Chapter 41

302 14 0
                                    


Isang araw ang nakalipas ay pinayagan na din ng doctor na lumabas si Max dahil maayos naman daw ang lagay nito.  Napag usapan din namin na hindi na muna ito mananatili sa bahay na para na din sa kaligtasan niya.  Nag offer si Eireisone na sa kanila na muna si Max pero tumangi si Max dahil baka daw madamay pa ang pinsan niya sa gulo niya lalo na at buntis ito kaya naman ay napag desisyonan na muna na sa HQ muna ng Nostalgia siya manatili. 

Malaki ang HQ ng Nostalgia kaya naman wala ding naging problema sa ibang agent ang pananatili niya dito, si Clymene na din ang nag presinta na sa HQ na muna si Max lalo na at pinagpaplanohan na ang pag ataki sa sindikato.

Nagpatawag na din ng pagpupulong si Clymene kahapon para ipaliwanag ang hahawing pag ataki kasama ang mga miyembro ng CHAIN. ipinakiusap niya na din na kapag nakita nito si Carter ay huwag na lang magsasalita ang mga agent tungkol sa nakaraan nito bagay na naintindihan naman ng lahat.  Wala pa ang lahat ng miyembro ng Nostalgia, si Astraea at Aelous darating mamaya kasama ang magkapatid na Montgomery at kasama ng iba pang agent.

"Here's your medicine. Kumain ka muna bago mo inumin ang gamot. Huwag ka na din munang gumalaw ng gumalaw para maiwasang bumuka ang tahi sa sugat mo. " wika ko kay Max ng makapasok ako sa silid nito.  Matapos ang nangyaring pag uusap namin nung nakaraang araw iniwasan ko muna ito para wala ng maging problema.

Nakaupo ito sa kama niya habang nagbabasa.  Nakasuot ito ng white fitted shirt at nakasuot din ng reading glass na bumagay naman sa kanya.  He look so handsome.

Ibinaba nito ang librong binabasa niya at tinangal ang reading glass niya bago tumingin sa akin. 

"Aalis ka? " kaswal na tanong nito nh mapansing nakaayos ako.  Tumango ako sa naging tanong nito at inilapag ang pagkain at ang gamot sa lamesa sa gilid nito.

"May kailangan lang kaming kausapin nina Clymene para sa mga kakailanganin ng Nostalgia para sa nakatakdang pag ataki sa sindikato.  May mga darating ding taong makakatulong sa atin para mailigtas si Lance. " sagot ko dito.

"I see. " sagot nito bago tumayo sa pagkakaupo nito.

"Where's your brother?" nagulat ako sa naging tanong nito.  Hindi ko inasahan na magtatanong ito tungkol sa kapatid ko.

"Ang alam ko nasa training field ito kasama ni Naevius at ng iba pa. " tumango naman ito sa akin.

"I'm leaving. Kung may kailangan ka lapitan mo lang si Zylus ibinilin na kita sa kanya.  Darating din mamaya si Eireisone. " wika ko bago tumalikod at naglakad papunta sa pinto.  Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ng tawagin ako nito.

"Nike" nilingon ko ito bago nagsalita.

"bakit? "

"Take care. " wika nito.  Sandali akong napatigil bago mgumiti sa kanya at tuluyan ng lumabas ng silid.   Ayokong umasa na may pakialam pa siya sa akin pero sa ngayon hahayaan ko muna ang sarili ko na isiping may pakialam pa din siya sa akin. 

"Naghihintay na si Mr. Von. " ani ni Styx ng makasalubong ko ito. 

"Let's go.  We need to hurry,  maya maya siguradong darating na ang CHAIN. " ani ko bago kami dumiretso sa labas.

"Nakausap na ni Carter ang tao nila sa loob ng Lycons syndicate. Makikipag usap siya mamaya kaya kailangan nating makabalik agad. " salubong nito sa amin bago kami sumakay ng sasakyan at tinahak ang direkyon patungo sa address ni Mr. Von.

Nang makarating kami sa address na ibinigay ay agad naman kaming pinapasok ng mga tauhan nito.

"Nike!  Long time no see! " bati nito sa akin.  Bata pa si Mr. Von, tatlong taon lang ang tanda nito sa akin. 28 years old na ito at sa edad niya ay iba ibang business na din ang minamanage niya.  Binati din nito sina Clymene at Styx.

"How's your father doing? " tanong ko dito.

"Umaayos na ang lagay niya.  Thanks to you. " nakangiting sagot nito. Halos mapatay na ng isang sindikato ang papa niya noon,  mabuti na lang at nakita ko ito at natulungan kaya naman malaki ang utang na loob ng mag ama sa akin.

"Nakahanda na ang lahat ng request mo.  Kung may kulang pa ay tawagan mo na lang ako." nakangiting wika nito bago inilabas ng mga tauhan niya ang ilang box. Binuksan ni Styx ang box at tumambad sa amin ang ibat ibang uri ng baril at ibat ibang armas. Isa ito sa business ni Mr. Von kung saan kumikita sila ng malaki.

"As expected. " puri ni Clymene dito na ikinangiti ni Mr. Von.

"Kailan ko ba naman kayo binigo?  at isa pa hindi ko kayo bibiguin lalo na si Nike. " sagot nito.

"Thanks Mr. Von.  Magiging malaking tulong ito para sa darating namin na operasyon. " nakangiting sagot ko.

"We'll go ahead.  Madami pa kaming gagawin. " paalam ko dito.

"Good luck saingo!  Tawagan niyo na lang ako kung may maitutulong pa ako.  " wika nito habang ipinapasok ng mga tauhan nito ang box sa loob ng sasakyan bago kami tuluyang umalis sa lugar.

"Maasahan talaga si Mr. Von pagdating sa ganitong mga bagay." nakangising wika ni Styx.

"Sigurado akong magugustuhan nila ang mga pasalubong na dala natin. " maging si Clymene ay hindi din mapigilang mapangiti.

"Were going on a war dapat lang na handa tayo." wika ko na sinangayunan naman ng dalawa.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now