Chapter 28

336 17 0
                                    

Seryoso at nagtatakang naka tingin sa akin si Naevius at Styx. Maging si Max ay tila gusto din marinig kung ano ang susunod ko pang sasabihin.  Kailangan kong makausap si Styx at Naevius ngunit hindi maaaring marinig ni Max ang kung ano pang sasabibin ko.

"Stay inside. Kakausapin ko lang sila sandali at pagkatapos I'll talk to you " baling ko kay Max bago sinenyasan si Naevius at Styx na lumabas.  Sumunod naman ang dalawa sa sinabi ko at naunang lumabas ng bahay 

"Stay here." utos ko kay Max na may pagtataka sa mukha.  Sasagot pa sana ito ng talikuram ko na lang ito at lumabas ng bahay nito.

Naabutan ko si Naevius at Styx na naghihintay sa may di kalayuan ng bahay sapat na para hindi marinig ni Max ang kung ano man ang aming pag uusapan.  tila hindi na din makapag hintay ang dalawa sa kung ano mang sasabihin ko.

" Can you please explain everything Nike.  Dahil mababaliw na kami ano mang oras sa sinabi mo kanina. " wika ni Styx.  Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita at ikikwento ang lahat sa kanila.

"So you mean makikipagkita kayo kay Carter para masigurado na toto nga ang sinasabi ng kapatid mo? " Naevius asked. Habang si Styx naman ay hindi pa din makapaniwala sa narinig nito.

"Yes.  At kung totoo man ang mga sinabi ni Klaus na hindi tayo kilala ni Carter ay maari padin natin siyang maging kakampi kung pareho din naman ang layunin ng Nostalgia at ng Org ni Carter na pabagsakin ang Lycon's syndicate. " sagot ko dito.

"Are we really sure that Clymene will be okay? " seryosong tanong ni Styx.

"I already asked her about that.  She said it's okay pero hindi ako naniniwala.  Nasaksihan natin kung gaano siya naging kamiserable sa nangyari kay Carter noo. Kung gaano siya nagluksa sa oag pakalang patay na ito.  Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya si Carter." sagot ko.  Lahat ng agent ay alam kung gaano nagdusa si Clymene dahil sa nangyari kay Carter kaya hindi mamin mapigilang mag alala sa kanya.

"At isa pa inuuna ni Clymene ang misyon ng Nostalgia kaysa sa pansarili niyang problema. " dagdag ko pa. Tumango tango na lang ang dalawa sa sinabi ko.  Wala naman talaga kaming pagpipilian kung yun ang gusto ni Clyme.

"Kailan kayo makikipagkita kay Carter?" Styx asked.

"Hindi pa namin alam.  Kinakausap pa siya ni Klaus sana lang ay pumayag siya na makipag usap. " sagot ko.

"So bakit ka aalis? Hindi niyo pa naman pala sigurado ang pakikipag usap kay Carter." saad ni Naevius.

"I need to stay beside my brother for now Naevius.  Oo mahalaga ang misyon ko kay Max pero nandyan naman kayo para pansanantalang bantayan siya pero ang kapatid ko kahit hindi siya nagsasabi alam kong kailangan niya ako. " sagot ko dito. Hindi ko pweding pabayaan ang kapatid ko ngayon dahil takot akong mangyari ulit ang nangyari noon.

"At isa pipilitin namin na makausap bukas o sa susunod na araw si Carter.  Kailangan natin ng makakatulong sa oag ataki natin sa sindikato dahil hindi basta bastang sindikato ang kalaban natin. " dagdag ko pa. 

"Fine.  Bumalik ka lang ng mabilis dahil naasiwa na ako sa pagmumukha ng Sandoval na yan. " iritang wika ni Styx na ikinatawa namin.

"Naaalala mo lang si Tres sa kanya dahil magkaugali sila. " sabat ni Naevius na agad namang binatukan ni Styx.

"Isa pang sambit ng pangalang iyon ay ako ns mismo ang magpapatahimik sayo habang buhay!. ." pagbabanta ni Styx dito ngunit tinawanan lang siya ni Naevius. Naiiling na pinagmasdab ko lang ang dalawa,  hindi talaga maaaring magsama sa iisang misyon ang dalawang ito dahil masyado mapabg asar si Naevius sa isang pikuning Styx.

"Enough with that.  Let's get inside,  kakausapin ko pa ang boss ko na laging may regla." awat ko sa dalawa bago pumasok sa bahay ni Max.   Naabutan ko itong nakaupo sa couch na para bang naghihintay lang na matapos kami.  Umupo ako sa harapan nito at sumunod naman sina Styx at Naevius na umupo malapit sa akin.

"Tapos na ba kayo mag usap?  Pwede ninyo na bang ipaliwang ang lahat sa akin ngayon? " tanong nito.  Tumango ako bilang sagot ngunit wala akong balak sabihin sa kanya ang plano naming pagataki sa sindikato.

" Kagaya ng sinabi ko kanina ay mawawala muna ako pansamantala.  My brother needs me right now dahil sa nangyaring pagtatangka ng Lycon sa kapatid ko kanina.  Oo alam kong may misyon ako na protektahan ka dahil agent mo ako pero mas kailangan ako ng kapatid ko.  At isa narito naman sina Styx at Naevius sila muna ang magbabantay sayo hanggang sa makabalik ako.  Sana maintidihan mo ang dahilan ko. "wika ko dito habang nakatingin ng seryoso sa mukha nito. 

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may kapatid ka? " nagulat ako sa naging tanong nito.  Muntik ko ng makalimutan, hindi nga pala niya alam na may kapatid ako at yun ang dahilan kung bakit umalis ako bilang bodyguard at agent niya noon.

"We can't tell personal things to our client Mr. Sandoval. At isa pa wala maman itong kinalaman sa misyon ko sayo. " sagot ko nalang dito dahil hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang totoo. 

"sinabi mo dapat sa kanya para hindi siya nabaliw sa kaiisip kong lalaki mo ba yung pinuntahan mo kanina. " mahinang bulong ni Naevius na narinig namin. Sabay sabay namin itong pinanlakihan mg mata kaya agad naman itong lumayo mula sa amin at umupo malapit sa may pinto ng bahay.

"Fine. Kailan ka babalik? " tanong nito.  So ang ibig sabihin ay ayos lang sa kanya na umalis ako pansamantala?  Napangiti ako dahil sa sinabi nito.

"Hindi ko pa alam.  I still need to deal with something and someone tungkol sa kaligtasan ng kapatid ko " sagot ko.  Magsasalita pa sana ako ng mag ring ang telepono ko. 

Klaus is calling.  Agad ko naman itong sinagot

"Klaus,  anong nangyari? " nag aalalang tanong ko.  Maging ang tatlo ay natuon din ang atensyon sa akin. 

"Alright  I'll  be there in a minute. " sagot ko bago ibinaba ang telepono.

"I need to go.  May importanti lang na sasabihin sa akin ang kapatid ko. " pagpapaalam ko dito bago tumayo.

Binalingan ko si Styx at Naevius.

"Kayo ng bahala sa kanya. Update me about his situation, kung kinakailangan minuminuto ay e update ningo ako." bilin ko sa dalawa.  Nakakaloko naman na ngumiti si Naevius at base sa ngiting iyon siguradong may naisip na naman ito na kalokohan.

"Aalis na ako Mr. Sandoval." paalam ko at tinalikuran ito.  Pero bago pa man ako makalabas ng pinto ay tinawag na ako nito.

"Villaruel." lumingon naman ako dito

"Yes? "

"Comeback safely.  I need you to comeback to me. " wika nito na ikinagulat namin.  Tila natauhan naman ito sa sinabi niya.

"I mean, agent kita. You still need to protect me at isa pa ayoko sa dalawang ito. " dagdag nito sa sinabi niya na ikinatawa namin. 

"Sus. Dinahilan pa kami. " narinig kong wika ni Naevius. 

Tinignan ko muna dito bago tumango bilang sagot at lumabas sa bahay nito. 

Atleast, gusto niya padin akong bumalik kahit bilang agent niya na lang

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now