17-B [ fragmented glass ]

15.2K 815 212
                                    


"P-Pero. . ."

Tulo nang tulo ang luha ni Mama. "Mag-aaral ka nang mabuti. Pangako?"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kung panaginip lang 'to, please, gisingin n'yo na ako at papasok pa akong school.

Ang kaso, hindi panaginip. Totoo lahat. Ang sakit. At ayaw ko pang pumasok ng school.


SINUBUKAN kong maging masaya nang niyaya ako ni Nate na gumala. Ang aga niyang nagpunta sa bahay para mag-date kami buong araw.

Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyayari dahil ayaw kong maging emosyonal. Siguro mamaya na lang. By next week, lilipat na ako sa boarding house ni Tita Joey. By next week, aalis sina Mama at Papa papuntang probinsiya. By next week, sa dorm muna si Kuya. By next week, mag-isa muna ako.

Buti na lang kasama ko si Nate dahil kung hindi, mamamatay na ako.

Nagsimula kami sa Mcdo at kumain. Inorder ni Nate ang usual order ko tuwing nasa Mcdo kami—spaghetti + medium fries + coke float + oreo hot fugde layered twist—samantalang siya naman, inorder din ang favorite niya—crispy chicken fillet + large fries + coke float + vanilla sundae + mcflurry.

Hindi kami gutom, promise.

Naubos ko na ang spaghetti at fries ko pero hindi pa rin nagagalaw ni Nate ang pagkain niya. At nakatitig siya sa akin.

"Bakit?"

Ngumiti siya sa akin. Napansin kong parang wala siyang masyadong tulog dahil sa pangingitim ng eyebags. Kadiri. Naging maleta na. "Wala, gusto lang kitang tingnan."

"Malusaw ako ah."

"'Yun na nga eh, gustong-gusto na kitang lusawin."

Binatukan ko siya kaya tumawa siya. Ako lang ba 'to o parang pumapayat siya? Sisimulan ko na sana ulit ang kumain nang mapansin kong ayaw talaga niyang kumain.

"Ayaw mo ba n'yan?" Tinuro ko ang pagkain niya. "Ako na lang kakain."

Concerned ako, okay? Sayang ang pera. Dapat hindi nagsasayang ng pagkain. Maraming nagugutom. It's a free country. Mabuhay Pilipinas!

Kukunin ko na sana ang fries niya nang paluin niya ang kamay ko. Kumain na rin siya at dun lang parang naging at ease ang feeling. Nagpatuloy kami sa pagkain at daldalan. Mga four hours kaming nagkwentuhan at naglokohan hanggang sa nagparinig na 'yung manager na ang dami raw tambay kaya umalis na kami.

Buong magdamag kaming nagkulitan at kung saan-saan nagpunta. Nakakatuwa kasi matagal na rin kaming hindi nagkukulitan dahil sa dami ng nangyaring problema.

Sana ganito na lang lagi. Masaya lang. Walang pinoproblema.

Buntonghininga.

Nang gumagabi na, nag-stay kami sa isang bench malapit sa fountain ng mall. Tahimik lang kaming dalawa habang magkahawak ang kamay. Ang bilis nga ng tibok ng puso ko kasi ngayon lang kami naging ganito katahimik ni Nate.

Hinalikan niya ang kamay ko kaya kinilabutan ako.

"Alam mo bang crush na crush kita dati?"

Nagtaka ako sa confession niya. Diretso lang ang tingin niya sa fountain habang nakangiti.

"Nung bagong lipat ka sa school, grade five tayo. Ang cute mo nun. Iyakin ka pa." Natatawa siya. Naku po, nagre-reminisce si Koya. "Naalala mo ba nung kinuha ni Jek 'yung bracelet mo?"

"'Yung may pangalan ko?" nanlalaki ang mga mata kong sabi. "Oo. Bully 'yun eh."

Lumawak ang ngiti ni Nate. "Inutos ko 'yun. Nasa akin 'yung bracelet hanggang ngayon."

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon