Chapter 10

360 17 3
                                    

Nike's POV

Eksaktong alas syete na ng gabi nang matapos kami sa aming ginagawa. Nauna na ring umuwi si Lance dahil sa may iniutos si Max dito kaya ako ang nag maneho ng sasakyan. 

Habang tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay nito ay may napansin akong sasakyan na sumusunod sa amin. Walang gaanong bahay sa lugar na ito na daan patungo sa bahay ni Max. 

Ipinagsawalang bahala ko na lang ito sa pagaakalang isa itong ordinaryong sasakyan ngunit halos mapamura ako ng magawi ang tingin ko sa review mirror at makitang may inilabas na baril ang sasakyang nasa likod namin.


"Dapa!" sigaw ko kay Max at mas binilisan pa ang takbo ng kotse ng pataamaan kami ng mga armadong lalaki. 


"Fuck!" he cursed.


"Huwag kang tatayo.Dumapa ka lang.  " malakas na utos ko.

"Who are they? "tanong nito na nakadapa parin habang pinapaulanan kami ng bala ng kalaban.


"Lycon." simpleng sagot ko habang mas binilisan pa ang pagmamaneho ngunit nakakahabol parin ito. I don't have choice now. Hindi maaaring mapahamak si Max.


"Can you drive?"baling ko rito habang nakayuko.


"Bakit anong gagawin mo?"balik na tanong nito at bago pa man ako makasagot ay may balang muling tumama sa salamin ng sasakyan. 


"Just fucking drive  and dont ask any question." gigil na utos ko. Agad naman itong sumunod at lumipat sa drivers seat at habang ako naman ay lumipat sa passengers seat.  Kinuha ko ang baril na nakatago sa ilalim ng damit ko. Palagi ko itong dala para sa mga pagkakataong ganito.


"It's that a gun?!" tila gulat na tanong nito.Sinamaan ko ito ng tingin.

"Just shut up!"sigaw ko at lumabas sa bintana ng sasakyan at nakipagpalitan ng bala sa sasakyang sumusunod sa amin.

"What the fuck are you doing,Villaruel?!" singhal ni Max sa akin. 


"Tumahimik ka kung hindi pareho tayong mamamatay dito." singhal ko pabalik.


"Track us! I need some back up!" sabi ko mula sa kabilang linya ng suot kong earpiece.


Muli akong lumabas sa bintana at nakipagbarilan dito. Wala akong pagpipilian,kapag hindi ko ito ginawa ay siguradong mapapahamak si Max.


"Faster or you'll see us dead!" Muling sigaw ko sa taong kausap ko mula sa earpiece na suot ko.


"Ihinto mo ang sasakyan. " utos ko.



"What?! " he exclaimed.

"Stop the goddamn car Now! " sigaw ko na agad naman nitong sinunod.


"Huwag kang lalabas.Kapag lumabas ka ng sasakyan ako mismo ang papatay sayo! " banta ko bago lumabas ng sasakyan.



Max's POV


"Stop the goddamn car.Now!" sigaw ni Nike sa akin na ikinagulat ko.  Kanina pa ako nito sinisigawan na tila nakalimutan na na ako ang boss niya.

Agad ko namang inihinto ang sasakyan. Nababaliw na na siya? 

Mamamatay kami sa gagawin niya!

"Huwag kang lalabas.Kapag lumabas ka ng sasakyan ako mismo ang papatay sayo!" banta nito na walang emosyon ang mga mata bago lumabas ng sasakyan. 

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now