02 [ roses and courtship ]

84.6K 2.2K 2K
                                    


"AY, sorry po!"

Okay, joke lang. Hindi talaga siya nasagasaan, nabunggo lang ng pedicab. At kaunting galaw lang kaya nabunggo, hindi talaga umaandar.

OA lang ako, sorry na.

Pero tawang-tawa ako dahil si Nate pa ang nag-sorry sa pedicab! Hindi sa driver, sa pedicab talaga.

Minsan hindi ko na rin gets sarili ko, eh. Kasi sa totoo lang, late bloomer nga ata ako tulad ng sinasabi ng mga kaibigan ko. Ngayong nag-aayos na ang mga kaklase ko, naglalagay ng make-up, may maayos na fashion style, may mga experience na sa buhay - ito ako, nag-aayos lang ng Friendster layout dahil gusto ko ma-try 'yong image mapping na ginagawa ng mga master tulad nina Nickastig.

Tsaka, ang gusto ko lang talaga ay pumasa sa school kahit hindi nag-aaral.

Simpleng estudyante lang.

Eh kaso, ayon nga, nakilala ko si Dan Nathaniel Moises Manio. Isa lang ang pedicab incident sa kakaibang nangyari the past few weeks. Ang lakas tuloy ng feeling ko na maraming magbabago sa nakasanayan sa mga susunod na buwan.

Pero sana mangyari rin 'yong pumasa ako sa school kahit hindi nag-aaral. Hehe.

Ilang araw ang nakalipas sa pedicab incident, umaga at inaantok pa, may tumawag sa phone ko. Number ni Nate.

"H-Hello, Ianne?"

Pero hindi niya boses ang narinig ko.

"Sino to?"

"Ianne! S-Si Nate . . ."

Nagising ako sa kaba.

"Anong nangyari?"

"Pumasok ka na sa school, pumunta ka sa room, dali!"

"Wait, sino ba t—ay, binaba?"

Naka-receive naman ako ng text sa number ni Nate na kailangan ko magmadali.

Na-pressure ako kaya kumaripas ako sa pagkilos. Namatay muna ako sa lamig ng tubig sa pagligo, halos mamatay din dahil nabulunan sa pagkain, at bumyahe papuntang school, thankfully hindi namatay sa byahe kasi literal na 'yon if ever. Pagkarating sa school, naghikahos ako paakyat sa 3rd floor.

Ilang weeks pa lang kami . . . anong nangyayari sa akin? Trip lang 'to noon, ah. Bakit no'ng sinabi nila na may nangyaring masama kay Nate at kailangan kong pumasok agad, kulang na lang lumipad ako para makarating sa classroom? Kahit ayaw ko sa school?

Nagke-care na ba ako sa kanya?

Weh?

Naabutan ako ni Toto pagtapak ko sa 3rd floor corridor. Mukhang naubusan siya ng dugo, pagod na pagod, kaya lalo akong natakot. Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ako.

"Ianne! Si Nate, Ianne!"

"Teka lang naman, 'To," pigil ko sa kanya. "Nahihilo ako. Ano ba kasing nangyari?"

"'Wag kang mabibigla!"

"Nabigla ako!"

Sumimangot si Toto kaya nag-peace sign ako. Pampawala lang sana ng kaba, eh.

Hinatak ako ni Toto papuntang room at nagtaka nang may tumugtog ng gitara. Kahit madilim ang classroom, naaaninag ko pa rin ang mga kaklase naming mahinang nagtatawanan at nagngingitian.

"Anong—?"

Hindi ko pa natatapos ang tanong ko, nasagot na agad ng boses na narinig ko. Isang malamig, malalim, at gwapong boses na kumakanta.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon