24 [ lost ]

14.9K 758 208
                                    


To HIM
Mag usap tayo. Lunch time. Rooftop. Please.


Pagpasok ko sa school, may kakaibang tingin sa akin ang mga kaklase ko. Nakangitian ko si Jek na kasama ang dalawa pang itlog sa hallway. Nang tumingin sa akin ang dalawa pang itlog, ngumiti sila at pumasok na sa classroom nila.

Tahimik lang ako pagpasok ko sa room. Napansin ko si Emotionless Guy na nasa dulo na natutulog habang nagdi-discuss 'yung teacher namin.

Buti pa siya, patulog-tulog na lang.

Kahit hindi nag-reply si Nate, dumiretso pa rin ako sa rooftop nang mag-lunchtime para hintayin siya. Pero kahit isang oras na ang nakalipas, wala pa rin siya.

Binabalot na ako ng lungkot habang nakatitig sa pinto. Naupo ako sa gilid at naghintay lang.

Darating siya. Siguradong darating siya.

Nagsimula na siguro ang klase dahil nag-ring na ang bell pero hindi na ako pumasok. Nawalan na ako ng pag-asa kaya tumulo na ang luha ko habang tinatanong sa sarili ko kung ano bang nangyayari ngayon.

Nabuhayan ako ng loob nang magbukas ang pinto pero nawala rin agad dahil hindi si Nate ang nakita ko. Si Humi na mukhang nagtataka dahil nandito ako.

"Ate Ianne, anong ginagawa mo rito?"

Nagpunas muna ako ng luha at tsaka ngumiti. "Nagpapagupit, ikaw?"

Umupo siya sa tabi ko. "Pinaalis ako sa classroom eh. Umiiyak ka ba, Ate?"

"Hindi, nananahi ako."

Hindi niya pinansin ang mga sagot ko pero natahimik lang kami habang nakatingin sa kawalan.

"Si Papa Nate ba?" tanong niya. Tahimik lang ako pero sa pangalan pa lang niya, nasasaktan na ako. "'Wag mo na sabihin sa akin kasi siguradong magagalit ako kay Papa Nate at hindi ko rin alam ang side niya."

Naramdaman kong naluluha ako habang nare-realize na wala pala akong masabihan ng problema ko. Si Erin? Masaya na siya. Si Ellaine? May Emotionless fandom. Si Kuya? Malayo sa akin. Si Kuya Angelo? Busy.

Wala akong best friend. 

Nabuhay akong nakakausap ang karamihan sa kalokohan pero kapag personal na, wala. Ay wait, meron pala. Si Nate. Pero umikot na ang mundo ko sa kanya at ngayong nangyayari 'to, wala na akong mapuntahan.

Nagtaka ako nang humihikbi na si Humi sa tabi ko. Nagmumukmok na siya.

"Bakit ka umiiyak?"

Suminghot-singhot siya at pinunasan ang ilong. "H-Hindi ko rin alam, Ate."

"H-Ha?"

"Nakikibagay lang ako sa senaryo natin, ahuhuhu. Ang lungkot-lungkot kasi. Ahuhuhuhu!"

Natawa ako at hinawakan ang balikat niya. "Salamat, ah?"

"Huh? Bakit?"

Nginitian ko siya. "Dahil sa'yo, naisip kong normal pa pala ako."

Nagkatinginan kami sandali at sabay na tumawa. Pinalo-palo pa niya ako sa balikat at medyo masakit 'yun. "Ikaw talaga, Ate. Medyo nakakasakit ka, ah?"

"Hindi ba't the truth hurts talaga?"

"Kaya pala ansakit-sakit. Ahuhuhu!" emote niya habang hawak ang dibdib niya.

Hindi ko akalain na mapapatawa ako ngayon at ni Humi pa. Kahit wala siyang alam. . . kahit hindi niya gustong alamin ang nangyari, nagawa pa rin niyang pagaanin ang nararamdaman ko.

AFGITMOLFM (2019 version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon