Chapter 25

313 16 0
                                    

Masamang tingin ang ipinukol ni Max kay Naevius at Styx na prenting nakaupo sa sofa nito sa opisina. 

"Stop staring like your going to swallow us in anytime Mr. Sandoval. " putol ni Styx sa katahimikan na namayani simula ng umalis si Nike.  Masama din ang tingin ni Max sa dalawa na tila hindi gusto amg bigla na lang nilang paglitaw. 

"He doesn't want us to be here. He only wants Nike, Ms. Styx. " Wika ni Naevius na nakakalukong ngumiti. 

"pftt. " Agad namang nilingon ni Max si Lance na natatawa din sa sinabi ni Naevius kaya agad itong tumigil sa pagtawa.

" Can you fucking explain why you two are here?  and what the hell on earth is happening right now?  At saan pupunta ang babaeng yun?" nagpipigil sa galit na wika nito. 

"Do we really need to answer that?  Hindi pa naman ako nagawa ng essay para sagutin ang mga tanong na yan. " Imbes na sumagot ng matino si Naevius ay lalo nitong inasar si Max na namula sa sobrang galit.

"Damn it!  Lahat ba ng agent sa Nostalgia ganito? Hindi nakakausap ng matino? Can you just answer my question seriously?!" hiyaw nito sa kausap. 

"Paano nakatagal si Ms. Nike sa ugali niya?  Daig pa ang babaeng may regla. " lumapit si Naevius kay Styx at bumulong dito. .  Tinignan ito ng masama ni Styx kaya dahan dahan itong lumayo sa kanya.

"Geez!  Bakit ang iinit ng ulo ng mga tao ngayon? " naiiling na tanong ni Naevius.  Isa si Naevius sa pinakamapang asar sa Nostalgia organization.  Pero kapag itoy nasa misyon niya ay seryoso nito itong nagagawa.

"Styx can you just answer my questions seriously?!" mababakas sa tono ng pananalita nito ang inis habang nakatingin sa dalawa. Matagal ng magkakilala si Styx at Max dahil na din kaibigan ni Max si Tres na may kaugnayan kay Styx kaya naman ay nagagawang makipag usap ng pormal ni Max dito.

"I'm going to answer your questions, but will you sit down first? Nahihilo na ako sa kakalakad mo. " inis na din na sagot ni Styx. Sinunod naman ni Max ang sinabi nito at tumahimik na handang ng makinig sa mga isasagot ni Styx.   Styx is known to be short tempered. Minsan kapag hindi ito nakakapagtimpi ay bigla na lang nitong itinatapon ang kung ano man ang maaari nitong mahawakan na malapit sa kanya. Minsan ay napagbabalingan nito ng inis ang sino mang taong kausap nito.

"Una sa lahat hindi din namin ginusto na pumunta dito at palitan si Nike sa misyong ito. " panimula ni Styx.

"Palitan?  Is she quiting again?  Don't tell me iiwan na naman niya ang misyong sinimulan niya? Oh damn!  Hindi pa din siya nagbabago. " wika ni Max na may mapait na ngiti sa mga labi. Napailing na lang si Naevius sa sinabi ni Max. Habang si Styx naman ay hindi napigilang hiliton ang kanyang sintido dahil sa pagkainis. 

"Kung sa simula pa lang ay wala na siyang balak panindigan ang misyong ito sana hindi na niya kang ito tinang----"

"Pwede bang patapusin mo muna ako sa sinasabi ko bago ka magsalita ng kung ano ano Max Sandoval?  Pinapainit mo ang ulo ko! " asik ni Styx dito. Nagulat naman ang tatlo pang taong nasa loob sa biglang pagtaas ng boses ni Styx. Napalayo ng kaunti si Naevius sa tabi nito habang si Lance ay dahan dahan naupo sa upuan malapit sa may pinto habang si Max naman ay napalunok na lamang. 

"Tsk.  Kagaya ng sinabi ko kanina hindi namin ginusto na pumunta at palitan si Nike PANSAMANTALA sa misyong ito. " pagdidiin ni Styx sa huling salita na sinabi nito. 

"Pansamantala lang kaming papalit sa kanya hangang sa makabalik siya.  Hindi ko din gustong maging agent ng isang katulad mo na walang pakialam sa nararamdaman ng taong nasa paligid niya "wika ni Styx at tinitigan ng masama si Max na agad namang yumuko dahil sa sinabi nito. 

"Kailangan si Nike sa HQ ngayon dahil sa isang mahalagang bagay.  Hindi namin alam kung kailan siya magtatagal duon pero binigyan kami ng gawain na bantayan ka at hindi dapat maalis ang tingin namin sayo.  Whether you like it or not we will stay with you for a while. " dagdag pa nito.

" I-I heard her earlier. Sino yung taong tinutukoy niya kung ligtas ba ito?  At anong nangyari bakit ganun na lang siya mag alala kanina? " tanong ni Max na umiwas ng tingin kay Styx at Naevius.

"That's a personal questions Mr Sandoval.  Hindi kami binigyan ng karapatan para sagutin ang mga tanong na yan. if you want to know the answer why don't you ask her personally. " sagot ni Naevius sa tanong nito.

" Why suddenly interested on your agent personal life Max? " may pagdududang tanong ni Styx dito.  Tila nagising naman si Max sa sinabi nito at agad na tinalikuran ang dalawa.

"Don't mind it. Nagkamali lang ako ng tanong. " walang ganang wika nito at ibinalik ang tingin sa mga pinipirmahang dokumento.  Sumilay naman ang mapangasar na ngiti sa labi ni Naevius na tila alam ang ibig sabihin ng naging tanong nito kanina ngunit hindi na ito nag abala pang sumagot.

"Minsan gusto ko na din batukan ang lalakong yan.  It is really obvious na may pakialam padin siya kay Ms. Nike.  Ayaw niya lang tangapin sa sarili niya. " bulong ni Lance kay Naevius ng makalapit dito. 

"Alam mo, Madaming tao ang nasa state of  In denial ngayon right Ms. Styx? " natatawang wika ni Naevius.

"Tatahimik ka o patatahimikin kita ng tuluyan?"  wika ni Styx sa malamig na boses kaya maman ay agad na tumayo si Naevius at lumayo dito dahil ano mang oras ay maaari siyang masaktan ni Styx dahil sa sinabi nito.  Styx really hate that kind of topic at alam niyang isa siya sa pinapatungkulan ni Naevius sa mga sinabi nito.   Ngunit alam din ni Styx na sandali lang lang ang pananahimik ni Naevius at siguradong mag aasar na naman ito mayamaya. 

Huminga na lang ng malalim si Styx dahil wala siyang pagpipilian kundi ang pagtiyagaan ang agent na kasama niya ngayon. 
........
"Someone trained me. " Dahil sa naging sagot ni Klaus ay agad akong napatingin kay Clymene na nagtaka din sa sinabi ng kapatid ko.

"Who? " magkasabay pang tanong namin.

"You don't know him. " simpleng sagot lang ni Klaus 

"paano mo masasabi yan kung hindi mo pa nga sinasagot ang tanong namin kung sino siya? " asik ko dito.

"Kailangan niyo pa bang malaman yun ate?" bagot na sagot nito.  Oo aaminin ko, matapos ang nangyari four years ago ay makikita ang pagbabago sa kapatid ko.  Hindi na ito ang masayahing Klaus na pinalaki ko.  Sinisisi ko ang sarili ko dahil dito.  Kung hindi sana iyon nangyari ay ito padin sana ang Klaus na kilala ko noon. 

"Just tell us who trained you Klaus for Pete's sake! " frustrated kong wika.  I badly want to know who trained him.  At kung bakit niya sinanay ang kapatid ko. 

"Carter Fierro. " sagot nito na nakapagpatahimik sa amin ni Clymene.

totoo ba ang narinig namin?

is he kidding around?

How did he met Carter Fierro?  When did Carter Fierro Back?

"H-he's dead. " nauutal na wika ni Clymene at nanghihinang napaupo ito. 

A/N: oppss.  sino kaya si Carter Fierro?  Kalaban ba siya o bagong kakampi??  😊🖤

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon