Chapter 18

315 11 0
                                    

" Hindi ako madamot pero hindi din ako mapagbigay lalong lalo na sa taong pag aari ko. Stop flirting with my boyfriend or else I'll cut that tongue of yours. " nilingon ko si Max na tila nahimasmasan mula sa pagkakalasing dahil sa reaksyon nito.
Ngunit imbes na umalis ay tinarayan lang ako ng babae.

"Excuse me Miss.  Hindi mo ba napapansin?  Your boyfriend likes me. " nakangising wika nito na lalong nag painit ng ulo ko.  Nilingon ko si Max at sinamaan ng tingin.

"You like her? " walang emosyon kong tanong kay Max. Agad naman itong umiling bilang sagot.

"See?  Hindi ka niya gusto. Umalis ka na sa harap ko bago ko pa sirain yang pagmumukha mong mukhang isinubsob sa harina. " gigil kong wika sa babae na ikinatakot nito at nagmamadaling umalis sa harap namin.  Agad ko namang binalingan si Max at walang sabi sabing kinaladkad ito palabas ng bar.

"Shit Nike.  Pwede bang dahan dahan naman.  Nahihilo ako. " reklamo nito habang hatak hatak ko patungo sa kotse ko.

" Shut up Sandoval dahil kung hindi tatamaan ka talaga sa akin.   May pa walk out walk out ka pang nalalaman, siraulo ka kung may nangyaring masama sayo ano na lang huh?! " sermon ko dito. 

"aalis ka ng walang kasama tapos pupunta ka lang pala dito para lang makipaglandian na pisti ka!  Siguro hindi lang ako ang sinabiban mo na gusto mo.  ilang babae pa ba ang sinasabihan mo ng mga salitang iyon hah?  ang kapal kapagl ng muk---" hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin ng bigla na lamang ako nitong hilahin at naramdaman ko na lang ang malabot nitong mga labi na nakadampi sa aking mga labi. 

"Ang ingay mo Nike.  Ayan.  Tumahimik ka na kahit papaano. " wika nito ng mag hiwalay ang aming mga labi.

D-did he just kissed me?!

"At wala akong sinabing gusto ko sila.  I don't like them,  i like you. "

"Heh!  Tumahimik ka!  Sakay! " hiyaw ko dito ng makabawi mula sa pagkabigla.
"Wait.  did you just say 'my boyfriend' earlier? " mapang asar na wika nito. Ngunit imbes na sagutin ay sinamaan ko ito ng tingin.

"Sasakay ka ng saskayang yan o itutulak kita hangang sa masaktan kang siraulo ka? " galit kong wika dito.

"Okay sasakay na pero sabihin mo nga ulit yung salitang sinabi mo kanina. " hirit pa nito.

"SAKAY! " sigaw ko dito na nagmamadali at takot na sumakay sa passenger seat. 

Geezz.  Pinapainit ng siraulong ito ang ulo ko.  Baka hindi sa kamay ng sindikato mamatay ang lalaking ito,  baka ako pa ang makapagay dito dahil sa sobrang gigil ko. 

Agad naman akong sumakay sa sasakyan at nagsimula ng mag maneho. 

"Don't try to say anything kung ayaw mong ihulog kita sa sasakyang ito.  " simula ko ng mapansin kong magsasalita ito.

"and I'm not kidding Sandoval." dagdag ko bago pinaharurot ang sasakyan. 

nakitang kong tila takot ito dahil sa mabilis kong pagpapatakbo kaya naman nakaisip ako ng kalokohan.  Mas lalo king binilisan ang pagapapatakbo sa sasakyan, nilingon ko ito at nakitang nakapikit ito habang nakahawak ng mahigpit sa upuan.   Natatawa ako sa reaction nito kaya naman mas lalo ko binilisan hangang sa makarating kami sa bahay.

"Fuck! " mura nito na nagmamadaling lumabas ng sasakyan.
"Fuck it!  ang akala ko mamamatay na ako. " wika nito habang nanghihinang naupo sa labas ng pinto ng bahay. 
Lumabas naman mula sa pinto si Lance at magtatakang tumingin kay Max.

"Anong nangyari sayo? " Lance asked.

"Ask her. " asik nito.

Nagkibit balikat lang ako ng tignan ako ni Lance na tila humihingi ng kasagutan.

"Next time huwag na huwag kang aalis ng bahay na hindi ako kasama dahil hindi lang iyan ang aabutin mo. " sermon ko dito ngunit sinamaan lang ako nito ng tingin.

"Pumasok ka na baka itulak pa kita papasok. " pananakot ko dito bago ito nagmamadaling pumasok ng bahay.

"Ikaw ng bahala sa kanya. " bilin ko kay Lance ng makapasok kamk ng bahay.

Dumiretso ako sa silid ko at inisip ang mga nangyari kanina.

bahala na bukas. 

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Where stories live. Discover now