Chapter 33

298 19 0
                                    


Anong nangyari sa bagay na iyan? " turo nito sa peklat na nasa may nuo nito. Nagtaka naman ang tatlong lalaki sa naging tanong ni Clymene maging ako at ang kapatid ko ay hindi inasahang sasabibin niya ito.  Tila nakabawi naman si Carter mula sa pagkabigla at ngumiti bago sumagot.

"Na involved ako sa isang aksidente seven years ago. " panimula nito.  Agad na napahawak si Clymene sa kabilang braso ko dahil sa sinabi nito. 

"Calm down. " mabinang bulong ko kay Clymene sapat na para hindi ito marinig ng mga taong nasa harap namin.

"Hindi ko alam kung anong aksidente yun pero naging dahilan ito para mawalan ako ng alaala sa mga nangyari sa akin bago ang aksidente. I don't remember anything or anyone except for the name Carter Fierro na nakumpirma kong pangalan ko dahil sa isnag id na nakuha sa bulsa ko. " paliwanag nito.  Halod mapamura ako sa narinig ko.  Ibig sabihin kaya hindi kami nito makilala ay dahil wala talaga itong maalala dahil sa aksidenti noon.  Yung pagsabog ba ang aksidenting tinutukoy niya.?  Natulala naman si Clymene dahil sa narinig nito.

"Natagpuan siya ng Mama ko na palutang lutang sa dagat at may malaking sugat sa ulo kaya naman ay agad namin itong dinala sa ospital. Good thing that he survived the operation dahil halos mag agaw buhay na siya ng mga panahong iyon. " Sebastian said.  So, ang pamilya ni Sebastian ang nagligtas sa kanya.

"W-Wala ka bang maalala na kahit ano bago ang aksidente?" Garalgal na tanong ni Clymene na ikinakunot ng nuo ng mga lalaki sa harap namin.  Umiling si Carter bilang sagot dito.

"Wala pang pagbabago sa kondisyon niya sa nakalipas na taon pero paminsan minsan ay may mga bagay itong napapanaginipan. Other than that ay wala na " sagot naman ni Magnus.

"Let's drop that topic. Huwag na nating pag usapan ang buhay ko. " naiiling at nakangitng wika ni Carter.  Humingi naman ng paumanhin si Clymene dahil sa mga tanong nito na sinuklian lang ng ngiti ni Carter at ng dalawa. 

"Now,  kailan tayo magpaplano para sa pag ataki?  Kailan din malaman ito ng iba pa namjng miyembro at naghihintay din kami ng tawag mula sa tao namin sa loob ng sindikato." pagbabalik ni Carter sa usapan namin.

"I'll set the date and the place.  Kinailangan din muna naming kausapin ang iba naming agent tungkol dito dahil hindi kami maaaring mag desisyon basta basta na lang." wika ni Clymene na tila bumalik ma sa realidad.  Tumango naman ang mga kausap namin bilang pag sang ayon dito.  Magsasalita pa sana ito ng may tumawag sa telepono nito at nagpaalam na lalabas sandali kaya naman ay naiwan kami sa loob.

"Is she always like that?" Magnus asked.

"Like what? " nagtatakang tanong ko.

"Parang palaging may iniisip. Kanina pa tayo nag uusap usap pero parang wala ito sa sarili niya." sagot nito.

"I'm sorry about that.  Marami lang iniisip si Clymene nitong nakalipas na araw lalo na at sunod sunod ang pag ataki ng Sindikato at ng ilan pang kalaban ng organisasyon namin.  Pasensya na. " paumanhin ko.

"Don't say sorry Nike,  nagtanong lang naman ako. " natatawang wika ni Magnus na sinuklian ko din ng ngiti.

"She's scary." wika ng kapatid ko.

"Kapag nakita niyo ito ng seryoso at galit siguradong pati kayo ay matatakot. " dagdag oa ng kapatid ko. 

"I can see it. " bigalang wika ni Carter na ikinabaling ng atensyon namin sa kanya.

"Alam kong hindi basta basta tao si Ms. De Silva, nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya ang taong gugustuhin mong kalabanin. " dagdag pa nito.

"Pinag aralan mo talaga siya Carter ano? Mabuti at hindi natunaw sa mga titig mo. " pagbibiro ni Sebastian dito na ikinangisi lang ni Carter.

"It feels like i already saw that pair of emotionless eyes before." mahinang sambit nitonna narinig ko. 

Paano mo nakalimutan ang mga matang iyon Carter?  ang nga matang pagmamay ari ng mahal mo?

"Nike, lahat ba ng miyembro ng Nostalgia ay kasing ganda ninyong dalawa? " biglang tanong ni Sebastian na agad naman siniko ni Magnus.

"What, I'm just asking?" nagtatakang wika nito.

"Don't mind him Nike, ganyan lang talaga ang lalaking yan.  Anyway,  babae ba lahat ng miyembro ng Nostalgia?" magnus asked.  Umiling ako sa tanong nito.

"Karamihan babae pero mayroon padin kaming mga lalaking agent. " sagot ko dito.

"Lahat ba ng babaeng agent ninyo ay single Nike? " tanong ni Sebastian at binatukan ito ni Carter.

"Stop asking nonsense question Seb?! " asik nito dito.  Magtatanong pa sana ito sa akin ng bumalik si Clymene at umupo sa tabi ko.

"Eh kayong dalawa Nike,  are you both single?" ang buong akala ko ay titigil na si Sebastian sa tanong nito pero hindi pa pala.  Tumayo ang kapatid ko at pumunta sa likod ni Sebastian at tinakpan ang bibig nito. 

"May nakatakda na kay ate kaya lang pareho silang tanga,  kay ate Clymene naman ay meron na din. So stop flirting with them Kuya Seb! " inis na wika ng kapatid ko habang hawak padin ang bibig ni Sebastian na ikinatawa namin maliban kay Clymene.

"So,  were done here. Here ." wika ni Carter at iniabot ang calling card nito kay Clymene.

"Just call me kung kailan ang muli nating pagkikita at pag uusap. " wika nito kay Clymene ng nakangiti.  Tumango naman si Clymene at hindi nagsalita. 

Magsasalita na sana ako para magpaalan dito ng tumunog ang telepono ko at makiang tumatawag si Styx na agad ko namang sinagot.

"Hello Styx? May problema ba?" tanong ko at may narinig na sunod sunod na putok mula sa kabilang linya.

"Nabaril si Max.  Lycons attacked us. "

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now