44 [ artist ]

10.3K 597 205
                                    


HINANAP ko si Art magti-three years ago na. Sinubukan ko siyang contact-in mga ilang months after ko mahimasmasan nung graduation pero off ang cellphone niya. Sinubukan kong pumunta ng boarding house pero hindi pa raw umuuwi si Art. 

Akala ko joke time lang lahat pero halos isang buwan na akong pabalik-balik sa BH, naka-lock lang ang kwarto niya. Naging busy ako sa college pero pabalik-balik ako ng ilang buwan doon. Nakilala ko na nga yong ibang bagong nakatira.

Nahihiya man, bago matapos ang first semester sa college, nagpunta ako sa AFGeneration para tanungin kung nandoon ba si Art.  Hindi pa raw bumabalik.

Naging busy ako sa school. Nakabuo ng barkada. Nakakilala ng ibang mga lalaki na malayo sa dalawang inikutan ng mundo ko noon.

Ilang schoolmate at classmate na nga rin ang pinagtanungan ko kung nasaan si Art, kung naging schoolmate ba nila sa university nila, pero wala raw.

Nag-message na nga rin ako kay X sa Facebook, e. Nung una, kinamusta ko lang siya. Pero nung tinanong niya kung kumusta kami ni Art after how many years, doon ko na-realize na hindi rin niya alam kung nasaan si Art.

Kaya ewan ko kung ano bang mafi-feel ko ngayong nakatitig ako sa isang art gallery na nakasulat ang LEMON Gallery kung nasaan daw si Art. Kung nandito nga siya . . . ipinagpatuloy pala talaga niya ang art.

Huminga ako nang malalim. Sasamahan daw ako ni Erin pero naging busy siya kaya ako lang mag-isa. Nanginginig ang mga paa ko nang pumasok ako sa gallery. Bahala na.

Hawak ko ang panyong binigay sa akin ni Art noon. Sabi niya, sa akin na lang daw itong panyo para maalala niyang siya ang tagapunas ng luha ko.

Pero bakit ito ang ginagamit ko sa mga luhang dahil sa kanya?

Tumambad sa akin ang isang maliit na parang pader sa gitna na may nakasulat ng pangalan at code name ng artists.

Zuberu. Erilsa. 

Lemon. Onatism. 

Plsptsya. 

Olie. Seta. Fangs. 

AFG.

Hindi ako mapakali at nagtingin-tingin sa paligid para hanapin kung nasaan siya. Ang daming paintings at installations. Sa may gilid, tinitigan ko isa-isa ang paintings pero mas tinitingnan ko ang artist names.

Natigil ako sa isang painting na abstract. May pirma na AFG.

Lalong humigpit ang hawak ko sa panyong hawak ko. Nagtanong ako sa isang staff kung sino at nasaan yung artist ng painting.

"Ah, miss, nag-CR lang 'yung artist. Baka bumalik na 'yun mamaya," sabi sa akin.

Sa bawat segundong lumilipas, hindi ako mapakali. 

Gusto kong tumakbo palayo pero hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko sa tapat ng painting. Ilang beses akong napalunok na kulang na lang, lunukin ko pati bibig ko sa sobrang kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang bigat ng bawat pintig. Pinagpapawisan na rin ako.

Kapag nakita ko siya, anong mangyayari? Anong sasabihin ko? Yayakapin ko ba siya? Shake hands? Ngingitian? Tatanguan? Kakamustahin?

Matapos mo siyang iwan nung graduation, kakamustahin mo siya?

Matapos mong magpalamon sa galit, ganon na lang yon?

Sa tingin mo ba, ngingitian ka niya?

Adik ka ba, Ianne?

Oo ata.

Hindi ko naman gustong ngumiti siya sa akin . . . gusto ko lang naman din siyang kilalanin ulit. Ano nang nangyari sa kanya? Pinagkakaabalahan?

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon