Chapter 21

311 17 0
                                    

"pagkatapos ng nangyari yun kung saan napatay ni Max ang pinuno ng Sindikato at nahuli ang iilan sa miyembro nito  at nalaman ko na maayos na ang kalagayan niya umalis ako ng bansa.  Kagaya ng ipinangako ko lumayo ako sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon, inakala ko na yun na ang huli naming pagkikita ngunit sa pangalawang pagkakataon din ay mali ako ng inakala.  Hindi ko alam kung pinaglalaruan o gusto lang talaga akong saktan ng pagkakataon. " wika ko ng may mapait na ngiti sa mga labi.

"So,  that's basically the reason kung bakit bigla mong binitawan ang pagiging agent niya ay kung bakit ka din nakipaghiwalay sa kanya. " Lance said.
"Yes.  Dahil ang buong akala ko ay yun ang pinakamabuting gawin para masigurado kong ligtas siya. "

"pero mali ka na naman ulit. " natatawa akong tumango sa sinabi nito.

"siguro lahat ng ginawa kong desisyon nuon, lahat ng yun ay mali.  Pati nga siguro ang pagtangap ko sa misyon ko noon ay mali. "

"nagsisisi ka ba na tingap mo ang misyong yun? " tanong ni Lance na nakatingin sa akin ng seryoso.

" Hindi ko alam. " i answered honestly.

"may part na nagsisisi ako pero may part din na hindi.  Nagsisisi ako dahil kung hindi niya ako nakilala at hindi ako ang naging agent niya ay hindi mangyayari kung anong nangyari sa kanya noon.  Naging ligtas sana siya kung hindi ako ang naging agent niya. " sagot ko. Ngumiti muna ako bago ako nagsalita.

"kagaya ng sinabi ko,  may part sa akin na masaya. I'm happy to be his agent.  Naging masaya ako nuong mga panahong kasama ko siya.  Isa yun sa mga pinakamasayang panahon sa buhay ko.  I did love him. and infact i still love him. " pag amin ko.

"You still love him right?  Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang lahat at sabihin sa kanya ma mahal mo pa siya? " umiling ako sa sinabi nito.

"I can't. Nakikita kong masaya na siya ngayon Lance.  Ayokong maging hadlang sa kasayahan niyang iyon. Ayoko din na ilagay muli sa kapahamakan ang buhay niya. Binigyan ako ni Clyme ng pangalawang pagkakataon para itama ang mali ko noon and i will do my best na magawa ang bagay na yun.  At isa pa, ako lang na naman ang hindi nakakapag move on sa nangyari noon. " i said.

Huminga ng malalim si Lance at tumingin sa malayo.

"Hinanap ka niya noon.  Nang magising siya mula sa pagkaka coma ikaw ang pinakaunang hinanap niya. " panimula nito na ikinagulat ko.

" hindi namin alam kung ano ang sasabihin namin sa kanya dahil hindi naman namin alam kung nasaan ka na nuong mga panahong iyon.  Ilang beses siyang naki usap kay Miss Eireisone na sabihin kung nasaan ka ngunit maging si Miss Eireisone ay hindi din alam.  Nang makalabas siya sa ospital agad niyang pinuntahan si Miss Clymene davil ang buong akala niya nuon ay siya na lang ang huling taong makakapagturo sa kanya kung nasaan ka pero walang kahit anong sinabi si Miss Clymene.. " dagdag pa nito. Kusang pumatak ang mga luha mula sa mata ko dahil sa mga narinig ko.Pinakiusapan ko noon si Clymene na huwag sasanibin sa kanya kung nasaan ako maging si Eireisone ay wala ding alam kung nasaan ako nun.   Hindi ako nag salita at hinintay kung ano pa ang mga sasabihin ni Lance.

" He did his best to find you pero magaling ka lang siguro talagang magtago noon para hindi ka niya mahanap. Muntik ng masira ang buong pagkatao niya ng mawala ka,  walang araw na hindi siya naglalasing para lang makalimutan ka. Madalas din siyang masangkot sa gulo,  minsan umuuwi na lang siyang naliligo sa dugo.  Bumagsak ang ilan sa malalaking business niya dahil hindi niya ito napagtuonan ng pansin dahil sa paghahanap sayo.  Hindi na namin alam kung anong gagawin namin sa kanya ng mga panahong yun na maging ang Chairman na kanyang ama ay kamuntikan na siyang sukuan, honestly maging ako nawalan na din ng pag asa na babalik pa siya sa dating siya ng mga oras na yun. " Lance added.  Mababakas sa salita nito na nasasaktan din ito sa nangyari kay Max noon. 
gustong gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa nagawa ko kay Max pero nawalan ako ng lakas ng luob para mag salita. 

"Itinaboy ni Max lahat ng taong nakapaligid sa kanya dahil ang sabi niya darating ang araw na iiwan din namin siya kagaya ng ginawa mong pang iiwan sa kanya." Lance said.

"I-Im S-Sorry." i uttered

"Nang mga panahong halos talikuran na siya ng lahat may isang taong nanatili sa tabi niya. Si Miss Eireisone. She didn't leave him.  Kahit ipinagtatabuyan na siya nito hindi siya umalis,  kahit pa may malaking problema din si Miss Eireisone sa pagkamatay ng mama niya nuon ay hindi pa din siya umalis sa tabi nito.   Araw araw,  minu-minuto niyang sinesermonan si Max nuon para kang tumino ito." natatawang wika nito.

Eirei really love Max that much.  Tanging si Max lang kasi ang nagparamdam sa kanya na welcome skya sa pamilya ng mga Sandoval noong hindi niya pa alam ang buong katotohanan sa pagkatao niya. 

"Hangang sa isang araw, nagising na lang siguro si Max sa mga katangahang pinag gagagawa niya.  Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi ni Miss Eirei para tumino siya pero kung ano man ang bagay na yun ay labis kaming nagpapasalamat sa kanya.  Maging si Max ay lubos ang pagpapasalamat dahil hindi siya iniwan ni Miss Eirei ng mga panahong kaiwan iwan siya.  Umalis siya ng bansa at bumalik sa Greece kasama ako.  Nagsimula siyang muli,  ibinangon niya ang mga business niya na bumagsak. Naging maayos na lahat pero mapapansin padin ang pagbabago sa kanya.  Hindi na siya ang kilala naming Max bago mo pa man siya makilala.  Napapansin mo naman siguro hindi ba? " he asked.  Tumango ako bilang sagot dito. 

Pinunasan ko ang mga luha mula sa mata ko.  Kanina pa pala ako umiiyak hindi ko na napansin na halos mabasa na ang panyong hawak ko.  Lance is right. Kung noon makikita mo ang masasaya at matamis na ngiti sa mga labi nito pero ngayon ni minsan hindi mo na ito makikita.  Nawala na din ang pagiging mapang asar at pagiging makulit nito.

"Noong nasa Greece kami,  halos araw araw iba ibang babae ang dinadala niya sa bahay. Kahit si Miss Eireisone ay naiinis sa ginagawang iyon ni Max pero wala kaming nagawa. Mas mabuti na yun kaysa bumalik siya sa pagiging walang pakialam sa sarili niya at sa paligid niya. "  Tumigil muna ito saglit bago nagsalita ulit. 

"Hindi ko sinasabi ang mga bagay na ito sayo dahil sinisisi kita.  Oo aaminin ko nagalit ako sayo dahil sa ginawa mo kay Max. Tinuturing ko na na kapatid siya kaya nasatan din ako sa ginawa mo sa kanya.  Pero sinabi ni Miss Eireisone sa akin na lahat ng ginawa mo ay may dahilan kaya napatawad na kita noon pa man.  Kaya ko sinasabi ang mga bagay na ito sayo ngayon dahil gusto kong malaman mo kung ano ang nangyari sa kanya nuong nawala ka dahil alam ko na sa loob ng mahabang panahon ay isang tanong lang naman ang tumatakbo sa isip mo na kung ano ang nangyari kay Max matapos mong mawala.  "

"Hindi ko masasabi kong masaya na ba talaga si Max ngayon pero kung masaya na siya ngayon ay isa lang ang ibig sabibin nun.  Nakabitaw na siya sa nakaraan,  hindi na siya nabubuhay sa alala ng nakaraan. Kaya Miss Nike panahon na din siguro para bumitaw ka na.  Patawarin mo na ang sarili mo sa nagawa mo noon. " nakangiting wika nito sa akin.

Nginitian ko ito pabalik bago nangsalita.

"Kapag nahuli at napabagsak na ang Lycon's Syndicate saka lang siguro magiging maayos ang lahat.  Hindi ko mapapagawad ang sarili ko hangat hindi ko naririnig mula sa kanya na pinapatawad niya na ako. " sagot ko dito.

"Pero sa ngayon,  isasantabi ko muna ang personal na problema sa pagitan namin.  Nandito ako para sa misyon ko at sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin kong magtatagumpay na ako sa misyong ibinigay sa akin. " wika ko bago tumayo para bumalik sa opisina. 
"Sana matapos na ang lahat ng ito ng maging masaya na kayo pareho. " Lance said na ikinangiti ko.

I'm hope so.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now