Chapter 57

321 10 1
                                    

"Nike planned everything last night. " pag uumpisa ni Erebos.Walang kahit sino man ang nagsalita mula sa mga agent na naka konekta sa kanila.

" pagkatapos nating makausap si Erhen kahapon nakausap ulit namin ito kagabi.  Sinabi ni Erhen ang bagong plano ni  Rojan. Rojan will be using Nike again against  Max kapalit ng paglaya ni Lance. Kapag pumayag si Nike sa gusto nila at nakuha nila ito lalabas sila ng bansa.  May naghihintay na yatch  sa kanila. Kapag nakuha nila si Nike at lalabas sila ng bansa pansamantala kasama si Nike at ipapain kay Max para mapatay ito.  " dagdag pa ni Erebos.  ikinuyom ni Max ang kanyang mga kamao dahil sa sobrang galit nito. 

"Nang malaman namin ito ay nagplano na si Nike ng gagawin.  Kalkulado na ni Nike lahat ng mangyayari ngayon, inaasahan niya na na gagawin ni Rojan ang bagay na yun kaya nag desisyon si Nike na sakyan ang mga plano nito.  Nike told me not to tell you about her plan dahil nasisigurado niyang hindi kayo papayag sa naisip niya pero ang sabi niya ay wala ng ibang paraan. " Maririnig ang paghinga ng malalim ni Erebos bago ito nagsalita.

" At first hindi ko din gusto ang plano niya dahil maaari niya itong ikapahamak.  Pero sinabi niya na magtiwala lang ako dahil magagawa niya ang bagay na iyon. I trusted her kahit kakikilala ko pa lang sa kanya, i hope uou trust her too. "dagdag pa nito. Walang sino man sa kanila ang nag salita pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Erebos. Lahat ay natahimik at hindi alam kung ano ang dapat sabihin.

"Were here. " naputol ang katahimikang namayani ng magsalita sa kabilang linya si Styx.

"Good.  Eirei,  Nasaan na sila? " wika ni Erebos.

" Malapit na sila.  Limang minuto na lang siguradong darating na sila. " sagot ni Eirei.

'We need to hurry. " seryosong wika ni Erebos.

"Styx?  How many are they? " tanong ni Erebos na agad namang sinagot ni Styx.

"More that 30 i think.  Nakapalibot ang lahat sa sasakyang yatch. " sagot nito.

"Nandito na din kami.  " sabay sabay na sagot ng iba oang agent at miyembro ng CHAIN.

"malapit na kami.  Siguraduhin ninyong malapit kayo sa yatch na sasakyan at huwag na huwag kayong magpapakita kay Rojan. " utos ni Erebos dito kasabay ng pag galaw ng lahat ng agent. 

"Were on the position. " Carter said

"Same here. "

"Already in. "

"Were also here.  Don't do anything until i said so. " babala ni Erebos sa lahat .

Kitang kita sa kinaroroonan nila ang pagbaba ni Rojan mula sa sasakyan nito habang hawaka ang nakataling kamay ni Nike at nasa likod naman nito si Erhen. 

"Handa na ba lahat? " tanong ni Rojan sa mga tauhan nito.

"Yes boss. Kayo na lang ang hinihintay. "

Akmang maglalakad na ito patungo sa yatch ng bigla itong matigil sa paglalakad.

"Don't move or I'll kill you. " babala ni Erhen habang nakatutok ang baril kay Rojan.  Sabay sabay ding itinutok ng mga tauhan ni Rojan ang baril nila kay Erhen pero binalewala lang ito ng dalaga.

"Go. Do it.  Dahil bago man ako mamatay sisiguraduhin kong patay muna ang lalaking ito. " malamig na wika nito sa mga lalaking nakapalibot sa kanya.

"anong ibig sabibin nito Erhen? " hindi makapaniwalang tanong ni Rojan kay Erhen.

"Drop your gun first bago ko sagutin ang tanong mo. Drop it now! " matalim na utos ni Erhen na agad namang sinunod ni Rojan.

"I've been a spy in your syndicate for almost seven years and you didn't even notice it.  " nakangising wika nito sa lalaki na sobrang ikinagalit ni Rojan.

"Traitor! " singhal sa kanya ni Rojan.

"Yah yah.  Whatever. " bored na sagot ni Erhen dito habang nakatutok padin ang baril kay Rojan.

"Drop your gun or I'll kill your boss in front of you. " babala ni Erhen sa mga tauhan ni Rojan ngunit tila wala itong balak sumunod sa utos niya.  Kaya naman ay agag nitong binaril ang kinaroroonan ni Rojan pero sinandya niya itong hindi patamaan.

"Fuck!  Fuck!  Drop your guns Now! " hiyaw ni Rojan sa mga ito na agad namang sinunod ng mga tauhan niya.

"Maikli ang pasesnya ko.  Don't pissed me off. " walang emosyong wika ni Erhen sa mga ito.

"Hey you,  alisin mo ang tali niya sa mga kamay. " utos ni Erhen sa isang tauhan.  Agad naman itong gunalaw at pinakawalan si Nike at sabay na inabot ni Erhen ang isa pang baril kay Nike.

"Surprised Rojan? " mapang asar na tanong ni Nike.

"I'll kill you. " galit na asik nito kay Nike.

"I'll kill you first. " wlang emosyong wika naman ni Nike.

Mabilis na kinuha ni Rojan ang baril na nakatago sa likod nito at sinumulang pagbabarilin sina Nike na agad namang naiwasan ng mga ito.

"Kuya attack then now! " wika ni Erhenng mapansing nitong nay pinindot ito sa kabilang tenga niya. Matapos itong sabihin ng dalaga ay sunod sunod na palitan ng putok ang narinig nila kasabay ng pag ulan ng bala at pagkamatay ng iilang tauhan ng Lycons pero hindi nito napatay si Rojan.

"Find Rojan! " utos ni Nike ng makitang papalapit ang ibang agent sa kanya.  Agad namab itong gumalaw upang hanapin si Rojan.

Sunod sunod parin ang palitan ng bala sa pagitan ng mga agent at mga tauhan ng Lycons habang abala si Nike sa paghahanap kung nasaan si Rojan.

"I can't let yoy escape Rojan! I can't! " galit na wika nito.  

"Damn! " halos matamaan na si Nike ng may bumaril sa gawi niya pero agad niya naman itong naiwasan.

"Bitch! Plinano mo na ang lahat ng ito hindi ba?! " galit na singhal sa kanya ni Rojan mula sa pinagtataguaan nito.

"Gaya ng inaasahan ko madali ka nga talagang maloko Rojan Lycon." mapang asar na wika ni Nike dito.

"Papatayin kita Villaruel! I'll kill you! " sigaw ni Rojan.

" Then do it.  Don't hide!" balik sigaw ni Rojan. Kasabay ng paglabas nito at walang tigil na pinaputukan ang kinaroroonan niya.

Agad na lumabas si Nike at hindi nagdalawang isip na barilin si Rojan. 

"paano ba yan nauhan pa kita." wika ni Nike kasabay ng pagkatumba ni Rojan at pag agos ng dugo mula sa dibdib nito.

"D-Damn y-you. " huling salita nito bago ito tuluyan ng tumuba. 

"Nike! " paikaikanh naglakad si Nike sa kinaroroonan ng mga kasamahan at nakita din nito si Lance na papalapit din.

"Hey gu---" hindi na naituloy pa ni Nike ang ano pa mang sasabihin niya ng umalingawngaw ang isang putok kasabay ng pagkirot ng kanyang dibdib.  At sumunod ulit ang dalawang magkasunod na putok kasabay ng pagyakap sa kanya ni Lance habang may dugong umaagos sa bibig nito.
Sunod sunod na pinaputukan ni Carter si Rojan na siyang bumaril kina Nike at patakbo nila itong nilapit. Halos tulala ang lahat sa nangyari maging si Eireisone at Klaus ay hindi makapaniwala sa nakita nila.

"N-No N-No No!!!!  Eirei!!  Lance!! "

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now