34 [ pain ]

18K 819 290
                                    


NEWS flash: Bumait lalo si Art . . . ?

Nagulat din ang mga kaklase namin sa pagiging mabait niya. Paano, imbis na black aura ang nakabalot sa kanya, gray aura na lang! 

Kaya ayun, lalong dumami tuloy ang nagka-crush sa kanyang lower year at dumami ang kinilig.

For example? Ang presidente ng fans club ni Art: si Ellaine.

Nasa canteen ako para bumili ng TofiLuk nang hilahin ako ni Ellaine papuntang food court para samahan siyang kumain ng lunch.

Pero ang totoo, gusto lang niya ng update.

"Alam mo napapansin ko, ang close n'yo ni Art," sabi niya.

Pumasok sa utak ko yung yakap namin ni Art kahapon. Pagkatapos kasi nung pagyakap na yun at pag-amin kong nami-miss ko rin siya, bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Hawak pa yung magkabilang balikat ko at tumitig sa akin.

Tapos biglang nanlaki yung mata niyang singkit!

Sabay alis ng room?!

Nabigla ako pero parang mas nabigla ata siya, e.

Kaninang umaga, parang normal ang lahat na umupo siya sa tabi ko, tumingin sa akin nang wala lang, tapos dumiretso sa pagtulog sa desk. Ang weird?!

Kaya ang sinagot ko ay, "Sakto lang."

Sinimangutan ako ni Ellaine. Mukhang di niya gusto ang sagot ko dahil sa mga tingin niya, parang inaakusahan niya akong pumatay.

"Sakto lang pero lagi kayong magkasama kapag nadadaan kayo sa classroom namin?"

"Coincidence lang."

Hindi namin kaklase si Ellaine. Ang kulit nga dahil nung nalaman niyang konting kembot na lang at malapit na ang room ng section niya sa room ng section namin, gusto niyang magpalipat. Nung tinanong anong dahilan, true love daw.

Niyugyog niya ako. "Coincidence lang? Sigurado ka! 'Wag mo akong pinagloloko!"

"Coincidence," natatawa kong sabi.

"Sigurado ka? E bakit 'pag dumadaan kayo sa classroom namin, napapansin kong naiirita si Nate kapag nakikita kayo? Paanong coincidence kung nakikita kong apektado si Nate?! Naaapektuhan din ako!"

"A-Apektado siya?"

Pero parang di niya ako narinig at dumiretso siya sa panlulumo niya tungkol kay Art.

"Masakit, Ianne! I tot wer prens pero ano itong kataksilang ito." Umupo siya nang maayos at uminom ng juice. "Ito na ba ang panahon para magparaya na ako ng pag-ibig ko kay Art?"

"Grabe naman, Ellaine Wala namang—"

Dinikit niya ang hintuturo niya sa labi ko. Ngumiti siya at umiling. At yung mata niya, ba't nangingintab! Naiiyak ba siya?

"Simula noong nakita ko si Art noong unang taon ko sa highschool, alam ng puso ko na iba na. Ito na ang real deal. Mahal na mahal ko si Art, at sa katunayan, inilaan ko ang buong lakas at lahat ng free time ko para palaguin ang fans club namin, pigilan ang chaos kapag maraming sabak sa kanya, at pagsulat ng love letter na galing sa aking puso . . . Pero sabi nga nila, if you love that person, you have to set him free . . ."

"Bakit naman may setting free nang nangyaya—"

"Kung saan man siya masaya." Inangat niya ang ID niya. Napataas ang kilay ko nang mapansin kong sa tabi ng ID picture niya ay isang sticker ng picture ni Art. "Masaya na rin ako for him . . ."

Napakamot na lang ako ng noo.

Umubo siya at hinawakan ako sa mukha. "Huling habilin ko lang, Ianne . . ." Umubo siya ulit. Napatingin ako sa paligid. Hindi naman siguro mamamatay si Ellaine sa harap ko, no? "Ang huling habulin ko ay paligayahin mo siya sa birthday niya gamit ang iyong . . ." Tumingin siya sa mukha ko, tapos bumaba sa may harap ko, tapos bumaba ulit, at nagkamot. "Wala. Hindi mo siya mapapaligaya sa lagay na yan. Anyway, mag-seventeen na siya sa November 11, ingatan mo siya, Friend."

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon