Chapter 46

293 12 0
                                    



"Styx! " hiyaw ng isang lalaki mula sa likuran nina Nike.

"Oh God!  Have mercy on me! " nanlulumong wika ni Styx bago ito tumakbo na sinundan ni Tres na tumawag dito.

Naiiling na lang na pinagmasdan ni Nike ang dalawa habang mabilis na tumatakbo si Styx.  Habang naiwan naman na kasama ni Nike si Erebos.

"Puntahan natin kung nasaan ang iba. " wika nito sa lalaki na agad naman nitong ikinatango.

Nakita nila ang ibang agent at miyembro ng CHAIN na nasa loob ng isang silid kung nasaan ang mga bagong dating na armas.  Manghang mangha ang bawat isa sa mga nakikita nilang bagong gamit. 

"Hindi mo ba sila pupuntahan? " tanong ni Nike kay Erebos. Umiling maman ito at pinagmasdan lang ang mga tao sa loob.

"Alright. " wika ni Nike bago ito tumalikod.

"Where are you going? " tanong ni Erebos na ikinatigil ni Nike ng paglalakad.

"Training room.  I'll check the others." sagot ko.

"Pwedeng sumama?" tanong nito.  Bagamat nagtataka man ay pumayag na lang ako na sumama ito.

"Ikaw ang incharge sa mga rookie?" tanong nito ng makarating kami sa training room at naabutan ang iilang rookie na nagsasanay maging ang kapatid ko ay narito din.

"Kami ni Clymene ang incharge sa bagay na ito pero kadalasan si Clymene lang ang mag isang nagsasanay sa kanila dahil sa sunod sunod na misyon ko. " nakangiting sagot ko dito.

"Ah. "

"Malaki ang HQ ninyo.  No wonder na magagaling ang mga agent na naririto."

"Mas malaki ang dating HQ namin kung hindi lang ito napasok ng Lycons. Pag aari ito ng pamilya ni Clymene kaya naman madali namin itong nakuha.  Ang lahat naman ng equipments dito ay galing sa amin nina Eireisone." sagot ko na ikinatango nito.

"Ah. Pwede bang mag tanong? " tanong ko.  Tumago naman ito bilang sagot.

"Do you have any idea kung bakit gustong makausap ni Carter si Eireisone?" nagbabakasakaling tanong ko.  Baka may alam si Erebos sa dahilan ni Carter. Sandali itong tumahimik bago nagsalita.

"He saw that lady in the hospital right? Ang sabi niya parang pamilyar daw siya at nakita niya na ito noon at isa pagkatapos ng nun ay madalas ng sumakit amg ulo niya na hindi naman nangyayari noon.  Walang alam si Carter sa nakaraan niya kaya lahat ng posibleng makasagot ng tanong niys ay sinusubukan niya. " sagot nito bago tumingin sa akin. Hindi kaya may naaalala na si Carter kaya gusto nitong makausap si Eirei? Pero bakit si Eirei hindi ba dapat si Clymene ang dapat niyang kausapin?  Arrghh!!  What the hell is happening?!

"Why'd you asked? "

"Nothing. " iling ko.

"Ahm...  Salamat pala sa panyo na ibinigay mo noong nasa hospital. Ibabalik ko na lang siya sayo. " pagbasag ko sa katahimikan at tumango naman ito bilang sagot.

"Do you think..... we will going to succeed?" tanong nito na may pagdududa sa mga mata.

"You want to save your sister right? I want to save Lance and the other hostages and i want to protect Max in order to do that we have to succeed.  We need to win against Lycons para sa kaligtasan ng lahat. Hindi ito ang oras para magduda Mr. Leviste. Nag kailangan mong gawin ngayon ay magtiwala na magtatagumpay tayo. " determinado kong sagot dito.

"Ibang iba ang babaeng nakikita ko ngayon kumpara sa babaeng umiiyak na  inabutan ko ng panyo sa hospital. " may maliit na ngiti na sumilay sa labi nito.

"Nagtataka lang ako kung si Max Sandoval ang dahilan ng mga luha mong iyon. " dagdag pa nito bago ibinalik ang tingin sa mga nagsasanay.

" Siya ang dahilan pero ako naman ang may kasalanan. " sagot ko dito.

" I can see that you both love each other pero nakakapagtaka lang na parang may makapal at mataas na bakod sa pagitan ninyong dalawa. " wika nito na ikinatawa ko. How di he know na may naging relasyon kami ni Max.

"Don't be surprised.  Nagkukwento si Klaus sa amin ng mga nangyayari sainyo. " dagdag pa nito.  Yung batang yun talaga!  ang akala ko wala siyang alam sa nangyayari sa buhay ko tapos ngayon malalaman ko na lang na madami palang alam ang batang yun. I need to talk to him Later.

"He already love someone.  Siguro hindi pagmamahal ang nakikita mo sa kanya kundi ang pagkamuhi sa akin dahil sa nagawa ko noon. " wika ko kasabay ng mapait na ngiti na sumilay sa aking mga labi.

" Hindi ko alam kung sino sainyo ang tanga.  Kung ikaw ba o si Sandoval. At kung sino man yun bahala na kayo sa mga buhay ninyo. " walang ganang wika nito na ikinatawa ko.  May sense din palang kausap ang isang ito.

"Kuya Erebos! " hiyaw ng kapatid ko bago ito tumakbo papalapit sa amin.

"Sinabihan ko na kayo na huwag ninyo ng pormahan ang kapatid ko.  Para sa isa lang ang puso niyan. " Wika nito kaya naman hinablot ko ito at hinawakan sa tenga.

"Ikaw!  Bakit napatsismoso mo? " gigil kong wika dito habang sinusubukan nitong makawala sa pagkakahawak. 

"Aray ate!  ano bang pinagsasabi mo?! " hiyaw nito.

"Nagmamaang maangan ka pa huh?  Nalaman ko lang naman na ekekwento mo sa kanila ang buhay ko. " sagot ko dito.

"Aray!!  Sorry na!!  Bitaw na ate!!  Masakit! " mangiyak ngiyak na wika nito kaya naman ay binitawan ko ito.

"Kuya Erebos! Traydor ka! " asik nito kay Erebos.

"What?  I didn't do anything. " walang ganang wika ni Erebos.

"Nike! " sasagot pa sana si Klaus ng biglang sumigaw si Sebastian at Khalix na nag uunahan na makalapit sa amin.  Pero bago pa man ito makalapit ay agad na itong sinalubong ng kapatid ko habang hawak si Erebos at pinagtulungan ang dalawa na ilayo sa akin.

"Don't flirt with my sister!  Ipapakilala ko na lang kayo sa iba. " wika ng kapatid ko habang papalayo ang mga ito.

"But--"pagtutol ni Khalix.

"Susumbong ko kayo kay Kuya Carter ." matapos itong sabihin ni Klaus ay bigla na lang tumahimik ang dalawa at sumunod kay Klaus.  Mukhang spoiled ni Carter ang kapatid ko para mang blackmail siya ng ganun.

Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan ang mga lalaking paalis.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Kde žijí příběhy. Začni objevovat