Chapter 24

324 16 0
                                    

Dalawang linggo matapos kong malaman mula kay Eireisone na buhay pa si Rojan ay naging mas mahigpit ang pagbabantay ko dito.  Kung dati ay nagagawa ko pa to ng iwan mag isa ngayon ay hindi ko inaalis anh paningin ko dito.  Naglagay na din ng dalawa pang rookie agent si Eirei sa paligid ng kompanya ni Max para sa seguridad nito dahil sigurado kaming siya ang pinaka target ngayon ni Rojan.  Sa loob din ng nakalipas na dalawang linggo ay naging abala ang buong Nostalgia Organization sa paghahanda para sa pag ataki.  Nakatangap din ako ng tawag mula kay Clymene na hawak na nila si Naevius at ang kapatid ni Felicity at nasa mabuting kalagayan na ito.  Naibigay na din ni Naevius lahat ng nalalaman nito sa sindikato sa isang buwang pananatili nito sa loob.  Kinumpirma din nito ang pag aakala mamin na buhay si Rojan. Ang sabi nito ay bago siya makatakas ay muntikan na silang mahuli ng sindikato mabuti na lang at agad silang nakatakas sa mga ito.  Nabangit din daw ng mga lalaking humuhuli sa kanila ang pangalang Rojan.  May ibinigay din itong mga larawan na nagpatunay na buhay nga ito.

Samantalang umuwi naman sa Pilipinas ang magkapatid na Montgomery kaya naman ay nakakatulong si Aelous kahit papaano sa paghahanda. Mahigpit namang binabantayan ni Ford at  ni Tyra  isa sa mga agent ng Nostalgia   ang anak ng Senator dahil lumabas muna ito pansamantala sa university, kailangan din muna si Styx sa loob ng Nostalgia kaya naman ay pinalitan muna ito ng dalawa.

"Anong nangyayari sa organization ninyo? Nabalitaan ko kay Chaos na masyadong busy nitong mga nakaraang linggo si Eirei. " tanong ni Max sa akin habang pinipirmahan ang mga dokumentong kailangan ng board.

"Binigyan si ni Clyme ng trabaho regarding sa data ng isang opisyal ng gobyerno na maaaring may kinalaman sa Misyong ibinigay sa isa sa mga agent namin. " pagsisinungaling ko.  Hindi ko ipinaalam dito ang ang naka planong pag ataki namin sa Lycon's Syndicate at ang katotohanang buhay si Rojan dahil kapag nalaman nito ang mga bagay na iyon ay siguradong gagawa na naman ito ng mga bagay na maaaring ikapahamak niya.  Knowing Max,  i know how reckless he was pagdating sa mga ganitong mga bagay. Napapansin ko na din ang pagtataka nito sa mahigpit kong pagbabantay sa kanya pero hindi ito nagtatanong.
matapos kong masagot ang tanong nito ay hindi na ito nagtanong pa at bumalik sa kanyang ginagawa habang ako ay abala mga ipinadalang mensahe ni Clymene tungkol sa mangyayaring pag ataki sa susunod na linggo.  Agad namang naagaw ang atensyon ko ng biglang tumawag si Clyme.

"Hey? " sagot ko mula sa kabilang linya.  Narinig ko ang tila nagkakagulong tao sa kabilang linya. 

"We need your help here." Sagot ni Clyme

"What's wrong Clyme? " nag aalalang tanong ko.  Napansin ko din na tumigil si Max sa ginagawa nito at tumingin sa akin.

"The syndicate attacked your brother a minute ago. " halos mapamura ako sa narinig ko mula kay Clymene .
It can't be!  Nauulit na naman ang lahat. Bakit kailangang idamay na naman nila ang kapatid ko?

"W-Where is he?  I-is he safe? " nanginginig ang buong katawan ko habang kausap si Clyme sa kabilang linya.  Tumayo na din si Max papalapit sa akin.  Hindi ko alam kung tama ang nakita ko pero parang may pag aalala sa mga mata nito.  Hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin at ibinalik ang atensyon sa kausap ko.

"He's safe now.  Nandito na siya sa amin ngayon.  Papunta na dyan si Naevius at Styx para pansamantalang palitan ka sa pagbabantay kay Max.  Klaus wants to talk to you personally. " Nang matapos ang tawag ay agad kong ibinaba ang telepono ko at nagmamadaling kinuha ang mga gamit ko kasabay nito ang pagpasok ni Naevius,Styx at Lance sa loob ng opisina ni Max.

" Where are you going?  And what the hell are you two doing here? " Nakakunot noong tanong ni Max. Maging si Lance ay may pagtataka din sa kanyang mukha.   Hindi ko na sinagot ang tanong nito at agad na bumaling kay Naevius at Styx.

"Is he unharmed?" tanong ko sa dalawa.

"He's safe.  Good thing he knows how to fight. " simpleng sagot ni Styx.

"Hurry up. He needs you now, Nike. " dagdag pa ni Naevius. Nakita ko ang samut saring tanong sa mukha ni Max na tila humihingi ng kasagutan ngunit wala akong panahon para sagutin ang mga bagay na iyon.

"Kayo ng bahala pansamantala sa kanya.  Huwag ninyong aalisin ang mga mata ninyo sa kanya.  Hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari sa mga oras na ito.  I'll be back if everything is okay.  Call me if somethings happen. " Bilin ko sa dalawa at tumango naman ito sa mga sinabi ko. Matapos kong sabihin ang mga ito ay nagmamadali akong lumabas ng opisina ni Max. 

habang nagmamaneho ako papunta sa bagong Headquarters ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Styx kanina.

'He's safe.  Good thing he knows how to fight.' paano natuto si Klaus na makipaglaban?  Kung inataki siya ng mga miyembro ng sindikato hindi malayong napatay na siya ng mga ito pero bakit sinabi ni Styx ang mga bagay na yun?  Damn!  I really need to talk to him. 

Nang makarating ako sa bagong HQ ng Nostalgia ay agad kong pinuntahan kung nasaan ang kapatid ko at naabutan ko itong abala sa pakikipag usap kay Clymene.  Laking gulat ko na lang ng makitang may kakaunting galos ito sa kaliwang pisngi,  ang buong akala ko ay napuruhan ito dahil siguradong hindi siya papalagpasin ng sindikatong iyon.

Agad akong lumapit dito at niyakp ito ng mahigpit.  Hindi ko na napigilan pa ang mga luha sa mga mata ko at agad itong bumuhos.

"Thank God! Akala ko mauulit na naman ang nangyari noon. Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari ulit ang bagay na iyon. " niyakap naman ako ng kapatid ko.

"Don't worry ate.  Hindi na mauulit ang nangyari noon. " pag-aalu nito sa akin.  Bumitaw naman ako sa pagkakayakap dito at pinunasan ang mga luha ko.  Tinignan ko si Clymene at tinanong ito kung ano pa talaga ang totoong nangyari.

"Ano ba talagang nangyari Clyme? " i asked.
" Pupuntahan sana ni Styx at Naevius ang isang client natin malapit sa paaralang pinapasukan ng kapatid mo around 6:00pm. Nagkataon na may nakita silang mga lalaking nagkakagulo at nagbubugbugan sa isang iskinita malapit sa paaralan. Nasa labing anim na kalalakihan ang nakita laban sa isang binata ang nakita nilang nagkakagulo.    Ang ilan sa lalaking kalaban nito ay nakadapa na sa sahig dahil sa mga bugbog na natamo ng mga ito na galing sa binatang kalaban nila. Ang sabi ni Styx bumaba sila ni Naevius para tulungan ang binata dahil pinagkakaisahan ito ng mga kalalakihan pero laking gulat na lang nila ng makilalang si Klaus ito.  Agad namang napansin ni Naevius ang simbolong mayroon sa kaliwang braso ng isang lalaki bagay na nakompirma nila na mga miyembro ng Sindikato. Mabuti na lang at marunong makipaglaban ang kapatid mo dahil kung hindi ay siguradong hawak na naman siya ng sindikato." paliwanag ni Clymene. Binalingan ko naman ang kapatid ko dahil tila hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Clymene.

"Saan ka natutong makipaglaban? " tanong ko.  Tinignan ako nito ng seryoso at mahabang katahimikan muna ang namayani bago ito sumagot sa tanong ko. 

"Someone trained me. " Sagot nito dahilan upang magkatinginan kami ni Clymene.

"Who? " sabay namin tanong ni Clymene dito.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Onde as histórias ganham vida. Descobre agora