Chapter 7

381 21 0
                                    

Nike's POV

Matapos ang meeting nito sa board ay nakabusangot ang mukhang lumabas ito mula meeting room.


Ano kayang nangyari? Mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang isang 'to.


"Sir,  what should we do now? Specially ngayong hindi nila inaprobahan ang proposal niyo?" tanong ng isa sa mga empleyado nito. Agad ko namang sinundan ang mga ito papasok sa opisina.


"Kill them."walang emosyong sabi nito na ikinagulat naming lahat.  

Is he serious?!

"K-kill.. Uh-S-Sir, sigurado po kayo? Malaking kaso ang haharapin natin sir kapag nagkataon." kinakabahang tanong ng empleyado nito na ikinakunot ng noo ni Max 


"Kill them with your next presentation not literally kill them.Damn! " bakas ang iritasyon sa mukha nito na halos batukan na ang empleyado niya. 

Napakamot ng ulo ang empleyado at mahinang natawa maging ako ay ngumisi sa sinabi nito. L Agad naman kaming tumigil ng tignan kami nito ng masama.


"Joyce,orient Miss Villaruel sa mga gagawin niya. She'll be my personal secretary from now on." saad nito sa mga empleyado bago sila lumabas.


Papapantastikuhan akong tumingin dito nang maiwan kaming dalawa sa loob ng kaniyang opisina.



"Excuse me? Hindi ito kasama sa kontrata Mr.Sandoval." agad na sabat ko.

"I'll be paying you if that's the problem."matabang na sabi nito.


Ikinuyom ko ang kamao ko, hindi na nagiging maganda ang kinatatakbuhan ng mga nangyayari ngayon." Money is not the problem here,Mr.Sandoval. my job is only to make sure that you're safe,hindi kasama sa usapan ang maging personal secretary mo."galit na saad ko. I can't control myself now,hindi ko hahayaang basta na lang niya gawin ang gusto niya.



"Hindi ba puwedeng gawin na lang 'yon? Bakit pinapalaki mo ang bagay na 'to?" sigaw nito sa akin.


I glared at him,"Alam ko kung ano lang ang trabaho ko,Mr.Sandoval at 'yon lang ang gagawin ko.Now, kung ipipilit mo ang gusto mo then I'll be dropping this mission. Find another agency that can do our job.Ibabalik ko ang perang ibinayad mo na walang kulang."Matigas na saad ko at tinalikuran ito.


"It is for just a mean time for godness sake!" natigil ako sa akmang paghakbang dahil sa sinabi nito. Humarap ako rito.


"Pansamantala lang ito dahil wala pa si Lance. I can't find any other secretary dahil hindi ko alam ang personal background nila so i am asking you to be my personal secretary for the meantime." Frustrated na saad nito.



"You should've told that earlier. Linawin mo ang mga sinasabi mo dahil maikli ang pasensya ko,Mr. Sandoval. Hindi ako magdadalawang isip na bitawan ang misyong ito lalo na kung alam kong naaagrabyado na ako." I said flatly.


Huminga ito ng malalim at naupo sa swivel chair niya at humarap sa akin."Follow  Joyce. Ipapaliwanag niya ang lahat sayo."kalmadong utos nito. Lihim akong napangiti, i know that you're mad at me pero hindi oobra ang ugaling 'yan sa akin lalo na kapag nasa misyon ako.


"Is it okay to leave you here alone Sir? " tanong ko.



"I'll be fine here. Mahigpit ang security ng building na ito wala naman sigurong magbabalak na patayin ako sa loob mismo ng sarili kong opisina,hindi ba? " saad niya.


"Are you sure about that sir? " tanong ko ulit. Ayokong may masabi na naman ang taong 'to.


"Just go and stop bothering me. Pag-aralan mo na lang ang mga ituturo sayo ni Joyce at tignan mo na rin an gmga schedules ko sa mga susunod na araw nang sa  gayon ay lagi tayong handa sa kung ano mang mangyayari.  Now go,nakakaistorbo ka." Bakas ang inis sa boses nito bagay na ikinatawa ko ng lihim.


Alam ko kung paano ka inisin,Sandoval kaya h'wag na h'wag mong uubusin ang pasensya ko.


"Miss Nike are you okay? " agad na tanong ni Joyce ng makita ako nito.  Mukhang narinig nito ang pagsigaw ng boss niya


"Shall we start? " tanong ko.
Itinuro sa akin ni Joyce lahat ng responsibilidad bilang isang sekretarya ng isang kilalang tao na nagmamay-ari ng malalaking business. Mula sa arrangement ng meeting nito hanggang sa pagkilala sa mga taong makaka-usap nito sa mga naibigay na schedule. Ipinaliwanag din ni Joyce kung ano ang gagawin ko bilang isang sekretarya kung magkakaroon man ng pagpupulong na kung saan maaari akong ipadala ano mang oras ng ng boss.



"Isa pa po pala Miss Nike,ayaw na ayaw po ni Sir Max na nalalate o kaya nawawala ang atensyon sa trabaho.  Pagpasensyahan mo na rin po na kung minsan ay magagalit na lang ito bigla bigla dala na rin po siguro ng stress sa trabaho and he also likes coffe Miss Nike lalo na kapag masyado itong abala."paliwanang nito. Mukhang matagal ng nagtatrabaho si Joyce sa kompanyang ito.




"Kilalang-kilala na ninyo siya ano? " nakangiting tanong ko.



"Ilang taon na rin po kasi kaming nag tatrabaho kay Sir Max.  Kahit minsan lang po siya umuwi ng pilipinas ay pinapapunta niya naman po kami sa Greece lalo na po kung may mga mahalagang okasyon." tumango tango ako sa sinabi nito.

"Hindi po ba Ma'am kayo ay may-ari Villaruel Car Enterprise?"


"Oo"

"Ang akala ko po kasi noong una kasama niya si Ma'am Caroline na secretary niya sa Greece kaya nagulat po kami kanina ng malaman namin na ikaw ang secretary niya rito.At isa pa po,hindi po ba ay mayaman na kayo bakit kailangan niyo pa pong mag trabaho at mababang posisyon pa?" tanong nito.  Halos mapanura naman ako ng mapagtanto kong tama ang mga sinabi nito kaya agad akong nag-isip ng pwedeng idahilan dito.



"Uh, Nag aaral ako ng business course, kailangan naming magkaroon ng training sa isang malaking compaby for 3 months or more. At nagkataon na si Sir Max ay isa sa may malaking kompanya sa bansa kaya kinausap namin ito na kung maaari akong mag training sa company niya." dahilan ko na agad namang pinaniwalaan ni Joyce.



"Kung sabagay mas may edge po kayo since kilala si Sir hindi lamang sa loob maging sa labas ng bansa dahil sa estado ng kaniyang pamumuhay. "I sighed in relief, I almost got caught. Isa pa sa pinagbabawal sa organisasyon ay malaman ng mga ordinaryong tao ang totoo naming trabaho. Tanging ang client lang namin ang maaaring makaalam ng totoo.


"Kung may tanong pa po kayo Miss Nike,  puntahan niyo na lang po ako sa opisina ko. Sasamahan ko na rin po kayo sa magiging office niyo."


"She's staying with me." pareho kaming nagulat ni Joyce nang narinig namin ang sinabi ng lalaki sa likuran ko. 
My heart skipped a beat ng marinig ko ang sinabi nito.


She's staying with me.


She's staying with me. 

Paulit-ulit na ang play sa isip ang sinabi nito.


"Po? " tanong ni Joyce.


"Sa opisina ko ang magiging opisina niya rin." para akong binuhusan ng tubig sa sinabi nito. 


Right. I'm staying with him because i am his personal secretary/agent/bodyguard.



"Miss Villaruel follow me." utos nito bago ako tinalikuran, nagpaalam ako kay Joyce at sinundan ito papasok sa opisina.


"Someone sent this." kasabay nito ang paglapag niya ng isang black box na may nakalagay na maliit na papel. 
Nawala ang pagtataka sa mukha ko nang makita ang maliit na simbolo sa box sapat na upang malaman kung sino ang nagpadala nito.


Lycon Syndicate.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now