang mga mata ko. "Excuse me, ana—" Mag-aamok pa sana ako pero tinakpan na ni Art ang bibig ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at umiling lang siya.

Nakinig na lang kami.

". . . Don't forget that whatever happens, He planned our life very well and all we need to do is trust Him."

Nagpalakpakan ang mga tao sa speech ni Tan.

"Grabe. Ang galing ng anak ko!" sigaw ko kaya napatingin sa akin 'yong nanay na nagreklamo. Nilakasan ko ang pagpalakpak ko. "Woohoo! Anak ko 'yan!"

Narinig ko na lang na natawa si Art.

Nilapit niya ako sa kanya dahil nakaakbay pa rin siya. Hinalikan niya ako sa gilid ng noo ko at bumulong, "tigil na."

"Okay po. Titigil na po ako," sabi ko.

Lumingon sa akin ang nanay na nagreklamo at nginitian ko siya na sa sobrang sweet, lalanggamin na siya.

Pagkatapos ng ceremony, lumapit sa amin si Tan na may kasamang babae. Mukhang alam ko na 'to. Nahihiya si Tan habang nakangiti nang sobrang awkward.

"Angas-angas ng anak mo pero tiklop sa babae," bulong ko kay Art habang papalapit si Tan. "Mana nga siya sa 'yo," dagdag ko.

"Mana sa akin?"

"Tumitiklop sa babae," sagot ko.

"Ako? Tumitiklop? Kanino?"

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon