Chapter 20

334 15 0
                                    

"Don't worry about me ate.  I'm fine. I can handle myself. " halos manlamig ang buong sistema ko ng marinig ko ang boses ni klaus mula sa kabilang linya.

" huwag mong susundin kung ano mang ipapagawa nila sayo. Gusto lang nilang makuha ang gusto nila. Don't worry about me. " dagdag pa nito.

"Klaus?  Are you okay? Sinaktan ka ba nila?! " pinigilan ko ang sarili kong sumigaw upang walang ibang makaalam ng nangyayari. 

"Im fine.  Just do whatever they say, they will kill---" hindi na natapos ng kapatid ko kung ano man ang sasabihin nito bagkus ay narinig ko na lang ang boses nito na tila nasasaktan. 

"Stupid Kid.  Sinabi ko sa kanya na ang dapat niyang sabihin para hindi siya masaktan pero hindi siya marunong sumunod.  " narinig kong wika ng pinuno ng Sindikato.

Nanginginig ang buong sistema ko dahil sa sobrang galit. 
They hurt Klaus.  They fucking hurt my brother!  I'll kill them! i will surely kill whoever hurt him!

"What do you want? " i asked coldly.

"You. "

"What?! what do you want from me?! kung ako ang kailangsn ninyo hindi ninyo dapat dinamay ang kapatid ko?! "

"Nasa loob ka ng isang organisasyon na kung saan kinakalaban ang bawat illegal na sindikato.  Hindi ka na dapat nagtataka kung madamay man ang mga taong malapit sa mga taong kabilang sa organisasyong kinabibilangan mo Villaruel. " sagot ng nasa kabilang linya.

"Hindi basta basta ang koneksyon mo at maging ang mga malalaking car corporation na pag aari mo. You will be useful to us. Magiging malaking silbi ka din para makuha ang gusto namin. Or kung mag bago ang isip namin we can use you against Mr. Sandoval. He's yiur boyfriend right?  I'm pretty sure he'll give everything just to save you. Kung ayaw mong madamay siya at kung gusto mong maging ligtas ang kapatid mo, hiwalayan mo si Max Sandoval and do whatever we want. " wika nito at humalakhak na ikinakuyom ng kamao ko.

So,  they will use me in every way.  Lalo na laban kay Max. 
Hindi basta basta ang sindikatong ito para malaman ang relasyon ko kay Max.  ito na nga ba ang ikinakatakot ko oras na malaman nila ang koneksyon ng isang agent sa kliyente nito ay siguradong gagamitin nila ito upang makuha ang gusto nila.
Una palang dapat nag ingat na ako sa bawat hakbang na gagawin ko.  Hindi sana mauuwi sa ganito ang lahat.

"I'll give you five days to decide Nike Villaruel. Siguraduhin mo lang na hindi ito malalaman ng iba mo pang kasamahan lalong lalo na head ng Nostalgia af ni Max Sandoval . Oras na malaman nila ito alam mo kung anong mangyayari sa kapatid mo.  I'll send you the address kung saan ka pupunta kapalit ng paglaya ng kapatid mo. " dagdag pa nito.

I need to save my brother first bago ko isipin ang mga susunod pang maaaring mangyari.  Nangako ako sa mga magulang namin that I'll do everything to keep him safe at tutuparin ko ang pangakong yun.

"and by the way. Kindly check your phone after this call, may ipinadala akong regalo para sayo na siguradong ikakasaya mo. " malademonyong wika nito bago ibinaba ang telepono. 

Dali dali kong binuksan ang videong ipinadala nito at naupo na lamang ako sa sobrang panghihina ng makita ko ang video ng kapatid ko na walang awang binubugbog ng mga nakatakip na mukhang lalaki. Halos maligo na din ito sa sa sarili niyang dugo na lalong nagpatindi ng galit ko.  Ni minsan hindi ko nagawang saktan ang kapatid ko at ni minsan wala akong hinayaang tao na saktan siya.  Pero anong mali ang nagawa ko para umabot sa lahat ang ganito at kailangan maranasan pa ng kapatid ko ang ganito?!

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now