Chapter 16

323 10 0
                                    

Mahigit tatlong linggo na simula ng manatili ako sa bahay ni Max Sandoval. Sa loob ng mga panahong ito ay sinigurado kong nasa mabuti ang buhay nito.  Lahat ng meetings na pupuntahan nito ay sinisigurado ko munang ligtas ito bago siya pumunta sa lugar.  Ngunit may mga pagkakataon padin na hindi namin inaasahang gagawa ng hakbang ang sindikato kagaya na lang kahapon ng tambangan kami ng mga armadong lalaki habang papunta kami sa isang event kung saan imbetado si Max.  Halos masira ang buong sasakyan namin dahil sa pamamaril ng mga ito mabuti na lang at tanging gasgas lang ang tinamo ni Max at Lance.

"How's your wounds?" Tanong ni Max ng may pag aalala ng makapasok ito sa silid ko.
Maingat akong bumangon upang hindi magalaw ang sugat ko sa tagiliran.  Nang mangyari ang pamamaril kahapon ay dalawang beses akong tinamaan ng bala ng baril sa tagilan dahilan upang mawalan ako ng malay sa loob ng dalawang araw.  Kung hindi siguro dumating ang ibang agent na tinawagan ko bago ako mawalan ng malay ay tiyak na napatay kami ng mga ito.  Hindi nga talaga biro na kalaban ang Lycon's Syndicate.

"It's fine. Kaya ko naman na. " sagot ko.

"Magpahinga ka na muna. Hindi magandang galaw ka ng galaw baka bumuka ang tahi ng mga sugat mo. " Wika nito habang hawak pa din ang tray na may pagkain. 

"Kumain ka na muna. " wika nito at inilapag ang pagkain sa harap ko. Tahimik ko naman itong kinuha at nag simulang kumain. 

"Sa susunod ay huwag mo na ulit iyong gagawin. " wika nito na bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.  Nagtataka ko naman itong tinignan dahil hindi ko naunawaan ang sinabi nito.

"What? "

"Sa susunod huwag na huwag kang basta basta na lang haharap sa kanila para lang maprotektahan ako.  Muntikan ka ng mamatay Nike! For godness sake! " galit na asik nito sa akin.

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko Max.  Sa organisasyon namin mas mahalaga ang buhay ng client namin kumpara sa sarili naming buhay. Trabaho kong proteksyonan ka,  kung hindi ko ginawa ang bagay na iyon ay siguradong pinaglalamayan ka na ngayon. " wika ko dito na lalong ikinalukot ng mukha nito.

"Pero muntikan ka ng mamatay!"

"Mas importanti ang buhay mo. Ano bang ikinagagalit mo dyan?  You should be thankful at buhay ka pa ngayon hindi yung reklamo ka ng reklamo dyan. " asar kong sagot dito dahil hindi ko maintindihan kung saan nang gagaling ang galit nito.

" Paano ako magpapasalamat kung nakita kitang halos nag aagaw buhay na sa harap ko?!  Pwede ba kahit isang beses lang isipin mo naman yung kaligtasan mo para hindi ako nag aalala sa bawat galaw mo na maaaring mag lagay sa panganib ng buhay mo?!  Ugali mo ba talaga na pag alalahanin ang mga taong nasa paligid mo?!" Sermon nito sa akin.

"I'm fine now Max. Ano pa bang problema dun? "

"I almost lost you!  Pinag alala mo ako ng sobra and now your asking kung anong problema?! Damn! " Frustrated na wika nito bago padabog ba lumabas ng silid ko at malakas ito na isinara. 

tulala kong tinitigan ang pigura ng pinto kung saan ito lumabas.  halos hindi ma proseso ng utak ko ang mga sinabi nito.

What the hell did he just say?!!

"Miss Nike? "

Bumalik lang ako sa normal kong pag iisip ng biglang pumasok si Lance sa silid ko na may dala dalang tubig.

"Ayos ka lang Miss Nike? "

"Ah. O-Oo.  Ayos lang ako. " sagot ko.

"Were glad that your okay now.  Halos ipatawag na ni Max lahat ng doctor sa Pilipinas para lang magamot ka.  " natatawang wika ni Lance na ikinagulat ko.

"He did that?! "

"Yes.  ang sabi pa nga niya ' kunin niyo na ang dugo ko para ibigay sa kanya pati na din ang dugo ni Lance. Gawin ninyo lahat mailigtas lang siya or else I'll destroy your life.' with matching sabunot sa buhok niya.  Masyado na siyang exaggerated to the point na pinapadonate niya na ang dugo niya at dugo ko knowing na hindi naman tayo magkapareho ng blood type. " natatawang wika nito habang ginagaya ang pinaggagagawa ni Max nuong nawalan ako ng malay. 

"He's worried Miss Nike. "

"Huh? " u asked out of confusion.

" Ngayon ko lang nakitang ganun mag alala si Max sa isang tao maliban na lang kay Miss Eireisone at sa tatay niya. Pero iba ang pag aalala sayo ni Max. " nakangiting wika nito.

"What do you mean? "

"He likes you. "

"He what?! " i shouted.

"Don't shout Miss Nike nabibingi na ako sa sigaw niya kahapon pa.  At uulitin ko, Max likes you kaya ganun na lang siya mag alala sayo." nanunudyong wika nito.

"Inimuin mo ang gamot mo.  Siya dapat ang magpapainom niyan sayo pero mukhang nag away kayo kaya nakabusangot yung baliw ngayon. " natatawang wika nito bago ako iniwang tulala sa silid ko.

He likes me.
Max likes me.

Damn!  It can't be!!

A/N: two chapters for today! pambawi!  🤣

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now