Chapter 40

296 13 1
                                    

"Yung sinabi mo sa akin noon na hindi mo ako minahal, totoo ba ang bagay na iyon? M-Minahal mo ba talaga ako Nike? " nagulat ako sa naging tanong nito at hindi ako makapag salita. 

"I l---" natigil ang salitang lalabas sa bibig ko ng biglang tumunog ang telepono nito.  Agad itong kinuha ni Max at sinagot ang tawag.

"Hello baby. " Napansin ko ang matamis na ngiti sa labi nito ng marinig ang kausap.  May kirot na dumaan sa dibdib ko ngunit hindi ko ito pinansin.

"Yes. I'm fine don't worry. " nakangiti pading sagot nito sa kausap.  Dahan dahan akong tumayo mula sa aking pagkakaupo.

"I'll be back soon. Malapit na baby. I just  need to finish something okay?  Oh sure.  Sige na I'll call you again.  Yes.  Yes. I love you too. " pinigilan ko ang mga luhang papatak naman sana ng marinig ko ang sinabi nito sa kausap niya. Max is happy right now.  Ang mga ngiti niyang iyon,  patunay na masaya na ito sa taong mayroon siya ngayon.
"Where are you going?" natigil ako sa paglalakad papunta sa pinto ng magsalita ako.  agad akong humarap dito.

"Sa labas lang ako.  Kakausapin ko lang ang doctor mo. " sagot ko dito na hindi man lang tinitignan ang mga mata.

"Aren't you going to answer my questions? " tanong nito.  Ngumiti ako dito bago nagsalita.

"Nasabi ko na lahat sayo ay hindi na din mahalaga ang sagot sa mga tanong na yun.  Ang mahalaga ay masaya ka ngayon at ligtas ka.  Magpahinga ka na,  kailangan ko lang kausapin ang doctor mo. " nakangiting wika ko dito bago lumabas ng silid. 

Nanghihina ako napaupo sa sahig sa labas nh silid ni Max at hindi na napigilang pumatak ang mga luha ko.

Ang sakit.  Sobrang sakit.  Mahal na mahal ko siya pero ayokong maging selfish. Gustong gusto kong sagutin ang mga tanong na yun pero ayoko ng magulo ang buhay niya.  Masaya na siya.  May bago ng babaeng nagpapasaya sa kanya,  sapat na sigurong dahilan yun para hindi ko sagutin ang mga tanong niya kanina. 

Mahina akong umiyak sa gilid dahil hindi ko na mapigilan ang sakit na nararamdaman ko.  Paulit ulit na tumatakbo sa utak ko ang naging tanong niya kanina. 

I did loved you.  and I still love you Max pero tapos na ang pagiging parti ko sa buhay mo.  I am just a part of your past now. 

"Here. masamang umiyak na walang pamunas. " narinig kong wika ng isang baritonong boses kasabay ng pag abot nito ng pango.  Iniangat ko ang ulo ko at nabungaran ang isang doctor na siyang nag abot ng panyo sa akin.

"Kunin mo na.  and please stand up, hindi maganda sa isang babae ang umiiyak habang nakaupo sa sahig. " wika pa nito.  Agad ko namang tinangap ang panyo nito at ang kamay na nakalahad upang tulungan akong tumayo.

"Thank you. " mahinang wika ko at tumango naman ito.  Ang buong akala ko ay aalis na ito pero nanatili padin ito sa harap ko habang nakatayo.  Tinignan ko din ang id nito at nakitang isa siyang Neurologist. Doctor Erebos Leviste.

"Alam mo bang madaming taong nasasaktan din sa mga oras na ito pero hindi sila umiiyak. "panimula nito kaya naman ay napatingin ako dito.

"Do you know why?  Dahil para sa kanila kapag umiyak ka mahina ka.  Kailangan mong ipakitang malakas ka,  kahit gaano pa yan kasakit huwag mong hahayaang lumuha ka.  Crying makes people weak,  so please don't cry Miss.  Hindi ka naman siguro mahina hindi ba? Kung ano man ang ang sakit na nararamdaman mo ngayon hayaan mo lang na maramdaman mo. Kapag natuto ka kung paano yakapin ang sakit kahit masaktan ka pa ng paulit ulit ay para wala na lang sayo yan. So,  let it hurt hangang sa masanay ka sa sakit na yan. Hangang sa dumating sa puntong kahit paulit ulit kang masaktan ay hindi mo na siya mararamdaman. "wika ng doctor habang nakatingin sa akin ng diretso.  Walang makikitang emosyon sa asul na mga mata nito. Isang magandang mata ngunit walang emosyong ipinapakita. 

"Paulit ulit kang masasaktan, asahan mo na ang bagay na iyan dahil sa mundong ito tanging sakit lang ang permaninte sa puso ng isang tao." dagdag pa nito bago ito tumalikod at tuluyang umalis habang ako naman ay sinundan lang ang papalayo nitong katawan.

"Bakit.. .  Bakit ang bigat sa pakiramdam ng mga sinabi niya? " tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kawalan. 

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon