48-A [ let go ]

3.8K 322 166
                                    


ILANG araw na ang nakakaraan simula nang lumayo na ako kay Art. Pinilit kong 'wag magpunta sa ampunan o kausapin si Tsang. Pakiramdam ko nawawala na talaga ako sa katinuan. Sa tuwing naaalala ko ang mga mata ni Art na halos maiyak na at makiusap na lumayo ako, nakakawala sa ulirat.

Hindi ko na rin kasi alam kung anong gagawin ko. Sa sobrang gusto kong maalala niya ako, hindi ko naisip na sobrang masasaktan siya.

Okay lang ako. Buhay pa rin. Humihinga, gumagalaw, nakakapagsalita pero parang unti-unti ring nawawalan ng gana para mabuhay.

Gusto ko siyang makausap. Gusto kong makausap si Art. Makasama. Mabalik kami sa nakaraan.

Pero lahat ng nangyayari ngayon, kasalanan ko.

Sinubukan kong maging normal at ngumiti kapag si Nate ang kausap at kaharap ko. Pero minsan naluluha na lang ako at itatanong niya sa akin kung bakit ako umiiyak.

Ang sasabihin ko? Napuwing ako. The universal palusot na hindi lumulusot.

"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Nate. "Lagi kang tulala. May problema ka ba?"

Nginitian ko si Nate. "Medyo busy lang, alam mo na . . . graduating."

Tumango siya at parang naniwala sa sinasabi ko. Sana lang talaga maniwala siya sa akin.

May pasok pa ako sa school kaya iniwan ko muna si Nate kasama sina Cloud at Erin.

Pagkarating ko sa school, nginitian ako ng mga kaibigan ko pero naupo lang ako sa tabi nila habang nagsasalita ang professor namin.

Lumapit sa akin si Maria at bumulong nang hindi nakatingin sa akin. "Sana ang love, parang flash drive."

"Hm?"

"May safely remove para hindi nasasaktan."

Umiling na lang ako sa kalokohan ni Maria pero hindi ko magawang ngumiti o tumawa. Sobrang lugmok ko na kahit ako, naiinis na sa sarili ko.

Patawarin mo ako, Nate.

Ilang araw ang lumipas at gigising ako sa thought na hindi ko deserve si Nate.

Hindi ko deserve ang sobrang pagmamahal niya habang ako, umiiyak dahil sa ibang tao. Sa ibang lalaki. Kay Art. Naging normal ulit pagkalipas ng birthday ko. Minsan nakikita kong nakatingin si Nate sa akin habang nakangiti.

Sana . . . sana maibigay ko rin ang ganyang ngiti.

Ianne, tigil na. 'Wag kang malungkot. Kailangan mong maging masaya para kay Nate.

Kailangan ka niya.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Nate.

Ngumiti ako. "Oo naman."

Sana maniwala siya. Sana maniwala rin ako sa sarili ko.

Pero sino bang niloloko ko? Sila. Ako. Niloloko ko ang lahat. Sinasabi kong okay lang ako pero sa totoo lang, hindi ko na alam kung magiging okay pa ba ako.

"Anong gusto mong regalo?" tanong ni Nate. "Para sa birthday mo."

Ngumiti ako sa kanya. "Tapos na ang birthday ko."

"Kahit na, ano nga?"

"Gusto ko ang iregalo mo sa akin," sabi ko, "gumaling ka na."

Lumawak ang ngiti niya sa akin pero nawasak ang pagkatao ko sa sunod niyang sinabi.

"Hindi ko mareregalo sa 'yo 'yan. Ano pang gusto mo? Materyal na bagay? Kalayaan mula sa akin? Si Art?"

Hindi ako nakakilos. Nakatingin siya sa akin na para bang seryoso siya sa mga sinasabi niya. Naramdaman ko kaagad na kinakain na ako ng kunsensya ko.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon